7

57 3 12
                                    

EUNSANG'S POV

Nagulat naman ako sa mukha ni Junho na bumungad sakin. Nakatitig kasi sya sakin habang naka-smile na naman na parang robot.

"Good morning Sang" bati nya at nginitian ko naman sya. "Good morning din Chajun ko"

Hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano ako nagmadali ngayon! Kagabi lang, naging boyfriend ko na sya. Natulog kami ng magkatabi. At ngayon gumising ako na katabi pa rin sya.

Parang noon, ang tagal ko pa nag-ipon ng lakas ng loob para maka-amin kay Reign ng feelings ko.

Kung sana lang sinabi nya agad na wala palang pag-asa, edi dapat hindi gaanong masakit.

"Natulog ka ba o pinanood mo lang ako?" -me

"Pinanood ka" -Junho

"Siraulo. Pag ikaw nagkasakit ah?" -me

He suddenly give me a quick peck on my lips na nagpagulat naman sakin.

"A-Ano yon?" tanong ko habang nakatakip yung kamay ko sa bibig ko.

"Morning kiss. Nabasa ko kasi na nakakakilig daw yun eh" -Junho

"San mo naman nabasa yon?" -me

"Sa mga novel" sagot nya at parang nanggigil naman ako bigla sa kanya.
Ang cute nya!

"Umidlip ka muna, ako naman manonood sayo" -me

Tumango naman sya at pumikit. Ang ganda talaga ng pilikmata nya. Ang amo ng mukha nya. Ano bang nagawa ko nung past life ko para magustuhan ako ng taong to?

Maya-maya pa at dumilat na sya. Nakapikit o nakadilat, ang gwapo nya pa rin.

"Gutom ka na ba?" -Junho

"Medyo" sagot ko at tinulungan naman nya akong bumangon.

"Tara na. Ipagluluto na kita" -Junho

"Pero gusto kong magluto" -me

"Marunong ka?" -Junho

Tumango naman ako ng paulit-ulit at nakita ko na naman yung dimple nya.

"Pero ako yung guardian mo eh. Dapat ako yung magluluto para sayo" -Junho

"Di na lang kita basta guardian ngayon, boyfriend na kita. At gusto ko ipagluto ang boyfriend ko sa first day namin. Okay lang naman yun diba?" pinaliit ko yung boses ko para mag-tunog cute, at mukhang effective naman dahil medyo namumula na sya.

"Sige na. Tutulungan na lang kita" -Junho

Tumayo na kami at pumunta sa kusina para magluto.

"So yan na pala yung pinagmamalaki mo? Pancakes. Wow" -Junho

"Wag mong minamaliit yung pancake ko! Paniguradong pag natikman mo to, hindi ka na mai-in love ulit sa iba" -me

Medyo nakiliti naman ako nang maramdaman ko yung labi nya sa may tenga ko.

"Malabo mangyari yon. Loyal lang ako sayo" bulong nya.

"Aba dapat lang! Kung ayaw mong matuktukan nitong sianse sa noo" banta ko at natawa kami pareho.

Humalik naman sya bigla sa pisngi ko at parang umakyat naman lahat ng dugo ko sa mukha ko.

In-off ko yung stove at humarap sa kanya. I planted several soft kisses on his lips, making him giggle.

Tinitigan ko ang mukha nya at parang ang laki ng pinagbago nito. Yung ngiti nya, malayo na sa robot na Junho.

"Sang" tawag nya sa pangalan ko at di ko naman mapigilang mapangiti.

My Guardian RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon