Dolce.Bagsak ang mga balikat ko habang pabalik sa University. Kakatapos ko lang kumain sa seven eleven. Guess what? Nakita ko lang naman s'yang masayang nakikipagkwentuhan sa babaeng hindi ko kilala.
Hindi naman ako selosang tao pero masakit lang sa parte ko na nakita n'ya na nga ako pero hindi n'ya man lang ako pinansin. I get it, okay. Wala kaming pinagsamahan, nagchachat lang kami paminsan minsan pa. Pero hindi ko talaga maiwasang umasa. Hashtag ako na ang assumera. Marupokpok in short. Charot charot.
Pero nalulungkot talaga ako eh, feeling ko kasi jowa ko na s'ya. Hashtag feelingera. Marupokpok part two. Hays, sana pala nung una palang hindi ko na s'ya minessage 'diba. Sobrang na-attach na kasi ako to the point na ayaw ko na s'yang pakawalan, o kung mawawala man s'ya sa akin baka ikamatay ko. CHAROT! hindi naman ako obsessive na tao. Slight lang. Pero legit, na masakit talaga ang nakita ko kanina lalo na't parang wala lang ako sa kanya.
Nakakalungkot lang na nakalimutan na n'ya 'yung mga mahaharot kong banat sa kanya. Hehehe, 'yun pa talaga 'yung naisip ko eh.
BEEP!
Natigil ako sa pagmumuni nang marinig ko ang dumadagundong na busina. Napatigil din ako sa paglalakad at tila naestatwa sa gitna ng daan nang makita ko ang isang sasakyan mukhang papalapit sa gawi ko at mukhang wala pang balak na prumeno. Shuta. Pamilyar 'yung scene na 'to.
Pakiramdam ko tuloy nagsitaasan lahat ng dugo ko sa katawan papuntang ulo.
Ipinikit ko nalang 'yung mata ko in case na mabangga ako. Kung hindi ba naman kasi pabebe itong katawan ko edi sana kanina pa ako nakaalis sa gitna ng daan!
BEEP BEEP!
"MISS, SA SUSUNOD TIGNAN MO 'YUNG NILALAKARAN MO AH. BIGYAN MO NG ATENSYON 'YUNG PALIGID MO PARA SA SUSUNOD WALA KANG MAPERWISYO. BWISIT." Napadilat ako ng mata dahil sa sigaw ng driver.
Akala ko.
Akala ko kakapusan ko na.
Hindi pa, Thank God! Hindi pa!
Napahawak ako sa dibdib ko at dali daling inilabas ang cellphone na mula sa bag ko. Naninikip na nanaman. Bumabalik nanaman. Ayaw ko na.
Shuta.
Tinext ko si Kuya at nagbabakasakaling bigla s'yang mag online pero mukhang malabo pero tinext ko pa rin s'ya. Tinawagan ko din si Amara pero out of reach ang gaga. Wala na akong macontact na iba bukod sa Kuya ko.
Gosh. Kung hindi ba naman kasi nanlalabo ang paningin ko at naninikip ang dibdib ko edi hindi masasayang ang load ko kakacontact sa kanila!
Ay basta ewan. Pakiramdam ko mahihimatay ako ng wala sa oras. Lalo na't nakita ko s'yang nakatitig lang ng blangko sa akin at mukhang wala pang balak tumulong.
Sakit ah.
BINABASA MO ANG
Dolce
Teen Fiction❝Sweet is true love that is given in vain, and sweet is death that takes away pain.❞ Love is sweet, but too much of it is dangerous. That's what he thought, and he chose to run away. Thinking it's the safest way. He chose to stay away from Dolce. ...