Chapter Cutting
Wala namang specific rule sa pagcu-cut ng scenes sa bawat chapter. Pero may mga suggestions ako kung paano mag0cut ng isang scene and jump into another chapter.
1. End it with a statement. ‘Yung parang conlusion sa mga nangyari sa buong chapter na iyon. Hindi naman kailangan mahaba ito parang isang essay ang entry. A single paragraph would do.
Like for example: “Hindi ko naman sinasabi na mali siya. Ang akin lang sana, alam din niyang intindihin ‘yung nararamdaman ko kasi tao rin ako nasasaktan. Pero sana naman maging open siya sa lahat ng bagay at matutunan niyang pakinggan ang ibang tao. Kasi, alam niyo ‘yun, masakit na.”
2. You can cut a scene using a dialog. Very efficient ito lalo na sa mga heavy scnes. Kadalasang ginagamit ito para mambitin o maglagay ng kilig factor sa dulo ng chapter. Ito rin ang nagpapa-excite sa mga readers para basahin ang susunod pang kabanata.
Like for example: “Bakit ba lagi mo nalang akong sinasaktan?! Like if you knew how painful it is being hurt by you! Kasi ‘yun lang ‘yung kaya mong gawin sa akin! Kasi ‘yun lang ‘yung paraan mo para pagtakpan ‘ang nararamdaman mo! Am I a good rebound?” Umiiyak na sabi niya sa akin habang pinaghahampas ako. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.
Maya-maya, tumigil narin siya sa pananakit sa akin ngumit tuloy parin ang pag-iyak niya. Huminga ako ng malalim, “Sinasaktan kita emotionally kasi gusto ko magalit ka sa akin. Kasi gusto ko, kahit saktan man kita ng paulit-ulit, sa akin ka parin pupunta. Para masampal mo ako, para hampasin mo ako, para mahawakan mo ako. Kasi alam mo, unti-unti na kitang minamahal sa kabila ng lahat ng sakit na nararanasan natin sa isa’t-isa.”
Then, that was it. A conversation ending a chapter. ‘Yung emotions na naramdaman ng characters, maaaring sa next chapters mo na i-broad iyon. Ang importante, sa conversation palang nila, intense na ang atmosphere.
3. Be a cliff-hanger. Matuto kang mambitin. Huwag mong tanggaling ang excitement at pagtataka sa utk ng mga readers. Minsan kasi, ito ‘yung nagpapataas ng intruiging-level ng isang chapter. Pero huwag naman sa lahat ng chapter eh puro cliff-hangers ka nalang. Sigurado maiinis na ang mga readers kapag ganun. Learn to limit also your pabitin effect. Hayaan mo silang mag-isip kung anong susunod na mangyayari at alamin kung ano nga ba talaga ang nangyari. Lituhin mo sila sa paraang naiintindihan nila. Gets mo?
Ang pagcu-cut ng chapter ay nakadepende sa author. Kung sa anong paraan niya gustong mambitin o magpakilig o magpa-apekto sa readers.
Hindi naman sa lahat ng oras pantay-pantay ang paghahati ng chapters. Merong maikli lang, mahaba o katamtaman o sakto. Just be an effective writer in any way you want.
BINABASA MO ANG
Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)
RandomPara sa mga aspiring writers at mga loyal na readers, para ito sa inyo. Mga tips at advices na maaari kong i-share bilang isang baguhang manunulat at bilang isang reader narin.