9

49 3 4
                                    

EUNSANG'S POV

"Intrams na next month. Anong balak nyong salihan?" -Minhee

"Syempre as usual, cheerdance kami ni Hyeongjun" -Dongpyo

Tumango naman si Hyeongjun.

"Ikaw Sang?" -Junho

"Parang gusto ko mag-badminton this year" -me

"Sabay tayo mag-tryout Eunsang! Badminton din balak ko eh" -Minhee

"Sure! Kelan ba tryout?" -me

"Mamaya daw after class. Mag-PE uniform na lang daw" -Minhee

"Aaah. Sige sabay tayo ah?" ngumiti ako at tumango naman si Minhee.

"Ikaw Chajun? Anong sasalihan mo?" -me

"Team Captain ako ng basketball dito" -Junho

Parang nalaglag naman yung panga ko sa sinabi nya.

"Bat di ko alam yan? Tapos di ka pa pansinin noon eh president ka na nga sa choral dito tas team captain ka din pala ng basketball?" -me

"Ayaw nga kasi nila sakin" -Junho

Hinawakan ko yung kamay nya. "This year I assure you, magugustuhan ka na nila" nginitian ko sya at nakita ko naman yung ngiti nyang totoo na.

"Tapos madami ka nang magiging kaagaw?" -Minhee

"Subukan lang nila, si Pyo ang resbak ko. Diba Pyo?" -me

"Oh yes mamshie! Tutal matagal-tagal na din naman akong di nakakabali ng buto ng tao" -Dongpyo

"Ayan ka na naman. Suki ka na nga ng Guidance office at Dean's office noon eh" -Hyeongjun

"Ang babait nyo kasi! Kailangan ko pa i-sacrifice yung records ko para lang di kayo maapi. Mga hampaslupa" -Dongpyo

"Yiiiiiiiiiee kaya savior ka namin eh!" -Minhee

Nakaka-amaze talaga si Pyo. Ang liit nya pero napakatapang nya.

Nung nakaraan nakipagsagutan pa yan sa prof namin para lang i-correct yung maling turo nya. Akala mo hindi mapapag-initan yung grades nya pag nagkataon!

"Dohyun!" -Hyeongjun

Lumapit naman si Dohyun samin kasama si Jinwoo at Minkyu. Nalaman naming guardian pala ni Minkyu si Jinwoo.

Parang baligtad lang kasi mas bata pa tignan ni Jinwoo kesa kay Minkyu. Taga-ibang dorm din sila, kaya dito sa school lang namin sila nakakasama.

"Junho, sali ako sa team mo sa basketball ah?" -Dohyun

"Sure. Ire-recommend na agad kita para di mo na kailangan mag-tryout" -Junho

"Wag! Gusto ko mag-tryout, para sure akong deserve ko na makapasok dun" -Dohyun

"Wow Dohyun! Ikaw na ba talaga yan? Parang nag-binata ka na talaga agad?" -Hyeongjun

"Pati boses mo Dohyun naging manly na din. Ganyan ba epekto pag alagang Jinwoo?" -Minhee

"Pyo! Ano? Di ka man lang ba magsasalita?" -Hyeongjun

"Ha? Ah eh...wala namang nagbago sa kanya ah? Ganun pa rin, mas lumaki lang ng kaunti yung boses nya at naging masungit" -Dongpyo

"Hindi naman masungit si Bik ah?" -Jinwoo

"Bik?" -kami

"Yeah. Short for BIIK" -Jinwoo

"Ayon. May pa-nickname naman na pala" -me

"Pag may nickname na, ibig sabihin may something na din" -Junho

My Guardian RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon