Chapter 66

6.8K 116 0
                                    

Alex P.O.V.

"SURE ka?" tanong ko ng ipalibot ko ang braso ko sa leeg niya. Inamoy ko at hininga niya bago tumingin ng deretso sa kanya. "Bakit amoy alak ang bibig mo?"

"Kasama namin sa meeting ang Dad mo kaya hindi pupwedeng hindi kami uminom kahit sandali."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Hubby, kuha mo na ako ng ice cream sa baba, please? Gusto ko yung cookies and cream, ha, lagyan mo na rin ng chocolate syrup," utos ko.

Humalik lang sa noo ko ang asawa ko bago bumaba ng kama. Mabilis naman pa lang kausap ang daddy mo, baby. Ang masunurin niya. Pumasok muna sa loob ng walk-in-closet si Jake dahil mukhang magpapalita siya ng damit. Nakangiti ako ng lumabas si Jake na ang tanging suot ay boxers at sando. Nakadapa ako sa kama. Ipinatong ko ang baba ko sa likod ng palad ko.

"Go, get my ice cream," ani ko.

Lumabas na ng kwarto ang asawa ko't bumaba na. Umayos ako ng upo. Kinuha ko ang phone ko para magbukas ng social media. Nag-pop-up again ang group chat naming magkakaybigan. Nag-backread muna ako para maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Bryan: Ako na naman ang nakita niyo! Bakit hindi si Leo ang sabihan mong maghanap ng girlfriend.

Lia: Iyan pang si vacckla magkagusto sa babae, asa ka pa!

Leo (Lea): Wag ka ngang ano diyan! Masaya ako sa pagiging single. Yang si @Amelia ang kulang sa karat kaya ganyan.

Lia: Hoy! Anong kulang sa karat ha?! Bakla, ehem!

Bryan: Why don't you find the dancer who dace to your party?

Leo (Lea): Heh! Hinahanap ko naman talaga kaya lang totoo yata ang sinabi nilang hindi madali mahanap ang taong ayaw magpakita.

Kumunot ang noo ko. Sinong hinahanap? Dahil sa curiosity ay nag-chat na rin ako.

Crystal: sino hinahanap?

Naunang mag-seen si Lia.

Lia: Eh, di sino pa? Yung dancer na sumayaw noong birthday ni vacckal! Nilayasan nga siya, 'di ba?!

Crystal: Bakit lumayas @Leonardo

Leo (Lea): Nag-away kasi kami tapos kinabukasan wala na siya.

Lia: Kaya ngayon ay broken hearted si acckla!

Napa-iling ako sa usapan nila. Binaba ko ang phone, sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Jake na dala-dala ang ice cream ko. Nang makalapit siya sa 'kin ay inabot ko agad ang ice cream at kutsara. Inalis ko ang takip at masamang tumingin sa kanya.

"Nasaan ang chocolate syrup ko?!"

Tinabihan niya ko. Paharap siya sa 'king dumapa. Hinawakan niya ako sa hita.

"Wife, wag na nating lagyan dahil masyadong matamis para sa 'yo."

Dahil naiintindihan ko naman siya ay tumango ako. Masama nga para sa health namin ni baby ang masyadong matamis. Kaya habang kumakain ay napatingin ako kay Jake. Sinubukan ko siyang alukin pero inilingan niya lang ako bago pumikit. Ang matitigas nitong braso ay nakapalibot sa bewang ko.

Nang matapos akong kumain ay tulog na tulog na si Jake. Mukhang napagod talaga siya sa trabaho. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok at mabilis siyang hinalikan sa labi. Bumangon ako't bumaba ng kama, sa banyo ako nagpunta para makapag-toothbrush at ayos. After no'n ay lumabas na ako ng banyo, tinabihan ko ang asawa ko't umunan sa dibdib niya.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon