JUNHO'S POV
"Pareho tayo ng school" bigla kong nasabi nang makita lumabas sya ng kwarto nya.
Tumingin sya sakin tsaka tumango nang makita nyang pareho kami ng uniform sabay iwas ng tingin at buhat sa bag nya.
At least alam ko nang hindi lang ako ang magiging weird sa paningin ng iba ngayon.
Lumabas na kami ng unit namin pagkatapos namin mag-ayos. It was a small dormitory units for students since malapit sa maraming university itong dorm na to. May tig-dalawang kwarto bawat unit, maliban sa unit nina kuya Seungyoun at kuya Wooseok na tatlo ang kwarto. And every school year, paiba-iba yung nakakasama ko. Well di lang naman ako, lahat kaming guardians dito.
"Anong year level mo na?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng university.
"2nd year" sagot nya at ni hindi man lang tumingin sakin.
Ang hirap naman kausapin nito!
"Anong course mo?" alangan kong tanong.
"BSP" tipid nyang sagot, like what I expected.
"BS Psychology ka din? Pareho pala tayo" napakamot ako ng batok hanggang sa makarating kami sa tapat ng bulletin board para hanapin kung anong section namin.
Cha Junho...
Cha Junho...
Cha Junho... AYUN!
"2-D. Okay! Ikaw Eun-- Eunsang?" naputol yung sasabihin ko nang bigla syang mawala sa tabi ko.
Asan na yon?
Naglakad ako ng kaunti at nakita ko syang naglalakad na palayo.
Bahala na nga sya dyan! Magkikita naman siguro kami ulit mamaya.
Bumalik ako sa tapat ng bulletin board para tignan yung schedule ko at tsaka hinanap ang unang room ko.
Narinig ko namang nagbubulungan yung mga nasa loob ng room na nasa schedule ko nang makita nila akong pumasok. Familiar yung mukha ng iba dahil naging classmate ko na sila last school year at as usual, pinag-uusapan na naman nila ako.
Ano pa nga bang bago dun Junho?
Naghanap ako ng bakanteng upuan pero hindi lang bakanteng upuan ang nahanap ko, kundi pati ang bago kong dormmate slash alaga.
Nakita kong lumingon sya sakin saglit nang ibaba ko yung mga gamit ko sa tabi nya, at inalis rin ang tingin nya nang makaupo na ako.
"Andito ka lang pala. Dapat hinintay mo na ako, classmates naman pala tayo eh" -me
Tumingin ako ng diretso sa may whiteboard since mukha namang wala syang balak magsalita na naman.
"Di mo naman kasi sinabing 2-D ka din" rinig kong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
Totoo ba yun? Nagsalita talaga sya?
"B-Bigla ka kasing n-nawala" sagot ko. First time atang nautal ako ng ganito.
Dumating naman na ang prof namin at nagsi-ayos na ng pwesto ang mga classmates ko. Ang gagaling magbalat-kayo!
Hanggang sa natapos na ang klase. Tumayo si Eunsang sa tabi ko habang inaayos ko yung gamit ko. Paalis na dapat sya pero hinawakan ko sya.
"Hintayin mo ko. Sabay na tayo" tumayo ako at sinuot ang bag ko. Hinila ko sya palabas ng room at sumunod naman sya.
Buti at hindi sya mahirap hilahin.
Dinala ko sya sa canteen since break naman na namin.
"Pili ka na. Ako nang magbabayad since first day ko ngayon as guardian mo" sinubukan kong ngumiti sa kanya kahit mahirap dahil di ako sanay.
BINABASA MO ANG
My Guardian Robot
Historia Corta"Bakit ganyan ka ngumiti?" "Ah! You mean, parang hindi totoo? Hindi normal? Parang pilit? Nakakatakot? Ganon?" Umiling sya. "Parang walang emosyon" --- Another X1 fanfic everyone! JunSang's turn~ Let's fly high, X1 🦋