Chapter 41

8.2K 152 0
                                    

Alex P.O.V.

NAGISING akong hinahalukay na naman ang sikmura ko. Tuptup ang bibig akong bumaba ng kama at pumasok ng banyo. Dumuwal ako sa lababo at gaya ng nakaraang umaga ay nahirapan na naman ako dahil hindi ako kumain kagabi. Naramdaman ko ang isang mainit na kamay na humahagod sa likuran ko.

Nilingon ko si Jake na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. "Are you really okay? Nitong nakaraang araw ka pa panay suka nang suka," aniya at inilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

Hindi ko nagawang sumagot, bagkus ay niyakap ko siya. I inhale his scent, I bit my lips. Hinalikan ko ang leeg niya bago sinunod ang isip ko. Sinunod ko ang isip ko't kinagat ko ang leeg niya.

"OUCH!!" Inilayo niya ang katawan niya sa 'kin. Humakaw ang isang kamay nito sa kinagatan kong parte niya. "Wife, seriously?! You're acting really weird!" may asik niyang sabi.

Sumimangot ako at nag-cross arm. "Masama na bang maglambing ako sa asawa ko? O baka naman gusto mong is Daisy ang kumagat-kagat sa 'yo?!"

Ang matigas niyang expression ay naging malambot malaunan. Niyakap niya ako at ipinilig ang kanyang leeg.

"No. Sige pa, wife. Kagatin mo ako kung gusto mo," aniya.

Napangiti ako dahil do'n. Pinalupot ko ang binti ko sa bewang niya para mas hapitin siya sa 'kin. Inumpisahan kong paglaruan ang buhok niya.

"Hubby, wag ka nang pumasok ngayon sa work. Dito na lang tayo sa bahay," mahina kong daing sa kanya. Lumakad si Jake palabas ng banyo kasama ako. Umupo siya sa kama at nakaalalay ang braso niya sa likod ko.

"Gusto mo ba 'yon, wife?" Tumango ako at sumiksik sa leeg niya. Gusto kong amoy-amuysin siya ngayon. Ang bango-bango niya. "Pero I have an important meeting today."

Masama ko siyang tiningnan. Ano mas importante pa sa kanya ang meeting na 'yon kasya sa 'kin?! Kumalas ako sa pagkakayakap at humiga sa kabilang dulo ng kama.

"Eh, di do'n ka na! Wag kang matutulog dito! Doon ka sa sala!" inis kong sabi. Itinalukbong ko ang kumot sa 'kin.

I heard him laugh na mas nagpa-inis sa 'kin. Tawang-tawa!

Naramdaman kong tumabi ng higa sa 'kin si Jake. Mahigpit niya kong niyakap.

"Sabi ko ay may importanteng meeting ako pero hindi ko sinabing papasok ako ngayon. They can start that meeting without me, wife."

Nag-pout ako. "Hmp! Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako magaling pero papasok ka talaga!"

Malakas na humalakhak si Jake at nanggigigil na humalik sa pisnge ko kahit na may taklob na kumot.

"Hindi nga po, wife. Pupunta kasi tayo sa hospital ngayon. I'm worried about your condition."

Nanlaki ang mga mata kong 'yon. Bumangon ako at tumingin sa kanya.

"Hubby, hindi na. Okay lang naman ako," sunod-sunod kong sabi. Hindi pwedeng malaman ni Jake ang kondisyon ko ngayon. Masisira ang plano ko!

Umupo siya at umiling sa 'kin. "No, wife. Hindi ka okay. Nag-aalala na ako."

Oh, ang lambing-lambing ni Jake pero kahit ganyan hindi niya ako madadala. Surprise nga, eh.

I cupped his face and kissed his nose. "I'm really okay, hubby. Just stay at my side. Te dua, hmm? I want you to cook pancakes na with ice cream." Binitawan ko ang pisnge niya at bumaba ng kama. Lumakad ako papuntang banyo. Huminto ako ng nasa pintuan na ako. Nilingon ko siya. "Do you want to conserve water, hubby??" pilya kong tanong.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon