5

48 3 10
                                    

JUNHO'S POV

"Junho" ramdam ko yung pagtapik ni kuya Seungyoun sa balikat ko "mukhang nabago mo na yung alaga mo ah?"

Napahawak naman ako sa batok ko. Sa loob ng tatlong buwan, malaki na nga ang pinagbago ni Eunsang, kumpara noong unang buwan nya dito.

Ngumingiti na sya ngayon, tumatawa, nakikipag-biruan, nakikipag-asaran, kahit minsan tahimik pa rin sya. Pero hindi na sya kasing-lamig ng dati.

"Gusto mo na sya no?" -Seungyoun

Natanaw ko naman si Eunsang sa baba na tumatawa habang sumasayaw sina kuya Yohan at kuya Hangyul.

"Hind ko alam kuya eh. Siguro?" -me

"Di ka talaga sigurado ah? Sa bagay, first time pa lang naman kita nakitang ngumiti ng ganyan, at sana hindi na yan yung last" -Seungyoun

"Ano bang meron sa ngiti ko? Hindi na ba ako mukhang robot?" -me

Sabi kasi ni Eunsang mukha daw akong robot pag nakangiti. Tapos pag tumatawa naman daw ako, para akong manika na de-susi.

"Pati mata mo ngayon nakangiti na. Medyo may twinkle din" -Seungyoun

"Ganun? Siguro nga kuya. Ang alam ko lang kasi, masaya ako na inaalagaan sya. At masaya din akong makita sya na masaya sa pag-aalaga ko" pumasok na kami sa bakanteng kwarto.

"Okay lang naman yun Junho. Okay nga lang din na maging kayo eh. Pero alam mo rin naman kung hanggang saan lang ang pwede diba? Maliban na lang kung mas gugustuhin nya dito. Alam mo naman yung nangyari kay Wooseok diba?" -Seungyoun

Dating alaga din kasi noon ni kuya Seungyoun si kuya Wooseok. Hanggang sa di na nakaalis dito si kuya Wooseok at naging guardian na rin sya, kagaya naming magpipinsan.

"Oo naman kuya. Pero kuya, pinagsisihan nyo ba yun ni kuya Wooseok?" -me

"Hindi. Kasi wala naman nang pamilyang babalikan si Wooseok eh. Medyo nakakalungkot lang na halos wala pa sa sampung tao yung pumunta sa burol nya, at halos tatlong tao lang ang nandun nung libing nya. Yung pari, sakristan at yung bestfriend lang ni Wooseok ang nandun" -Seungyoun

Kawawa naman pala si kuya Wooseok. Siguro mas bagay na rin sa kanya ang maging guardian. At least mas may chance na maaalala pa rin sya ng mga naalagaan nya dito pagka-gising nila kahit paano.

"Pero Junho, iba si Eunsang. May naghihintay sa paggising nya. Kaya kung gusto mo talaga sya, then wag mo na sayangin yung chance. Pero wag mo din kakalimutan na may limitation yun at pwedeng di na sya makabalik pag nagkamali kayo" -Seungyoun

"Opo kuya. Tatandaan ko yan" binuhat ko na yung isang tray ng barbecue at isang tray naman ng sliced fruits ang bitbit ni kuya Seungyoun pabalik namin sa baba.

Binaba ko naman yun at pabalik na sana sa tabi ni Eunsang pero bigla syang tumayo at kinapit ang kamay nya sa batok ko.

"Oh my God..." -Dongpyo

Mas nilapit pa ni Eunsang yung katawan nya at nagulat na lang ako nang bigla syang sumayaw.

"Oh my God!" -Dohyun

"So wild naman pala" -Hyeongjun

"Uy Minhee! Nako tulog na tong alaga ko. Nakarami na ng inom" -Yohan

"Yung alaga din ni Junho eh. Junho dalhin mo na yan sa dorm nyo at lasing na yan" -Hangyul

"DWI PWA KWO LASHWENG!" -Eunsang

Natawa naman kaming lahat kay Eunsang. Ang cute nya pala lalo pag lasing.

Na-off balance naman sya, buti na lang at nahawakan ko agad sya sa bewang nya para saluhin sya. Pero parang mali yung ginawa ko kasi parang heartbeat ko na lang yung naririnig ko. Umayos ka Junho!

My Guardian RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon