Chapter 13

11K 227 17
                                    

Alex P.O.V.

Oh, my God!

Ang heart beat ko!!

Pakiramdam ko'y papanawan ako ng maaga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Baka atakihin pa ko nito sa puso. Wag muna, 'di pa ko ready!!

Habang nakatingin ako kay Jake pakiramdam ko'y may nagbago. Di ko alam kung paano mag-respond and i-acknowledge ang feelings na 'to.

"When I'm talking to you I like your eyes on me," seryosong aniya. "Just mine." Napalunok ako. Tumango ako na ikinangiti ng lalaki. Hinawakan niya ko sa pupulsuhan.

"I don't know your favourite food that's why I left everything to the Chef," aniya.

Ipinaghila niya ako ng upuan. Umupo ako do'n. Binaba ko ang bulaklak sa may gilid ng lamesa. I really appreciate the beauty of this set-up. Shet! Kaka-inlab ka, Jake!

Matamis akong ngumiti sa kanya.

"Anong meron? Bakit mayroong ganito?"

"Because—" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. "I need to. Our parents are watching," malamig niyang ani.

Nanlaki ang mga mata kong tumingin ng deretso sa kanya. His eyes are now cold. No emotions at all.

What the fuck? Ano 'to? Gaguhan?

Lahat yata ng paru-paru sa tiyan ko ay namatay. Bumagsak lahat ng emosyon ko pababa sa one percent.

He kissed my cheeks, a sweet smile is plastered in his face nang lumayo siya sa 'kin. What an actor. Umupo rin si Jake sa katapat kong upuan.

Napa-deretso ako ng upo, naubos na lahat nang saya't kilig ko kanina. Ano 'yon pag-aalalay niya sa 'kin kanina? Arte lang? Yung pagiging sweet wala lang 'yon? Pakitang-tao?

Ikinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa. "Speak up. What's your plan?" mataray kong tanong.

He smirked at me. Binuksan ang wine at nagsalin sa wine glass naming dalawa. He took one and drink on it.

"After six months we're going to annul our marriage. Sasabihin nating hindi nag-work ang lahat and we need to separate for our own good," anito na parang wala lang.

God. Ibang Jake yata ang kausap ko ngayon. Ibang-iba—No. He is not different Alex. You just didn't know him enough.

"Why six months lang? Why don't make it five or four?" nagtatakang tanong ko.

"Makakahalata sila. Wala naman talaga akong balak sabihin sa 'yo 'to but my girlfriend said tell to you early para hindi ka na umasang magkakatuluyan tayongd alawa. Besides, mula sa isla nakasunod na sila sa 'tin." Nginuso niya ang likuran ko.

Napalingon ako.

I frowned. Pilit kong inaaninaw kung anong meron doon. It's dark kaya wala akong masydong makita bukod sa nagkikinanang bitwin at maliwanag na buwan sa kalawakan.

"Yacht?"

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Tinanguan niya ko habang umiinom.

"Yeah. Kanina pa sila diyan. Klyzene told me na susundan nila tayo," aniya. Binaba niya ang wine glass sa mesa't dumantay. "So, I need to be sweet. We need to be like a loving and trying couple. And we're not going to Maldives anymore."

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon