063

43 9 0
                                    


Dolce.

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng kwarto ko, as usual nagkukulong nanaman. Hindi ko na rin mabilang kung ilang segundo, minuto o oras na akong tulala sa kawalan basta ang alam ko hindi ako makatulog.

Ah oo nga pala. 12:00 AM na pero hindi parin ako makatulog. Sino ba namang hindi makakatulog kung binabangungot ako tuwing gabi. Walang oras na hindi ko s'ya napapaginipan humihingi ng tulong, umiiyak, duguan. Taena lang eh. Ewan ko ba kung matatakot ako o mandidiri sa sarili ko.

Lalo na't malaman ko pa mismo sa Kuya ko na 'yung taong nabangga ko three years ago ay ex pala ni Hiro. Saket 'diba. Anong klaseng rebelasyon naman 'to, clichè.

Pero masakit.

"HAHAHA bakit kaya ganon. Kaya siguro ako binabangungot. Amp."

Ang tanga ko rin para ngayon lang nalaman. Ang ignorante ko kasi masyado.

Three years ago, lumipat ako ako sa University na pinapasukan ni Hiro, at doon ko rin s'ya nakilala. Three years ago, doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya dahil sa nasaksihan kong kabusilakan ng puso mula sa kanya. Habang nagdra-drive ako nakita ko s'ya sa daan na binibigyan ng pagkain at inumin 'yung mga badjao sa daan. Dahil doon nahulog kaagad ako sa kanya. Oo ganoon ako karupok.

Three years ago din, matapos ko s'yang malampasan hindi na s'ya mawala sa isip ko. Kaya hindi ko namalayang may tao pala sa daan, hindi ko kaagad napreno 'yung sasakyan. Three years ago, nakabangga ako. It was an accident, aksidenteng dahil sa katangahan ko. Sakto nga naman 'yung driver last week, hindi kasi ako nagbibigay atensyon sa paligid ko. Napakatanga ko. I was just sixteen that time, turning seventeen kaya naman bilang advance na regalo. In-enroll ako ni Kuya sa driving school which is akala kong pinakamasayang regalong matatanggap ko. But I was wrong, masyado nga pala akong tanga para magmaneho.

I was minor that time, at dahil nakabangga ako naranasan kong pumunta sa police station and thank God hindi ako nakulong. I was just interviewed at nakalimutan ko na.

Three years ago, after kong panagutan ang kagagahang nagawa ko akala ko okay na. Pero. Pero bigla kasing namatay 'yung nabangga ko.

And that time, naisip ko na kasalanan ko kung bakit s'ya namatay--'yung taong aksidente kong nabangga. Naisip ko kasing ako ang dahilan ng pagkamatay n'ya, naisip ko na nirarason lang ng magulang n'ya na dati na s'yang may sakit para lang hindi ako ma-guilty. Little did they know na mas lalo akong na-guilty. Nung nalaman kong dati na s'yang may malalang sakit ay mas dumoble ang pagka-guilty ko.

Dahil naisip kong, kung hindi ko s'ya nabangga. Posible kayang medyo tatagal pa ang buhay n'ya?

Dahil sa kaisipan ko na 'yon, nabuo ko ang anxiety ko. Hanggang sa nawawalan nalang ako ng gana, nababangungot at kung anu-ano pa. And then I was diagnosed with Post Traumatic Stress Disorder, in short PTSD. Tumagal 'yon ng 9 months, almost 1 year kaya sobra ang pag-aalala ni Kuya at ni Mama na baka hindi ko maoovercome ang PTSD ko. Luckily, I did.

I was diagnosed with a mental illness, that was three years ago. Medyo mahirap mag-adjust at mag-overcome pero nakanayanan ko, sa tulong ni Amara at ng Pamilya ko. Although, kadalasan fake happiness lang talaga ang pinapakita ko para hindi na sila mag-alala.

Dahil na-overcome ko naman kahit papaano. Nakalimutan ko na 'yung pangyayaring 'yun, at kapalit naman non ay naalala ko ulit s'ya--si Hiro. And then last last month, I decided to bug him. Gusto kong magpapansin dahil tatlong taon ko na rin 'tong kinikimkim.

I thought it was the best decision I'd ever made. Pero maling akala lang pala. As usual, palpak ako.

