Chapter 38

7.7K 149 0
                                    

Jake's P.O.V.

KINAPA ko ang katabi ko at napadilat nang maramdamang bakante yon. Bahagya akong bumangon at nilibot ang tingin sa kwarto namin. Madilim pa kaya tumingin ako sa orasan. Twelve midnight. Ginulo ko ang buhok ko't umayos ng upo.

"Wife?!" tawag ko sa kanya ngunit walang sumasagot. Tumayo ako at lumakad papuntang banyo pero wala naman ito doon. Tiningnan ko rin siya sa walk-in-closet pero walang tao. Lumabas na ako ng kwarto para bumaba sa kusina ng mapansin kong bukas ang sliding door papuntang terrace. Lumakad ako papunta do'n.

"Wife." I saw her, nakatalikod siya sa 'kin at bahagyang lumingon sa 'kin.

"Hmmm?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Can't sleep? Aren't you cold?" tanong ko, humalik ako sa pisnge niya.

Hinawakan naman nito ang braso kong nasa bewang niya. "I'm not sleepy. Why are you still up? Go back to sleep na, you will wake up early pa." Tumingala siya sa langit kaya sinundan ko ng tingin.

"I wake up without you, wife. Let's go back to bed," bulong ko. Nagbuntonghininga siya at binaklas ang braso ko saka tumingin ng deretso sa 'kin.

"Let's go, hubby," aniya. Hinila niya ako papasok, ako naman ay nagpatianod sa kanya. Pagdating namin sa kwarto ay huminto kami sa kama. Naunang humiga si Alex, sumunod ako sa anya at niyakap siya.

Pumikit ako at sinubukang matulog. Ilang sandali pa at tinangay na ako ng antok.

******

I WAKE up when I heard someone shout. Mabilis akong napabangon at hinanap kung nasaan ang asawa kong wala na sa 'king tabi. Agad akong tumakbo sa kung saan nangaggaling ang sigaw na 'yon. I saw my wife leaning to the sink and vomiting. I run to her and caressed her back.

"What happened, wife?! Are you okay?!" I asked frantically when I saw her crying from the mirror.

She leaned on my chest after she vomit. I opened the faucet and scoop a water to wash her mouth. Inabot ko ang towel sa may gilid at pinunasan siya. Her eyes are still closed.

Binuhat ko siya at dinala sa kama namin. Humiga si Alex. Nilingon ko ang orasan at nagbuntonghininga. It's already six in the morning. I should be getting ready for work but with my wife's condition right now, I will not be in a good shape.

But you have an important meeting with a big investor. You cannot skip. Not today.

Instead of going back to bed with her I decided to go out. Kumuha ako ng basin and face towel sa baba with warm water. Hinubad ko ang lahat ng damit ni Alex except for her undies then I started to wipe her body.

Una kong pinunasan ang braso niya't leeg. Sumunod ang dibdib at tiyan niya. Napatigil ako ng makita ang tiyan niya. Umupo ako at hinawakan 'yon. Kumabog ang dibdib ko.

Tiningnan ko sa mukha si Alex.

Umiling ako at tumayo. Pinapatuloy ang pagpupunas ko sa kanya hanggang sa matapos ako. Ipinababa ko kay Abby ang mga ginamit ko at saka pumasok sa walk-in-closet, kumuha ako ng damit ni Alex. Lumabas ako at nilapitan siya. Sinuot ko ang mga damit sa kanya.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Sa sala pa lang ay dinig na dinig ko nang may nagdo-doorbell na ikinakunot ng noo ko. Where is Abby? And who will go here this early?

Binuksan ko ang front door at sumilip doon. Alex' friend is here. Si Leo at Lia. Lumabas ako at pumunta sa gate. Binuksan ko 'yon at nag-cross arm.

"What are you two doing here?" tanong ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Lia at walang imbitasyong naglakad papasok. She bumped my shoulders pa nga. Sumunod si Leo dito na maarteng nakahawak sa shoulder bag. Umiling na lang ako at sinarado ang gate. Sumunod ako sa kanila. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naka-upo na sila sa sofa.

"Alex is still sleeping. What do you want to drink?"

Tumingin si Leo sa 'kin. "Meron ba kayong juice? Fresh juice, ha, hindi pwede sa 'kin 'yung processed na," aniya.

Napangiti ako at umiling.

"Wait here I will call our maid to make your juice," ani ko. Pumunta ako ng kusina. Akala ko'y aabutan si Abby na nasa kusina at nagluluto but I'm wrong. "Abby?" I called her name, no ones answered.

Lumakad ako papunta sa may maids quarter at kumatok sa pinto nito. Nang tatlong katok ay walang sumagot binuksan ko na ang pintuan. No one is there.

Bumalik ako ng sala para harapin ang kaybigan ni Alex.

"Our maid is not here kaya kayo na ang gumawa ng juice niyo. Male-late na ako sa office." Bumalik ako sa kwarto namin ng asawa ko. Nadatnan kong naka-upo ang babae at gising na. Matamis ko siyang nginitian.

"Good morning, wife. How are you feeling?" Hahalikan ko sana siya sa labi ng umiwas siya sa 'kin. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Why?" Hindi niya pinansin ang tanong ko at bumaba ng kama. Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng lumabas siya ng kwarto.

Mamaya ko na lang siya kakausapin.

SEVEN thirty ng matapos ako sa pag-aayos. Kinuha ko ang phone at tinawagan ang secretary ko para sabihing male-late ako. Bago ako umalis ay dumaan muna ako sa office ko dito sa bahay. Kinuha ko ang ilang importanteng documents at lumabas na rin.

Naabutan ko sina Alex sa sala kausap si leo.

"Wife, I'm going," paalam ko. I waited for her response but none. Malungkot akong tumingin sa kaybigan niya na puno ng pagtataka. Nagkibit balikat ito. Bagsak ang balikat akong umalis.

Pagdating sa office, binati agad ako ng mga nakakasalubong ko. Tinatanguan ko silang lahat habang seryoso ang mukha. Nakasalubong ko ang secretary ko sa elevator.

"Good morning, Sir," bati nito sa 'kin. Siya ang nagpindot ng fifteenth floor kung nasaan ang office ko.

"Good morning. What's my schedule today?" I asked while looking at my watch.

"At ten o'clock you have a meeting with Mr. Nakamoto. After lunch you have your board meeting with the investors, sir."

Tumango ako. Jessie's an efficient secretary kaya hindi ko mapalitan. She's not like the other one na sinusubukan akong akitin o di kaya naman ay nakawan. Nang bumukas ang elevator ay nauna akong lumabas, nakasunod siya sa 'kin. Pumasok ako sa office at nilingon si Jessie.

"Make me coffee."

Pagka-upo ko sa swivel chair ay sumandal ako dito. Iniisip ko kung anong nangyayari kay Alex. She's not moody like that. May sakit kaya siya o baka dahil lang 'yon sa pagsusuka niya?

W-wait—what? Nagsusuka siya, and last time kung anong weird ang pang-amoy niya at gusto niyang kainin. Is it possible? Is she pregnant? Saktong sa malalim kong pag-iisip ang pagpasok ng secretary ko.

"Hey, Miss Sec. can I ask you something?"

She nod, "what is it, sir?"

Napangiti ako at nag-umpisa na ang sunod-sunod na tanong.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon