Writing the Epilogue or Ending
1. You must satisfy the reader. Hindi mo kailangan ng bonggang ending. Kahit cliché man ‘yan or what, mapa-unique man niyan o sobrang kakaiba, kailangan mong ma-satisfy ang readers mo. Bahala ka kung sa paanong paraan mo ii-end ang story mo, but I should say that it must be as different as possible from other stories.
Satisfy the readers.
Iyan lang kaisa-isang masasabi ko about ending a story dahil isa ‘yan sa mga magpapaganda ng ending mo. Just make sure na mapapa-“WOW” ng bongga ang mga mambabasa, okay? Any type of ending will do.
Note: Pwede kang mambitin, pero hindi ka pwedeng mag-iwan ng napaka-raming tanong sa utak ng readers, unless gagawan mo ‘to ng sequel o book 2 or part 2 or whatever you call that thing. Dapat, ang lahat ng tanong na nabuo sa isipan ng mga mambabasa sa umpisa pa lang ay masagot habang tumatakbo ang istorya. Sasagutin ng buong kwento ang mga tanong na iyon.
‘Wag lituhin ang mga readers. Dapat ikaw mismo ay naintindihan at na-satisfy sa ending mo.
Mga uri ng endings:
1. Happy ending- Understood na ito. Alam na alam ng kahit na sinong writer kung ano ang happy ending. Lalo na kung dumaan ka sa pagkabata, e kilala mo rin siguro ang mga prinsesang sinagip ng prinsipe at nagkaroon ng happily ever after.
2. Tragic ending- Like Romeo and Juliet. It’s either mamamatay ang isa, mamamatay ang dalawa o mamamatay silang lahat. Ganun kasimple ‘yun.
3. Open ending- Ito ‘yung mga ending na hindi pa masyadong gamit. Pero ito rin ang ending na sa tingin ko ay pinaka-the best bukod sa tragic ending. Why open ending? Kasi dito, walang kasiguraduhan ang ending. Kadalasan, conversation ang last part nito. Hindi kasal, hinsi sa ospital, hindi sa burol o sa kahit ano. In short, bitin. ‘Yun lang ‘yun. Bitin.
BINABASA MO ANG
Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)
CasualePara sa mga aspiring writers at mga loyal na readers, para ito sa inyo. Mga tips at advices na maaari kong i-share bilang isang baguhang manunulat at bilang isang reader narin.