I guess ignorante talaga ako sa bagay bagay. Ngayong araw ko lang rin nalaman. Na si Sophia pala ay ex ni Hiro. Ngayon ko lang din nalaman na may girlfriend na pala s'ya, deceased nga lang. Akala ko alam o na ang lahat tungkol sa kanya pero as usual nagaakala lang ako kasi delusional akong tao.

Three years ago, bago ako magtransfer sa pinapasukan ni Hiro. Hindi ko alam na may kasintahan pala s'ya. Napag-alaman kong magkasintahan na pala sila, dati pa ngayon lang. And you know what's hurting? It's the fact that they have the almost perfect relationship--na ako mismo ang sumira.

Pero mas masakit parin ang mga rebelasyong nabunyag ngayong araw.

Ngayong araw kasi, balak kong magkaroon ng closure between me and Him since aalis na ako dito. Gusto kong i-settle ang lahat dahil paniguradong hindi ako mapapanatag. Papunta na sana ako sa classroom kung nasaan s'ya pero habang naglalakad ako, may nakita akong dalawang lalaking nag-uusap sa may corridor. Pamilyar ang bulto ng dalawa kaya masaya akong naglakad papalapit sa kanila not until I heard their conversation.

Napatigil ako sa paglalakad at nagtago sa kung saan pwedeng magtago na hindi nila ako mahahalata. Their conversation went something like this. It's not exact but one thing's for sure, masakit ang mga narinig ko. It's too much to handle.

"Bro, ano ba kasing problema? You've been spacing out for week. Pansin ko lang. And you know, napansin ko rin na simula nung death anniversary n'ya mas dumoble pagiging cold mo. No, make it triple." It was my Kuya who said that line. Kaya napaisip ako, death anniversary? Sino naman? 'Yun kaya ang dahilan kung bakit umiiwas s'ya sa akin?

"You're asking me what's the problem. When in fact your sister's the problem." I don't know, pero sa sinabing 'yon ni Hiro bigla talagang bumilis tibok ng puso ko. And then his stares went deeper and angrier. My Kuya looking confused yet pissed as usual. Ayaw na ayaw n'ya kasi sa lahat 'yung nabibigla.

"What the fuck? At bakit nadamay ang kapatid ko dito?"

"Hah, don't feign ignorance, Matteo. I know you know, your sister was  the one who killed Sophia. By accident, right?"

"Tangina! Don't you dare accused my sister as a killer! That's false accusation, pwede kitang kasuhan. Careful with your words you bastard!" Kinwelyuhan pa ni Kuya si Hiro but Hiro just smirked. That scene, just made me cry, and made my heart broke again.

"I'm just stating the fact, kung hindi sana tanga mag-drive kapatid mo edi hindi sana mababangga si Sophia. Edi sana buhay pa s'ya ngayon." And that was the last straw, nagsimula ng tumulo 'yung mga luha ko. That statement hit me. Bigla kong naalala 'yung aksidente three years ago. Syempre tinakpan ko rin 'yung bibig ko gamit ang palad ko para hindi nila marinig ang hikbi ko. After that, nasuntok na lang ni Kuya si Hiro dahil sa galit. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Seeing my brother raging in anger because of me made me wanna die in an instant.

"Umalis ka na Matteo, bago pa mawala ang natitirang respeto ko para sa'yo at sa kapatid mo. How Ironic right, I shouldn't be respecting the one who took away my happy pill yet I still chose too. Tsk."

Masakit. Marinig. Ang mga katagang 'yan.

Dahil doon ay napatakbo ako palayo at palabas sa University. Sa sobrang bigat ng dibdib ko hindi ko na kinaya. Muntik pa nga akong hindi makahinga kaya umuwi na kaagad ako. Nagkulong sa kwarto at hindi na pumasok. Kaya heto ako ngayon, nagpupuyat dahil hindi makatulog.

Gusto ko namang matulog pero may pumipigil talaga. For the nth time I cried again. Hinalungkat ko rin ang bedside ko at hinanap ang sleeping pills doon.

"I can't bear staying up all night just to see hallucinations and flashback, I'd rather sleep myself forever," huminga ako ng malalim at nilunok ang tatlo, lima? Hindi ko mabilang, basta marami akong nilunok na pills. Naisip ko lang na sa paraan na 'to makakatulog na ako. Nakakapagod na rin mapuyat 'no. Time to sleep. But this time, I might not be able to wake up ever again.

DolceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon