Chapter 16

30.8K 574 37
                                    

 Trent's POV

The place is nice, it's relaxing. Tamang-tama para marelax ang mga stressed worker. Madaming mga halaman kaya naman parang nakapresko ng lugar.

"Good afternoon" nakangiting bati sa akin ng babaing sa tantya ko ay kasing-edad ni Mommy.

Ngumiti ako sa kanya "Good afternoon po" 

"Ngayon ka lamang ba nagawi dito, hijo?" magiliw na tanong niyo

"Opo" magalang na tugon ko

"Tuloy ka. Wala masyadong tao ngayon dahil hindi naman breaktime." inakay niya pa ako papasok sa isang open-air balcony. "Kapag hindi naman umuulan ay mas masarap dito sa labas dahil sariwa ang hangin."

Parang isang coffee shop ang kalahati ng floor na ito. At tama siya, mukhang mas masarap nga dito sa labas. Tanaw ang mga sasakyan sa kalsada at ang ibang establisyamento na malapit sa gusali. 

"May kape po ba kayo?" tanong ko. Mukhang masarap magkape dito at wala naman akong balak libutin itong trabaho ni Nic.

"Meron. Ano ba ang gusto mo?" nakangiting tanong niya. Sinabi ko ang order ko at sinabi niyang may ganoon sila. "Hala, sige, maupo ka na muna"

Naglakad ako palapit sa upuan na nasa pinakadulo. Umupo ako doon at komportableng sumandal.

"Nasaan kaya si Alisson?" wala sa sarili na nausal ko. 

I'm certain that Alisson will be glad to accept my forgiveness. This time, desidido na ako na maayos na kami at ang tanging hiling ko na lamang ay sana sa pagkakataon na ito ay maging maayos na talaga. Naalala ko ang naging pag-uusap namin ni Sarah kahapon.

*

"Hi pumpkin" nakangiting bati ko sa bata nang lapitan ko siya dito sa garden at naglalaro ng dolls

"Hello" ngumiti siya sa akin.

"Can I join you?" I gently ask as I sat beside her

"Yep." she replied without looking at me. She's so engrossed with her dolls.

Tinitigan ko lamang siya habang naglalaro siya

"Angelo, kung makatitig ka sa bata parang..." nanlaki ang mga mata ni Mommy. Minsan talaga may pagka-OA si Mommy. "Don't tell me that you want to have your own child. That would be super great!" masayang sabi ni Mommy.

Napailing na lamang ako. Hindi na ako sumagot dahil napaisip din ako. Gusto ko na nga bang magkaanak? Kung iisipin ko ng mabuti, pwede naman na akong magkaanak dahil may kakayahan na akong bigyan ng magandang buhay ang magiging anak ko. Isa pa, may posibilidad na may anak na nga ako ngayon.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon