Writing the Prologue

1.7K 72 9
                                    

Writing the Prologue

Ang pagsusulat ng prologue ang isa sa pinaka-mahirap isulat sa buong parte ng isang nobela o kwento. Bakit? Mamaya ko sasagutin iyan. Sasabihin ko muna ang mga characteristics ng isang prologue o prologo.

Ano ang prologue o prologo?

Ang prologue ay isang maikling preview ng buong kwento. Preview—meaning parang teaser. Kung ang movies my trailer, ang books at mayroong prologue o teaser. Kaya nga “tease” kasi iniimbitahan ka nitong ituloy mo ang pagbabasa at alamin ang buong kwento.

Ang prologue ay parang title na dapat ay mas nakaka-intriga, nakaka-hook, nakaka-panindig balahibo at nakaka-curious. Kadalasan, ang mga prologue ay punong-puno ng mga katanungan sa nakaraan na sasagutin ng kasalukuyan sa pamamagitan ng plot ng kwento. Ito ang magiging daan para magkaroon ng rason ang mambabasa na ituloy pa ang kwento.

How to write a prologue:

A prologue should be short and concise yet very meaningful and mysterious. Ito ‘yung part ng story kung saan mapapa-talon ka sa excitement at mapapa-sigaw nalang ng “Shet! Anong nangyari?! Bakit ganun?! Oh my gosh!” Gaya ng title, ang prologue ay ang magiging tulay para magpatuloy pa ang reader sa pagbabasa.

You can have a flashback on the character’s side as a prologue. Ito ‘yung pwedeng flashback ng bida years ago, nung bata pa siya o kaya isang napaka-remarkable na pangyayari sa buhay niya. You must use the rgight words, ‘yun bang hinihigop ka ng mga salita para pumasok sa mundo ng characters. Hangga’t maaari, gamitin ang mga tamang salitang magbibigay ng misteryo sa mga readers.

You can have a poem or a quotation as a prologue. Pero hindi ko sinasabi na the quote itself is the prologue, okay? What I mean is maglalagay ka ng isang inspiring quotation regarding your story and you just have to explain it well. At syempre, dapat ay konektado iyon sa kwento mo. And… sa poem naman, pwedeng the poem itself is the prologue. O kaya naman kukuha ka ng isang napaka-importanteng scene sa plot at iyon ang gagawin mong teaser. Just be bold enough ang brief. ‘Wag ‘ong masyadong mahaba na para dalawang chapter na na pinag-isa dahil walang ganoong prologue. Well, meron naman pero hindi kasi siya appropriate para sa isang nobela.

A prologue is only an introduction. Kaya nga sabi ko, maikli lang. Intro pa lang iyan, pero sinasabi kong ang prologue ang isa sa mga dapat mong pagtuunan ng pansin dahil kadalasan ang prologo ang basehan ng mga mambabasa kung naganda ang isang kwento. Dapat maiparamdam mo sa kanila na worth it ang oras na gugugulin nila sa pagbabasa ng kwento mo sa introduction pa lang. Hayaan mo silang masabi ang mga salitang, “Wow! Prologue pa lang, bongga na! Galing!” Ganun.

Don’t spoil the story. Magpatikim ka lang sa prologue mo. Matuto kang mambitin. At huwag na huwag mong ikwekwento sa prologue ang buong istorya. Intro nga lang kasi iyan. Pampaakit. Pampa-impress. Kapag nagustuhan ang prologuea, malamang babasahin ang kwento. Pero siguraduhin mo rin namang kapag maganda ang prologue, mas maganda ang next chapters. Hindi ‘yung fireworks ang prologue pero lusis lang asng next chapters. Learn to balance both. Fireworks na red, fireworks na blue. Parehong fireworks—balance.

Ang pagsusulat ng prologue ang isa sa mga madadali—pero mahihirap—na parte ng istorya. Kapag maganda ang prologue mo, huwag mong hayaang ma-disappoint ang readers mo pagdating ng climax. Kapag pangit ang prologue mo, ‘wag mong asahang maraming maeegganyo sa story mo.

Pero may mga authors na hindi na gumagamit ng prologue. Talagang straight to the story. But as for me, importante ang prologue sa isang kwento. Much better ‘wag nang lagyan ng prologue ang story kung hindi ka marunong mang-hikayat gamit ang mga salita.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon