Chapter 32

23.7K 367 10
                                    

Alisson's POV

"I'm so sorry, Nicnic. Pero kailangan ko na talagang bumalik sa Manila" nababakas sa mukha ni Ate ang panghihinayang.

Pilit na ngumiti ako sa kanya. "I understand naman, Ate" 

Kakatawag lamang ng abogado niya kay Ate at sinabi na may mga kailangan silang asikasuhin. Sinampahan kasi siya ng kaso ng dating agency na pinagtatrabahuhan nila. Nang nakaraang umalis si Ate ay naayos na ang isinampang kaso sa kanya at napatunayan na inosente siya sa ibinibintang na estafa. Ngayon ay may panibago na namang isinasampang kaso kay Ate at ngayon naman ay attempted murder na ang isinasampa sa kanya. 

"Bakit ba ayaw ka pa patahimikin?" singit ni Jack sa usapan namin. Nasa open air restaurant kami para sa dinner.

Bumuntong-hininga si Ate. "Hindi ko nga din alam. Nagsasayang lang naman sila ng pera at panahon sa mga ginagawa nila" nasa tono na ni Ate ang pagkainis.

"Bakit kasi hindi ka nalang bumalik para matapos na. Ayun naman ang gusto nila, hindi ba? Ang mag-renew ka ng kontrata" suhestyon ni Jack. Halata sa kanya na ayaw niya pang bumalik sa Maynila

Sumimangot si Ate. "Ayoko nang umalis. Gusto kong magnegosyo nalang dito" maktol ni Ate.

"Edi ayusin mo na 'yung kaso mo" inis na sabi ni Jack

Humalukipkip si Ate. "Eto na nga, di ba? Kaya nga uuwi na tayo" tumaas na ang boses ni Ate

"Tama na nga kayo" sayaw ko sa kanila. Hinila ko si Ate paupo, nasa harapan namin si Jack.

"If you want, Ali, we can stay here for another three days. Sayang din kasi 'yung binayad natin" mahinahon na sabi ni Jack

"Don't push it, Jack" babala ni Ate

"I'm not pushing anything, Mon, it's just a suggestion. Sayang naman kasi 'yung bakasyon ni Ali kung ibuburo lang siya sa bahay. Besides bayad pa 'yung three days natin dito" inis na sabi ni Jack

"Okay lang, Jack. Sabay na tayo kay Ate pauwi para may kasama din siya" sagot ko. 

Gusto ko pang mag-stay pero ayoko namang magpaiwan kasama si Jack. Alam ko na hindi magugustuhan ni Trent iyon at hindi magandang tignan. 

"Okay" cool na sabi ni Jack. He doesn't seem offended or anything.

Kinabukasan ay bumalik na kami sa Maynila. Agad na tinawagan ko si Trent pagkarating sa bahay.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon