041

38 11 2
                                    


Kinakabahang napatingin si Dolce sa lalakeng nasa harapan n'ya at ilang agwat nalang ay magkalapit na sila. Hindi n'ya alam ang gagawin sapagkat ngayon ang kauna unahang beses na titigan s'ya ni Hiro sa mata. Parang kinikiliti ang bumbunan n'ya sa kilig ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kabang nararamdaman n'ya.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikita mo na harap harapan ang taong hinahangaan mo. Sa loob ng tatlong taon ay crush na crush na ni Dolce si Hiro. Mula nang tumungtong s'ya sa Highschool at ngayon naman College hindi pa rin nawawala ang paghanga n'ya sa lalake. Paano, sobrang gwapo, bait at talino nito. Kulang nalang haranahin ni Dolce si Hiro ng kanta ni Daniel Padilla na "Nasa'yo na ang lahat" pero ang kaso, tunog kambing ang boses ni Dolce kapag kumakanta kaya 'wag nalang.

Nanatili pa rin sila sa ganoong posisyon, nakatayo s'ya habang naka-upo naman si Hiro at ilang dipa ang kayo nila sa isa't isa. Ang mga mahaharot na hangal, nakatitig pa rin sa isa't isa. Parang isang daang taong hindi nagkita, eh 'no?

Si Hiro na ang mismong nagputol ng kanilang staring contest, matapos ay kinapa kapa nito ang slacks na tila ba may hinahanap hanap. Cellphone lang pala. Bigla itong tumayo, pagkatapos ay ngumiti si Hiro kay Dolce dahilan para ang maharot at marupok na puso ng dalaga ay kumabog kabog, daig pa ang tambol sa lakas ng pintig nito.

Buong akala ni Dolce ay lalapit ito sa kan'ya, ngunit umalis ang lalake palayo sa kan'ya habang nakalagay ang cellphone sa tenga nito. May kausap pala si Hiro sa telepono. Bumagsak ang balikat ng assumerang si Dolce, hashtag twintitri.

Napanguso s'ya ng makitang naglalakad palayo ang lalakeng hinahangaan mula sa kan'ya ni hindi man ito lumingon para lang ngumiti ulit. Hayok na hayok kasi si Dolce sa ngiti n'ya kaya nagdadabog ang gaga dahil hindi s'ya nito nginitian bago iwanan. Ouch, rhyming.

Biglang nandilim ang paningin ni Dolce at pakiramdam n'ya ay babagsak na s'ya anytime. Mag-fe-faint na sana s'ya pero bigla n'yang naalalang wala namang sasalo sa kan'ya kaya 'wag nalang. Ang gaga, ayon hindi na nahimatay. Wala daw kasing sasalo. Gano'n s'ya ka-choosy, at syempre assumera.

Kaya nasasaktan eh.

DolceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon