Dolce.Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng tunog na nagmumula sa cellphone ko.
"Hmm." Naiinis at tinatamad kong kinapa ang lamesa sa gilid ng kama habang nakadapa parin sa higaan. Ewan ko ba, pinapahirapan ko lang ang sarili ko kung pwede naman na akong bumangon. Pero ano kasi, 'yung higaan, parang minamagnetize buong katawan ko. Pati ba naman kama ko naiinlove na sa akin kaya ayaw akong pakawalan. Charot lang.
"Hello?! SINO BA 'TO HA AT ANONG KAILANGAN MO?!" Inis kong bungad sa kabilang linya. Aga aga istorbo eh. Naniniwala nga naman ako sa kasabihan na⚊'gisingin mo na ang lasing 'wag lang ang bagong gising'. Teka nga, parang may mali sa pinaniniwalaan kong kasabihan? Ah basta! nadale.
"Chill, love. Ako lang 'to. Aga aga highblood ka nanaman. Hindi mo na ako lab?"
"Cringe, love! Kung hindi lang kita mahal nako. Ano pala kailangan mo at napatawag ka ng ke-aga aga?"
"Anong maaga, love? Tignan mo nga orasan mo. Alas dyes na ng umaga baka hindi mo alam."
"Alas dyes ng umaga? Eh umaga naman⚊NANI?!" narinig ko ang malakas na halakhak n'ya sa kabilang linya. Aba ang gague tinawanan ba naman ako.
"Ano, love. Otaku ka na rin ba? Sabi ko sa'yo nakaka-adik ang animè eh!"
"Shut up! Nagawa mo pa akong tawanan⚊pero seryoso?! Na alas dyes na?"
"Bakit, love. Wala ka bang orasan d'yan?"
"Aba hoy! Nagawa mo na nga akong tawanan mamimilosopo ka pa! Mamaya ka sa akin, humanda ka kapag nagkita tayo bugbog sarado ka ah."
"Grabeeeee, ang sweet talaga ng love ko parang pangalan n'ya lang, hindi bagay sa kanya⚊este bagay pala sa kanya."
"SHUT UP! ANG PANGIT MO!"
"Highblood ka na n'yan, love? Pakita nga. HAHAHAHA."
"Bastardo! Bahala ka d'yan maliligo na ako!" Ibinaba ko ang linya at inis na itinapon ang cellphone ko kung saan saan. Argh! Nakakainis talaga 'yung lalake na 'yun, nakapagtataka lang na nagustuhan ko pa s'ya.
Pero mas nakapagtataka lang na kami pala magkakatuluyan⚊pero kahit na, mahal ko naman s'ya. Bigla tuloy ako na-guilty.
"Hala sheyt, mukhang napa-sobra yata ako sa kamalditahan kanina." Bigla naman akong kinabahan, baka kasi malungkot 'yung abnormal na 'yun. Kaya dali dali kong hinanap 'yung cellphone ko na tinapon ko lang kung saan saan. Kailangan kong mag-sorry. Kundi babagabagin ako ng konsensya ko habang buhay. NOOOOOO! WAY.
"Love koooooo sorry kanina. Huehue, nabadtrip lang naman ako eh nabitin kasi tulog ko. Sorry kung nasigawan kita ha. Mwa mwa. Panget mo pa rin."
Napabuga ako ng hangin habang kinakabahang nakatangin sa tinipa ko. Tangena naman, pati ba naman sa paghingi ko ng tawad may kasama pang lait. VERY GOOD, DOLCE. Napaka-bakit mong bata.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makatanggap ako ng bagong mensahe⚊galing sa kanya 'to for sure!
Masaya kong binuksan 'yung cellphone ko pero bigla 'yun nawala nung mabasa ko ang mensahe. Hindi naman galing sa kanya 'to eh! Galing naman doon sa mokong kong kuya, badtrip!
"Hoy, balita kong kagigising mo lang tulog mantika. Hindi ka pa rin ba tumatanda ha, 25 years old ka na pero lomag ka pa rin. Mahiya ka na naman sa boyfriend mo, eww."
BINABASA MO ANG
Dolce
Teen Fiction❝Sweet is true love that is given in vain, and sweet is death that takes away pain.❞ Love is sweet, but too much of it is dangerous. That's what he thought, and he chose to run away. Thinking it's the safest way. He chose to stay away from Dolce. ...