Eunsang's POV
Uwian na! Finally.
Kanina pa kami di nagkikibuan nitong katabi ko.Ang awkward kasi. First kiss nya yon, first kiss ko din. First namin pareho.
"Eunsang okay ka lang?" tanong ni Dongpyo habang naglalakad kami sa hallway. Tinanguan ko lang sya.
"Crushie!"
Eto na naman si Minhee. Lalandiin na naman nya si Junho.
Di ako affected ah! Sadyang medyo nakaka-ilang lang.
Lalo nga ngayon, after nung ginawa ni Junho kanina.
"Minhee!" sigaw ni Junho at kasunod nun ang malakas na lagapak sa sahig kaya napalingon kami.
"Okay lang ako. Hehehe" -Minhee
Kinuha ni Junho yung panyo nya sa bulsa at pinagpagan yung kamay at tuhod ni Minhee.
"Ang clumsy naman Minhee!" -Dongpyo
"Buti na lang kamo to the rescue si CRUSHIE nya!" -Hyeongjun
"Sure kang okay ka lang?" tanong ni Junho habang tinutulungan tumayo si Minhee.
"Yiiiiiiiiiee CONCERNED~ Mukhang araw-araw na magpapatisod si Minhee nyan ah!" -Dohyun
Ngiting-ngiti naman si Minhee. Sa lahat ng taong nadapa, sya lang yung masaya.
Tulungan ba naman ng CRUSH nya eh. Psh!
"Okay lang. Salamat Crushie" humakbang si Minhee, kasunod ang malakas nyang pag-aray kaya napa-upo si Junho para tignan ang tuhod nito.
"May sugat ka" -Junho
Concern na concern naman pala!
"Okay lang. Malayo sa bituka yan" -Minhee
Oo nga! Di naman nya ikakamatay yan.
"Kaya mo ba maglakad? Kung gusto mo kumapit ka muna sakin" -Junho
Ay wow. May pag-kapit talaga?
"Ha? Wag na. Nakakahiya naman" -Minhee
Kinuha naman ni Junho yung braso ni Minhee at inakbay yon sa kanya.
Ang galing no? Mas inuna nya pa yan kesa mag-explain kung bakit nya ginawa yung kanina dun sa music room. Napaka!
"Tara na" -Junho
"Junho alalayan mo ng mabuti yan ah?" -Hyeongjun
"Ngiting-ngiti naman Minhee! Alalay din ah? Baka mahulog ka dyan" -Dongpyo
"Siraulo" -Minhee
Naglakad na kami palabas ng school. Ang sweet naman masyado nung nasa likuran ko.
Kagatin sana sila ng mga antik!
"Eunsang? Kanina ka pa tahimik" -Dongpyo
Kanina pa ba ako tahimik? Wala naman kasi akong gustong sabihin eh.
"Eunsang gusto mo ng jellyace?" -Dohyun
"Jellyace?" nakunot ko yung noo ko dahil sa kakaibang tono ng boses ni Dohyun.
Yung tunog ng nang-aasar.
"Oo jellyace. O kaya jellybeans. Para match sa mood mo" -Dohyun
Mood ko? Sinasabi ba nyang nagseselos ako?
Bat naman ako magseselos?
"Ayoko. Sayo na lang" sagot ko.
Medyo nakaka-badtrip yung tanong nyang yun ah! Mukha ba akong nagseselos?

BINABASA MO ANG
My Guardian Robot
Conto"Bakit ganyan ka ngumiti?" "Ah! You mean, parang hindi totoo? Hindi normal? Parang pilit? Nakakatakot? Ganon?" Umiling sya. "Parang walang emosyon" --- Another X1 fanfic everyone! JunSang's turn~ Let's fly high, X1 🦋