8

48 3 7
                                    

EUNSANG'S POV

"Aww... Kawawa naman si Minhee~ may jowa na yung CRUSHIE nya" asar ni Hyeongjun kay Minhee.

Sinakal naman ni Minhee si Hyeongjun.

"Hindi ka ba talaga titigil? Pang-78 times mo nang sinasabi yan!" -Minhee

"Uy tama na yan! Kawawa naman si Hyeongjun" -Junho

Binitawan naman ni Minhee si Hyeongjun.

"Pasalamat ka at naawa sayo si Crushi-- Junho pala" -Minhee

"Aish okay lang yan Minhee! Okay lang kahit tawagin mo pa ring Crushie si Chajun ko" kinurot ko ng mahina yung pisngi ni Junho.

"AWK-WARD" -Dongpyo

"Parang kayo ni Dohyun?" -Hyeongjun

"WALANG KAMI. Diba Pyo?" -Dohyun

"Wala naman talaga ah? Anong pinag-iinaso mo dyan?" -Dongpyo

Tumayo naman si Dohyun at binitbit ang pinagkainan nya.

"Hi Dohyun" bati sa kanya nung classmate naming cute din.

"Hello" -Dohyun

"May gagawin ka ba ngayon? Gusto mo sumama sakin sa library?"

Tumingin si Dohyun kay Dongpyo na busy sa pag-kain.

"Sige tara. Library lang ba? Baka may iba ka pang gusto puntahan?" nilipat ni Dohyun ang tingin nya kay Jinwoo na mukhang nabigla naman sa sinabi ni Dohyun.

"H-Ha? Ikaw ang bahala" -Jinwoo

"Nag-blush pa talaga ah?" bulong ni Hyeongjun.

"Tara" hinawakan ni Dohyun sa wrist si Jinwoo at hinila kung saan man.

"Wala na sila bakla! Pwede mo nang lunukin yang pagkain mo" -Hyeongjun

Uminom naman ng tubig si Dongpyo. Punuin ba naman daw ng pagkain yung bibig eh.

"Ayan kasi. Ano Pyo? Ang sakit no? Masyado ka kasi" -Minhee

"Shut up. Di nyo naman kasi naiintindihan" -Dongpyo

"Hindi ka ba naaawa kay Dohyun?" tanong ko. Syempre curious din naman ako!

"Anong nakakaawa dun? Kasi gusto nya daw ako? Psh! Nakita nyo naman yung ginawa nya diba? Di nya gagawin yon kung gusto talaga nya ako!" -Dongpyo

"Hay nako Dongpyo! Hanggang kelan ka ba makikipaglaro ng tagu-taguan?" -Hyeongjun

"Tara na nga! Ang dami nyong tanong" -Dongpyo

"Bat kasi di mo pa sagutin si Dohyun?" -Junho

Nakikitanong na rin sya ngayon! Ang kyot lang.

"Magkaibigan lang kami. Okay na bang sagot yun? Tigilan nyo na ko" tumayo si Dongpyo at saka lumabas ng canteen.

Napailing na lang kami.

"Buti na lang hindi ka ganun Sang ko" -Junho

Ngumiti ako at tumango habang naka-nose scrunch pa.

"Oy kayong dalawa! Wag nga kayong pa-inggit dyan! Magb-break din kayo" -Minhee

Yumakap naman sakin si Junho. "Di kami magb-break" baby talk nya.

"Ang cute nyo. Namiss ko tuloy bigla si Jinjin ko" -Hyeongjun

"Oo nga no? Kamusta na kaya si Wonjin?" -Minhee

"Bat mo iniisip yung Jinjin ko? Yung Yunseong mo ang isipin mo!" -Hyeongjun

"Sino si Wonjin at Yunseong?" tanong ko.

My Guardian RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon