How to Write One-shots
1. One-shot is one-shot. At kapag sinabing one-shot, asin one seat reading lang ito. Meaning, hindi aabutin ng 10 minutes or so ang pagbabasa mo. A one-shot story is commonly shorter than a short story.
2. Not too many characters. Same as not too many twists. Kaya nga one-shot lang. Hindi mo naman kasi pwedeng pagsama-samahin ang maraming twists sa maikling kwento lamang. I suggest gawa ka nalang ng on-going story kung gusto mo ng maraming characters at maraming twists para hindi magkasabit-sabit ang utak ng readers mo.
I suggest tama na siguro ‘yung 3-4 characters. ‘Yung bidang babae, bidang lalaki at tig-isang kaibigan.
3. It must be brief and concise but meaningful. Yes, dapat may sense kahit sobrang ikli lang. Dapat maiparamdam mo ang kahit dalawang klase ng emotions kung hindi man lahat.
4. Straight to the point. ‘Wag nang paligoy-ligoy, okay? Beginning, climax, ending. ‘Ganun lang ‘yun.
Hey! Kung umabot ka sa part na’to, congratulations! May naitulong ako sayo kahit konti. Well, wala na akong masasabi sa pagsusulat ng one-shot short story dahil hindi ako madalas gumawa ng one-shots. Kapag kasi may nagpo-pop na idea sa utak ko, hindi ako nagsusulat as one-shot. Idinadagdag ko nalang iyon sa mga scenes ng on-going ko.
So, that’s it.
BINABASA MO ANG
Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)
RandomPara sa mga aspiring writers at mga loyal na readers, para ito sa inyo. Mga tips at advices na maaari kong i-share bilang isang baguhang manunulat at bilang isang reader narin.