Writing the Professional Way
A writer is a professional life-teller. Nagk-kwento ka sa pamamaraan ng pagsusulat. Walang tipikal na rules at instruction sa pagsusulat. Write the way you want it. Pero kailangan mo ring maging professional kahit pa sa online ka lang nagsusulat o nagbabasa. Tandaan mo, ilang oras ang ginugugol mo para lang mag-type, mag-post at mag-update. Eh kung magsusulat ka narin lang, lubus-lubusin mo na ang professionalism.
Sino ba naman kasi gustong magbasa ng gawa ng isang hindi professional diba? Don’t be too formal regarding skills. Be yourself and act the way who you really are. Pero pagdating sa pagsusulat, kahit anong edad ka man o kahit anong level ng IQ mo, kailangan mong matutong magsulat in a professional way. Paano?
1. Avoid using excessive puctuation marks. Napaka-common na nito. Nakakabuwisit ‘yung mga nababasa kong, “Jumila!!!!!!!!! >.< Bumalik ka nga ritoooo!!!! Ano ba????? Balikk!!!!” F*ck that way of writing. Pwede namang gumamit ng mas magandang pamamaraan kung saan hindi sasakit ang ulo ng magbabasa. Pwede namang gawing mas simple at mas formal ang pagsusulat at bawas-bawasan ang paggamit ng mga punctuation marks na hindi naman kailangan. Nakakainis talaga. Ano namang pinagkaiba ng, “Jumila! Bumalik ka nga rito! Ano ba? Balik!” sa “Jumilaaaa!!!!! >.> GRRRRR??!!” Psh. Kahit gaano pa karami ang exclamation point niyan, iisa parin ang ibig sabihin kaya bawasan mo nalang. Nagsayang ka pa ng space. Ikumpara mo naman ‘yung dalawa, same intensity of emotions, but not the same of professionalism. Pisti.
2. Cut the emoticons. Ito ang madalas kong napapansin sa mga online stories. Para sa akin, hindi advisable ang paggamit ng emoticons sa kahit anong paraan ng pagsusulat. Ano ka, nasa Facebook chat? Hayaan mong ang readers ang mag-imagine, mag-isip at mag-portray ng emotions ng characters. Hindi ‘yung idinescribe mo na nga sa words ‘yung nararamdaman ng characters, dadagdagan mo pa ng emoticons. Naka-punyemas lang. Alam mo ba, nakakasakit sa mata ang mga kwentong emoticons. Kung sa online wolrd pa lang ng mga e-books, mahihirapan ang mga mambabasa.
Madumi kasing tignan. Ang kalat-kalat. Mga mga excessive things kang makikita na hindi naman dapat talaga kasama sa kwento. At ikaw naman kasing author, para maiwasan mo ang paggamit sa emoticoons chenes na iyan, be descriptive and wordy enough para ma-feel nila ‘yung emotions.
Not that, “Natawa ako sa sinabi niya.. . … . HAHAHAHAHAHA……. ^_^ :D Shet talaga!!!!! You’re so HAHAHA-fu-HAHA-Funny!!?! (^O^)”
Instead, “Natawa ako sa sinabi niya. Paano naman kasi, magjo-joke na nga lang ‘yung mabenta pa sa akin. Kulang nalang maubusan ako ng hangin sa kakatawa. Ang galing pala niyang joker, pwede na siya sa mga karnabal.”
See? Just be descriptive and wordy at pabayaan mong ang mga readers ang gumawa ng move. ‘Wag mang-spoon feed.
3. Revove the jeje way of writing. eoWs phoWSxz? Tenge ene. Bawal ‘yan. Trust me, kahit saang libro ka maghanap, walang ganyang pamamaraan ng pagsusulat. Walang gugustuhing magbasa ng ganyang istorya na mukhang kailangan pa yata nila ng translator bago nila maintindihan. As I said, BE PROFESSIONAL. At walang propesyunal na manunulat na ang gamit ay jeje-style. Syempre, ‘wag mo ring kakalimutan ang tamang paggamit ng comma, period at iba’t-ibang punctuation marks na sa elementary pa lang ay itinuro na sa atin sa English man o Filipino.
4. Avoid excessive spacings, bold and capitalization. Kung gagawa kana rin lang ng manuscript mo, huwag mo nang damihan ang spacings. Kawawa kasi ‘yung mga naka-mobile lang at scroll ng scroll para lang mahanap ang kasunod ng chapter mo. Kung ikaw din naman, ganun, babasahin mo pa ba? I guess, not. Magsasayang ka lang ng oras na magbasa ng isang puro spacings na kwento para lang masabing humaba ang istorya. A big no-no.
Kung mags-space ka man para mas mapaganda ang manuscript mo, ‘yung sakto lang naman. Huwag ‘yung naka-double-spaced na nga, ang dami pang space ulit.
Another, ‘yung mga bold letters including italization ang such. Ang maaari mo lamang i-bold, i-italize o i-highlight ay ‘yung mga parte ng kwento na importante. Siguro, pwedeng i-italize ang mga flashback scenes or isang letter sa kwento. Sa dialog naman, you better not. Sa mga libro ba may mga makikita kang dialog na naka-bold? I’m not saying na I’m an expert writer but can’t you see? Ang pangit tignan. Sana man lang sa sarili mo, alam kung ano ang malinis na paraan ng pagsusulat.
Regarding capitalization, ang maaari mo lang ring i-capitalize bukod sa first letter in a senctence, ‘yung mga bagay lang na dapat bigyan ng high lights. Like for example, pangalan ng coffee shops, acronyms and etc.
5. Be professional. Act like a professional writer kasi kahit sa online ka lang nagsusulat, iba parin kapag maganda ang product mo kasi maganda ang paraan mo ng pagsusulat. Being professional is like presenting yourself to the higest level. Get it?
Huwag mong kawawain ang mga reader mo at pahirapan ang sarili mo dahil sa jeje mong kwento. Dapat sila ang magsasabing malinis ang manuscript mo at walang masyadong mali sa gawa mo. Act like a true writer.
BINABASA MO ANG
Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)
RandomPara sa mga aspiring writers at mga loyal na readers, para ito sa inyo. Mga tips at advices na maaari kong i-share bilang isang baguhang manunulat at bilang isang reader narin.