Chapter 39

7.6K 142 0
                                    

Alex P.O.V.

PINAPANOOD ko ang dalawa kong kaybigan na ginugulo ang kusina namin. Nakapalumbaba ako sa lamesa.

"Wala ba kayong ginagawa sa inyo at ako ang binubuwisit niyo?" maang kong tanong. Natatawang lumingon sila sa 'kin.

"Napaka-suplada mo naman," ani Leo habang umiinom ng juice at nakatikwas pa nga ang hinliliit. Inirapan ko siya. Nilingon ko si Lia.

"LIa, bakit hanggang ngayon single ka pa din?" naka-pout kong tanong sa kanya.

Pinandilatan niya ako ng mata. Mukha siyang na-shock sa tinanong ko. Si Leo naman ay tumawa nang tumawa na hindi ko alam ang reason.

"Hoy, Alex! Wala namang personalan! May galit ka ba sa 'kin?!"

"Bakit nga? Si Leo rin kasi walang jowa. Bakit kaya hindi na lang kayo magjowaan?" suhestiyon ko. Napabuga ng juice si Leo at di makapaniwalang tumingin sa 'kin.

Kumunot ang noo ko sa reaction nila. Why naman gano'n?

"Seryoso ka don, Alexandra Crystal, ha?! Kami ng babaeng 'yan?!" sabay nandididring tinuro si Lia.

Pinanlakihan ng mata ni Lia si Leo. "Hoy, bakla ka! Ako si Amelia!" Tinuro ang sarili. "Ang pinakamaganda sa balat ng lupa ay hindi papatol sa baklush!" aniya't tumalikod. Hindi ko alam na may tumutulong luha na pala sa pisnge ko.

They are fighting because of me!

"S-sorry . . . d-dahil sa 'kin na-nag-aaway kayo!" Suminghot-singhot ako. Nilapitan ako ng dalawa na bakas ang pag-aalala.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Lia sabay hagod sa likuran ko.

"Oo nga! Okay ka lang ba? O baka may sakit ka?" dugtong ni Leo.

Hindi ko magawang sumagot sa kanila. Sobrang nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Nagsisikip na rin ang dibdib ko.

"N-nag-away k-kayo, eh!"

"Ha?! Hindi naman kami nag-aaway. Ganyan lang talaga kami maglambingan, 'di ba, ackla?"

"Oo naman, beh. Gano'n talaga kapag pagrehong maganda. Ano bang gusto mo? Gusto mong ice cream?" tanong ni Leo. Automatic akong natigil sa pag-iyak. Tumingin ako sa kanya.

"Ice cream? Ibibili mo ko?" nakangiting tanong ko.

Napangiti si Leo, "oo, bakla. Ilang drum ba at anong flavour ang gusto mo?" Inakbayan niya ako at tumingin kay Lia na mukhang nakahinga na ng maluwag.

"One gallon. Want ko four flavors. Chocolate, toffee caramel, salad and and chesse," nakangiting sabi ko sa kanya.

Hinagod ni Lia ang buhok nito at bumuntonghininga.

"Na ko po---Leo, ikaw nga ang kumausap diyan," ani Lia at pumunta sa may ref. "Lex, nasaan yung maid niyo? Akala ko ba kumuha na kayo?"

Dumako ang tingin ko sa maids quarter. Oo nga, where the hell is Abby? I haven't seen her kanina pa.

"Meron nga. I don't know lang kung nasaan si Abby. Ngayon lang naman siya umalis ng bahay ng walang paalam," sagot ko.

Natigilan si Leo sa pagta-type sa cellphone at tumingin sa 'kin.

"Abby?"

Tumango ako. "Yes, Abbigail Bonifacio. Bakit? Kilala mo?"

Mabilis siyang umupo sa tabi ko at nagmamadaling kinuha ang kamay ko.

"C-can you describe her to me?" he pleaded.

"Kung ako sa 'yo, Alex hindi ko na ie-entertain ang questions ni Leo. Naalala mo yung girl na sumayaw no'ng birthday niya?" Tumango ako. "Nag-away sila no'n at pagkatapos nilayasan siya. Kaya ayan, hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita."

Umawang ang labi ko. Nilingon ko si Leo na nakayuko. Oh my God! Hindi ko man lang alam kung anong nangyayari sa buhay ng mga kaybigan ko. Gano'n na ba ko ka-busy? I feel so bad tuloy for him!

Hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm really sorry for that, Leo. Don't worry mahahanap mo rin siya. Not now but soon yan." Niyakap ko siya at tinap ang braso niya. Gumanti siya ng tipid na ngiti sa 'kin.

Tumayo ako at nilapitan si Lia. "What are you cooking?"

"Banana. May nakita akong saba diyan, eh. Masarap naman 'to," aniya. Sumandal ako at nag-pout.

"I want it to have many sugar coating." Kinuha ko ang lalagyan ng asukal.

"Okay. Leave it there. Ako na lang ang magluluto. Ready niyo na lang yung pwesto natin sa sala. Call Bryan to bring some movie."

Tumango ako at lumakad na papuntang living room. Binuksan ko ang aircon pati na ang TV. Nilipat ko muna sa news para naman may alam kami sa balita. Lumakad ako papunta sa may hagdan at akmang papanik ng mapansing lumabas ang mukha ng asawa ko sa TV.

Jake Anderson is spotted last week with Daisy Ford the rising actress. Are they dating? Is he cheating with his wife? Kung maalala niyo ay nitong nakaraan lamang ay nag-merge ang Anderson at Villafuerte Group of Companies dahil sa kasal nilang dalawa. Ano ng aba ang meron sa pagitan nila? Is there a third party involve?

Kumunot ang noo ko sa narinig. What the heck?! Last week?! Anong ibig sabihin no'n? Madilim ang mukha kong pumanik sa taas at nagtuloy sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa may gilid. Ni-dial ko ang number ni Bryan.

"Hey, Alex!"

"Sunduin mo na dito sina Leo at Lia," malamig kong utos. Binaba ako ang tawag kahit 'di pa siya nakakasagot. Lumabas ako ng kwartro, tumuloy ako sa terrace. Gigil kong idinial ang number ng secretary ni Alex.

"Hello?! Nandiyan ba si Jake?! Yes, I'm her wife. No, wag mong sabihin. Gusto ko lang itanong kung totoo bang magkasama si Jake at Daisy last week?!" inis kong tanong.

"Yes po, ma'am. May naging dinner meeting po si Sir," magalang nitong sagot.

Mas dumiin ang paghawak ko sa telepono. Nakaka-inis lang na bumigat na naman ang loob ko. Akala ko ba tinapos na nila?! Napakabigat sa dibdib ng nalaman ko. I thought I can trust him pero hindi pala. Inis kong binaba ang tawag saka binaba sa kusina ang mga kaybigan ko.

"Ahm . . . can you please leave na? Sa susunod na lang tayo mag-movie marathon," matamlay kong sabi sa kanila at lumabas ng kusina. Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Kinuha ko ang remote ng TV, pinatay ko 'yon. Lumabas sina Lia at Leo na puno ng pagtataka.

Umupo silang dalawa sa tabi ko.

"Are you okay? What happened?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

Hindi ko siya sinagot. Nag-cellphone ako para maalis sa kanila ang atensyon ko. Bumuntonghininga si Lia.

"We will go, Lex. Just call us if you need to talk to us," sabi nito. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng main door namin.

Saka ko lang hinayaang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Humiga ako sa sofa. I thought you want a change to our marriage.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon