EUNSANG'S POV
Sinusubukan ko intindihin yung sinasabi ng prof, pero nadi-distract talaga ako dito sa katabi kong kanina pa nakatitig sakin.
"That's it for today. See you on our next meeting" rinig kong sabi ng prof bago buhatin ang mga gamit nya at lumabas ng room.
Yun na yon? Wala man lang akong naintindihan dahil sa lalaking to!
"Gutom ka na ba?" tanong nitong taong-robot sa tabi ko at binigyan ko sya ng blangkong tingin.
Dahil sa lalaking to kaya wala akong naintindihan ngayon sa lecture eh!
"Eunsang?"
"Mukha ba akong gutom? At ikaw naman, bat ba titig na titig ka sakin? Di ba uso sayo ang makinig sa prof? Dahil sayo wala akong natutunan sa klase" tumayo ako at binitbit ang bag ko. Pupunta na lang ako sa library.
"Eunsang!" hinabol naman ako nung robot. Hanggang sa maabutan nya ako. Hinawakan nya ang wrist ko at hinarap sa kanya.
"Sorry kung na-distract kita. Nakaka-amaze ka lang kasi eh" -Junho
Nakaka-amaze? Pinagsasabi nito?
"Ikaw lang kasi yung nag-iisang nakikinig kay sir, tapos seryoso ka pa talaga" -Junho
"Ano namang nakaka-amaze dun?" -me
Siraulo ata talaga to eh. Baka robot talaga to, nag-malfunction lang.
"Di mo alam? Lahat ng classmates natin kanina natutulog. Ikaw at ako lang yung gising, pati yung prof" -Junho
Talaga? Bat parang di ko naman nakita?
Masyado ko atang pinilit intindihin yung prof."Ang astig mo nga eh. Na-tyaga mong pilit na intindihin si sir. Ikaw pa lang ata nakakagawa nun" -Junho
"Malamang! Sayang naman yung effort nya kung wala naman tayong matututunan" -me
May narinig naman akong malakas na hikab kaya napatingin ako sa likuran ko.
"Oh? Junho! Eunsang! Kamusta tulog nyo?" -Dongpyo
So natulog talaga sila? Hindi pala talaga nagbibiro si Junho?
"Di ako nakatulog. Gising kasi yung si Eunsang kaya di ako pwede matulog" -Junho
Anong connect?
"Ah oo nga pala. Guardian ka nya kaya di ka pwedeng matulog hangga't gising pa sya" -Dongpyo
May ganun bang batas? Weird.
"Ganun na nga" -Junho
"Anyway, gusto nyo ba sumama samin sa canteen?" -Minhee
"Sur--"
"Pupunta ako ng library eh. Kayo na lang" tumalikod ako pero pinigilan ako ni Junho.
"Sasamahan kita" -Junho
"Wag na. Kaya ko mag-isa" -me
"Pero guardian mo ko" -Junho
"Alam ko. Pero kaya ko na yung sarili ko. Makikain ka na lang sa kanila" -me
"Uhm... Actually gusto ko din pumunta sa library, kaso nagugutom pa ako eh. Eunsang pwede bang kain muna tayo tapos sasama ako sayo mamaya sa library?" -Hyeongjun
Tinignan ko naman si Hyeongjun. Bakit sobrang inosente nito tignan? Ang hirap humindi sa kanya.
"Okay lang ba sayo yun Eunsang? Okay lang din kung ayaw m-" -Hyeongjun
"Oo sige" -me
Napatalon naman sa tuwa si Hyeongjun. Ang cute naman ng nilalang na to!
Naglakad naman na kami papunta sa canteen.

BINABASA MO ANG
My Guardian Robot
Nouvelles"Bakit ganyan ka ngumiti?" "Ah! You mean, parang hindi totoo? Hindi normal? Parang pilit? Nakakatakot? Ganon?" Umiling sya. "Parang walang emosyon" --- Another X1 fanfic everyone! JunSang's turn~ Let's fly high, X1 🦋