EPILOGUE

86 5 35
                                    

EUNSANG'S POV

"Asan ka na ba?" ma-attitude na tanong ni Dongpyo mula sa kabilang linya.

"Kakasakay ko pa lang. 30 minutes pa tong byahe ko. Inaantok pa ako" sagot ko at malakas na buntong-hininga ang narinig ko.

"Sige. Hintayin ka na lang namin ni Dohyun sa library" sagot nya at sumang-ayon na lang ako saka binaba ang tawag.

Halos isang taon na din ang lumipas. Isang taon na at hindi ko pa rin sya nahahanap.

Wala pa ring naaalala si Dongpyo at mismong doktor na ang nag-suggest na wag na syang pilitin na makaalala.

Mabuti na lang andyan si Dohyun para sa kanya. Suportado din sila ng parents ni Dohyun. Parang kasal na lang ang kulang sa kanila.

Pinanood ko ang mga nadadaanan ng nasakyan kong jeep. At dala na rin siguro ng puyat ay di ko namalayang naidlip ako.

Napamulat ako nang may sumundot sa pisngi ko. Tinignan ko ang katabi ko at dun ko lang na-realize na nakaidlip pala ako habang nakasandal sa balikat nya.

"BNM University na" aniya at di ko naman gaanong ma-recognize ang boses nya dahil sa face mask na suot nya.

"I'm sorry. Salamat sa paggising sakin" inayos ko ang sarili ko at bumaba ng jeep. Kasunod ko ding bumaba yung katabi ko kanina.

Naglakad ako papunta sa main gate ng school at napansin ko namang sumusunod sya sakin kaya huminto ako at hinarap sya.

"Excuse me pero sinusundan mo ba ako?" tanong ko at umiling naman sya, tinuro nya ang school na nasa harap ng school namin.

"Taga-Woolim University ako"

Tumama ang paningin ko sa mata nya. Pamilyar ang hugis ng mga matang yon.

Lumapit ako sa kanya at akmang aalisin ang mask nya pero pinigilan nya ako.

"Male-late ka na. Pumasok ka na. Tu me manques Lee Eunsang" binitawan nya ang kamay ko at saka sya naglakad papunta sa main gate ng Woolim University.

Sya nga kaya yon? Pero bakit di nya pinakita sakin yung mukha nya?

Imposible.

"Eunsang!"

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko sina Dongpyo at Dohyun na magkahawak ng kamay.

"Akala ko ba sa library nyo ko hihintayin?"

"Wala eh. Mapilit tong bespren mong kapre na sunduin ka dito" -Dongpyo

"Baby naman! Hindi ako kapre" -Dohyun

"Mama mo hindi kapre" -Dongpyo

Natawa na lang ako sa kanila. Lumakad naman na kami at napahinto kami sa may quadrangle.

"Hi. Boy, you just caught my eye
Thought I should give it a try to get your name and your number
Go grab some lunch and eat some cucumbers
Why, did I say that? I don't know why
But you're smiling and it's something
I like on your face, yeah it suits you
Babe we connect like we have a Bluetooth" kanta ni Minkyu kay Hyeongjun.

Isang taon na din nang malaman ni Hyeongjun na hindi pala naka-survive sa aksidente si Wonjin. At sa isang taon na yon, hindi sya iniwan ni Minkyu simula nang mahanap sya ulit nito.

"I don't know why I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal to two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add and subtract" kanta naman ni Yunseong kay Minhee na kakasagot lang sa kanya kahapon.

Ganyan din sana kami ngayon ni Junho, kung di lang ako nagising agad.

"You and I could be like Sonny and Cher
Honey and bears
You and I could be like Aladdin and Jasmine
Let's make it happen" -Dohyun

"Gagi sinong nagbigay ng mic sayo? Wala ka sa tono Dy" -Dongpyo

"Grabe ka sakin ah" -Dohyun

Ang cute nitong dalawang to. Baby ang tawag ni Dohyun kay Pyo at Daddy naman ang tawag ni Pyo kay Dohyun. Ang kinky eh!

"Hey, How have you been?
I know that it's been a while
Are you tired 'cause you've been on my mind?
Running thousand and thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style"

That sweet voice. Napalingon ako sa likod ko dahil sa pamilyar na boses ng kumanta.

"Hi Sang ko"

"Ch-Chajun ko" nag-unahan sa pagbasak ang mga luha ko dahil sa sobrang saya.

Andito na sya. Nahanap nya ako.

"Sang ko, sorry kung pinaghintay kita bago magpakita sayo. Matagal na kitang binabantayan, kasi nga guardian mo ko. Tinawagan din kita nung New Year, pero di ako nakapagsalita dahil sa ganda ng boses mo" -Junho

"Ikaw yon? Siraulo ka dapat nagsalita ka!"

"Wala eh. Nahiya ako bigla. Pero ngayon, Valentine's day na. At nandito na ako para iparamdam sayo ang feeling ng may ka-date pag Valentine's day" ngumiti sya pagkasabi nya non at lumapit sakin.

"Kinilig ako kanina nung nakatulog ka sa balikat ko" -Junho

"Sabi ko na ikaw yon eh" -me

"Sang, tao na ako" -Junho

Nakunot ko ang noo ko sa sinabi nya

"Nagpatulong ako kina kuya kung paano ako magiging tao. Hindi madali yon Sang, pero kinaya ko para makasama ka" -Junho

Niyakap ko sya ng mahigpit, sobrang higpit na hindi na sya makakalayo ulit sakin.

"Okay lang sakin kahit ano ka pa. Pero dahil nandito ka na, ako naman ang magiging guardian mo. Ako naman ang mag-aalaga sayo"

Malakas na palakpakan ang umabot sa pandinig ko nang bigla nya akong halikan.

Nakita ko na naman ang maganda nyang dimple pagkalayo nya.

"Paano mo pala ako nahanap?" tanong ko at mas lumapad ang ngiti nya.

"Dating guardian si Yunseong. Ako yung pumalit sa kanya nung umalis sya don" -Junho

Lumingon kami kay Yunseong na yakap-yakap si Minhee.

"Lee Eunsang, can I have this dance?" tanong nya at nilahad ang kamay nya. Tinanggap ko naman yon.

This man. I love him so much.

"Sang ko, tu me manques. Je t'aime"

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Je t'aime Cha Junho"

~*The•End*~

*Tu me manques
•I miss you

*Je t'aime
•I love you

Hello everyone! If you reached this part, MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA 😁 I know ang korni nito sobra, pero sana na-enjoy nyo pa rin.

More X1 fanfics to come ba? Hm.. 🤔

-PenguinaMo 🐧💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon