3

54 4 6
                                    

EUNSANG'S POV

Napaupo ako sa may bleachers pagkatapos ng 100m dash namin habang hinahabol ang hininga ko. Bigla namang may towel na dumampi sa noo ko kaya napatingin ako sa tabi ko.

"Pawis na pawis ka na" tinuloy nya ang pagpunas sa pawis ko, kahit pawis na rin naman na sya.

"Ako na" kinuha ko yung towel at pinunasan yung mukha at leeg ko ng maigi. Naramdaman ko namang umangat yung t-shirt ko sa likod kaya napabalikwas ako.

"JUNHO!" sigaw ko at mukhang nagulat naman sya.

"Sorry. Basang-basa na kasi yung likod mo eh. Lalagyan ko lang sana nitong towel" pinakita nya sakin yung hawak nyang towel.

Ano ako? Bata?

"Sarili mo intindihin mo" tumayo ako at lumayo sa kanya pero bilang makulit na guardian, sinundan nya pa rin ako.

Wala bang araw na hindi nya guguluhin ang buhay ko?

"Ano ba Junho? Hindi na ako bata!" inis ko ng sabi at nakita kong napayuko naman sya.

"B-Baka lang kasi m-magkasakit ka" diretso nyang sabi, pero halatang malungkot yung mukha nya kahit monotone ang boses nya.

Tumalikod ako at lumapit sa kanya. "Dalian mo na kung ilalagay mo yan at baka may makakita satin. Nakakahiya"

Syempre marunong din naman ako ma-guilty! Tsaka ngayon lang ako nakakita ng emosyon sa mukha nya, tapos lungkot pa.

Naramdaman ko namang nilagay nya yung towel sa likod ko at inayos pa yun ng maigi. Masyado syang maalaga.

"Gusto mo ba ng tubig?" tanong nya kaya lumingon ako sa kanya ulit. May hawak naman na syang dalawang tumbler.

Kinuha ko yung isa dahil alam kong kukulitin na naman nya ako para lang dun.

"Talikod" utos ko at kahit mukhang nagtataka sya ay sinunod pa rin nya. Binuksan ko ang backpack nya at may nakita pa akong extra towel dun. Kinuha ko yun at pinaharap sya sakin.

"Mas inuna mo pang punasan yung pawis ko kesa sayo. Ang tanga mo" pinunasan ko yung pawis nya sa mukha at leeg nya.

Ngumiti naman sya ng ngiti nya na pang-robot. Pinigilan ko yung sarili ko na matawa sa itsura nya.

"Talikod ulit" utos ko at sinunod naman nya agad. Nilagay ko yung towel sa loob ng shirt nya sa likod at inayos yun.

"Salamat Sang" rinig kong sabi nya kaya napabitaw ako sa kanya.

That nickname. Narinig ko na naman yon.

"Okay ka lang?" tanong nya pagkaharap nya sakin.

"Oo. Uminom ka na lang din ng tubig at baka ma-dehydrate ka" utos ko at saka lumakad ulit palayo sa kanya para kunin ang bag ko.

Ayan ka na naman Eunsang. Nagiging mahina ka na naman.

"Hi Eunsang" -Hyeongjun

Ngumiti ako sa kanya.

"Uwian na after nito. Sabay-sabay na ba tayo?" -Minhee

"Okay" -me

"Hindi muna kami sasabay" -Junho

Napatingin naman kami sa kanya.

"May pupuntahan kayo?" -Dongpyo

"Wala" -me

"Meron" -Junho

Tinignan ko naman sya at ganun pa rin yung mukha nya. Parang robot pa rin.

"So ano talaga?" -Dongpyo

My Guardian RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon