Dealing with Writer's Block

993 48 7
                                    

Dealing with Writer’s Block

 

Ang writer’s block ang sinasabing pangunahing dahilan kung bakit hindi makapagsulat ang isang writer kahit na gustuhin niya. Sabi nila, kapag may wirter’s block ka daw, wala kang maisip na plot para maisulat. Kaya nga “block”. Kasi bino-block niya ‘yung mga ideas na dapat ay pumapasok sa utak mo. Parang may net na humuhuli sa mga naiisip mong ideas para sa isusulat mo.

It’s really obvious that writer’s block has widely entered our lives as a writer. Pero may mga paraan naman on how to deal with the so-called writer’s block na ‘yan.

Mga dahilan kung bakit nagkaka-writer’s block ang isang writer:

1.       Ayaw mo ng ginagawa mo. This is proven and tested. Kasi kapag ayaw nang ginagawa mo pero pinipilit mo ang sarili mo, nawawalan ka ng interes sa bagay na ‘yun. So imbes na maganda ‘yung kalalabasan, ang nangyayari, wala kang nagagawang matino.

Na-experience ko na ito sa iba’t-ibang pagkakataon. ‘Yung tipong kailangan na kailangan mong gawin ang isang article na ‘yun pero wala ka sa mood dahil hindi mo gusto ‘yung topic. Ganun din sa pagsusulat ng kwento. ‘Wag mong pilitin ‘yung sarili mo kung ayaw ng utak mo ‘yung topic.

2.       Maraming distractions. Ayan. Dyan tayo magaling. Habang naka-bukas si Facebook, nadyan si Twitter, Wattpad, Instagram, tumblr at huling-huli pa si Google. Plus marami kang assignment at poof! Nag-text si crush. Oh, wala na. Nawala ka na sa focus at concentration. Learn to set your priorites.

3.       Inaantok ka. Please lang, ‘wag magsulat kung inaantok o pagod ka. ‘Wag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw namanng katawan mo. Kung sakali mang may mga ideas na pumasok sa utak mo pero hindi ka makapag-sulat, gawan mo nalang muna ng outline o draft. Then kung kaya mo na, saka mo isulat ng buo.

4.       Gutom ka. Ang dami mong iniisip. Kung nag-aalburuto na ‘yung tiyan mo at kanina pa umaangal, pakainin mo naman muna ang sarili mo. Kaya mo sinasabing nar-writer’s block ka kasi hindi nka makapag-isip ng maayos. How can you say it’s writer’s block kung may kahati naman ‘yung utak mo sa atensyon? Hirap ka na ngang mag-isip ng plot nakiki-epal pa si tyan. ‘Wag magsulat ng gutom, ha?

5.       Katamaran. Oo, katams nga. You know what, don’t blame your brain for having a poor writing skills when it comes to writer’s block kasi katamaran talaga ‘yan. Aminado ako, sinasabi kong may writer’s block ako when in fact, tinatamad lang talaga akong magsulat. May plot na sa utak ko, pero ayaw namang makiayon ng katawan dahil tinatamad akongmagsulat. Ang ending, nawala si ideas. Tumakas na papuntang outer space.

6.       Dahil sa pressure. Message dito comment doon. Hayaan mo ang mga readers mo, okay? Anyways, ikaw parin ang masusunod kung kailan mo gustong mag-update. And so what if they get mad at you? Wala silangmagagawa dahil ikaw ang writer.

Mga paraan para ma-shupi ang writer’s block:

1.       Don’t write. Kapag ayaw ni brain, huwag pilitin dahil mas lalo ka lang mafu-frustrate.

2.       Relax. ‘Wag mong i-pressure ang sarili mo. Huminga ka. Hayaan mong maghintay ang readers mo. Ang mga demanding na readers, ipatapon sa Pasig River! De joke lang. Sabi ko nga, relax lang. Ipahinga mo ang utak at kamay mo.

3.       Watch movies or reads books. Malay mo, baka ma-inspire kang ituloy ang naunsiyami mong plot. You can also listen to music. You don’t know, a new idea might popped in.

4.       Sleep. I believe this will help a lot. Kasi naipapahinga mo ‘yung utak mo sa lahat ng bagay. Wala kang ibang iniisip kundi ang magpahinga.

5.       Be passionate with what you are doing. Go back from the start on why and how did you start your story. Bakit ka ba nagsusulat, in the first place? Balikan mo ‘yung dahilan kung bakit mo nasimulan ang kwento mo. Hanapin mo ‘yung naging inspiration mo. Ang isipin mo, nag-back-to-zero ka. Naubuan ka ng energy, ang solusyon, hanapin mo ‘yung charger mo dahil lowbat ka na sa istoryang isinusulat mo. But always remember that no matter what the reasons are behind your story, you must write because you want to. Not because of other things.

6.       Focus and concentrate. Kung sa isang kwento ka lang nagsusulat, dun lang dapat. ‘Wag munang isipin si crush. Unahin mo  ang kwento mo. Well, unless, si crush ang priority mo dahil wala akong magagawa para doon. Or… ah! Si crush ang gawin mong inspiration at isipin mo nalang, siya ang hero at ikaw ang heoine. De joke lang. Echos ko lang ‘yun. Basta sabi ko, focus.

7.       Pray. Sabihin mo kay Lord ang problema mo. Pero syempre, hindi mo naman Siya pwedeng utusan na si Lord ang magsulat para sa yo. What I mean is asked for guidance. Humingi ka ng sorry sa mga kasalanan mo. At sabihin mong huwag kang pababayaan sa pagsusulat mo.

That’s all I can give. Pigang-piga na si brain ko. Pero sana makatulong sa inyo, kung sino man ang nagbabasa nito sa mga oras na ito.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon