Writing the Story Plot
Kung isa ka sa mga cliché authors na kadalasang nagsusulat ng mga cliché na kwento, please. As possoble as you can, ‘wag kang susulat ng isang kwentong alam na ng readers ang susunod na mangyayari. Sigurado ako, walang magbabasa niyan. Trust me.
How to start a story:
1. Avoid *Riiiinngg Riiiinnng* alam clock sound. Hutang bells na alarm clock na iyan. Naku. Please po, bawal ang ganyang panimula. Masyadong common at napaka-precdictable.
2. Avoid using “Hello po. Ako nga pala si Marjie. Maganda, mayaman, matalino, sixteen years old bla bla bla.” Tama lang po na ipakilala nain ang isang character sa umpisa pero huwag naman po sanang lantaran. At mas maganda kung ibang charactaer ang magpapakilala sa bida para maiwasan ang “hangin” effect habang nagbabasa.
3. You can start a story using a quotation. Maaaring quotation galing sa ibang libro o quotation na sa kwento mo mismo mababasa. Maganda ring mag-start ng story na parang nag-flashback si characters then ang kasunod niya ay: “Bla bla bla bla bla… at doon nag-umpisa kung bakit naging kami ng lokong lalaking hinayupak na iyon. Nang dahil sa ballpen na ‘yun na hiniram niya sa akin nung isang araw, nagkakilala kami and chenes churva eklavarva.”
4. Start a story with a dialog. Alam niyo na ito. And I can say that this start is way better than that annoying sound of an alarm clock. Kunwari nag-uusap ang dalawang character, umpisahan mo sa dialog nilang dalawa at ‘wag agad sa pagpapakilala ng characters. Matutuo po tayong magpa-curious sa kanila. Hayaan nating mamatay ang readers sa curiosity dahil sabi nga nila, “curiosity kills.”
5. Avoid “Beep! Beep! Beep!” as a start of your story. Hinayupak na kotse ‘yan. Alam mo, kung sa umpisa pa lang balak mo ng patayin ang isang character mo dahil masasagasaan siya ng isang mayaman at gawapong lalaki, huwag mo nang ituloy iyan. Nakaka-buwisit. Like, duh? Napaka-common at cliché niyan. And then what? Dadalhin sa ospital pero bubungangaan siya ni girl. Tapos magiging slave ni girl si suspek at magkaka-inlove-an sa huli. Pisti.
6. Start your story with a life inspiration. Ang ibig kong sabihin dito, ‘yung parang paligoy-ligoy effect bago pumunta sa main story plot. Okay lang na paiku-ikutin ang utak ng mga readers. At siguraduhin mong sa isusulat mong paligoy-ligoy at pasakalye na iyan ay may matututunan ang mga mambababasa at makaka-relate sila ng maigi. You have to create a connection with your readers using words.
7. Ask questions. Magtanong ka na para bang kinakausap mo ‘yung mga readers mo. Isipin mong habang nagsusulat ka ay kaharap mo sila at parang nagk-kwento ka lang sa kanila. Ito rin ay isang paraan para maging isang effective writer dahil sa mga tanong na nasa istorya mo, maaaring maitanong rin nila ang bagay na iyon sa kanilang mga sarili. Who knows, ikaw pala ang maging dahilan para mahanap nila ang sarili niya through your stories? Just ask questions. And the story will answer those questions while the readers are trying to answer that for themselves, too.
Like for example: “Nasubukan mo na bang magmahal? Eh ang masaktan? Sabi nila lagi daw magkadikit ang kaligayahan at kalungkutan. Pero sa paniniwala ko, iba ang pagmamahal sa sakit. Ang masakit ay ang panloloko, ang panlilinlang at pang-aapi; hindi ang pagmamahal. Ang sakit ay kasunod lang nito. Pero magkaibang bagay sila.”
How to end a story:
1. Wedding. Ito ay applicable sa lahat ng pagkakataon pero oras na gamitin mo ang kasal bilang ending, siguraduhin mong masa-satisfy ang mga mambabasa. Make it unique and remarkable. Hindi ‘yung uri ng kasal na sa sobrang common ay alam mo na ang kahihinatnan. Like for example: ikinasal sila sa roof top, ikinasal sila nang naka-zombie outfit, tumalon ‘yung pari sa eroplano matapos ng kasal, nag-honeymoon sila sa loob ng kweba and exotic things like that. Learn to improve your imagination to create a unique wedding celebration.
2. Someone leaves. Madalas na nangyayari ito sa mga kwentong wasak ang plot. ‘Yung tipong let go muna at magpapahangin lang. Kadalasan ring nadudugtungan ng isa pang libro ang isang kwento kapag ganito ang ending. Sa book two, ang mga possibilities pagbalik ng character ay: revenge, may babalikan siya o ipapamukha niya sa nanakit sa kanya na masaya siya ngayon.
3. Think of a bizarre ending. As in ‘yung kakaiba talaga ng bongga. ‘Yung ending na sa tanang buhay ng reader mo ay hindi pa niya nababasa. Mas maganda kung ie-end mo ang isang story sa paraang mabibigla ang mambabasa. Unexpected.
4. Tragic ending. I can say this is the most effective way of ending a story. Kung walang mamamatay, hindi iiyak ang mga readers at hindi sila maaapektuhan ng kwento. Better kill but do not kill the one who doesn’t deserve to die. Pag-isipan mo parin kung gusto mong mawala ang isa o higit pa sa mga characters mo. I am sure you’ll broke every reader’s heart if kill one of your characters.
5. Be realistic. Huwag ka namang magsulat ng kwentong ang ending ay lumipad si Anna at tumambling si Jerome sa tubig pero hindi nabasa. O kaya nasabugan ng bomba si Clara at tumilapon sa outer space. Maliban nalang kung fantasy ang genre mo dahil posibleng mangyari iyon but if you’re into romance and humor and such, please be realistic naman.
6. Insert a quotation. You can add quotations in the end of the story. Again, it’s your decision if you wanted to get it from other books pero sana naman related sa kwento. Halimbawa, quotes from a famous philosopher about sacrifices, love and etc.
7. Ask questions. Magtanong ka ulit. Hayaan mong may maiwang misteryo sa pag-iisip ng mga mambabasa.
Ayun lang po. Ang pagsusulat ay para sa mga taong gustong magsulat. Kung hindi mo kayang mag-isip ng plot na hindi cliché, magbasa ka ng maraming libro o kaya makinig ng music o kaya manood ng movies. Ewan ko nalang kung hindi ka pa ma-inspired at makakuha ng ideas sa mga iyon.
Keep writing if you feel like writing is your world.
BINABASA MO ANG
Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)
RandomPara sa mga aspiring writers at mga loyal na readers, para ito sa inyo. Mga tips at advices na maaari kong i-share bilang isang baguhang manunulat at bilang isang reader narin.