Chapter 39

25K 491 31
                                    

Dedicated to you :* Thanks for the support :)

__________________

Alisson's POV

"Maine, sing the next song!" Ella exclaimed. 

We were here at the bar and Maine's friends rented a videoke for the night. I met them kahapon at agad na nakasundo ko sila. Friendly silang lahat at mukhang mababait. Sila Isay at Ella ay may pagkakalog kaya madaling makisama sa kanila. Bukas ay inaasahan nilang dadating din si Tim. Sa grupo daw nila noong college, si Erica lamang ang hindi makakapunta. Nakilala ko na siya noon dahil kapatid siya ni Eric.

"Ha?" gulat na sabi ni Maine "B-Baka hindi ko alam 'yun" halata sa kanya na ayaw niyang sa kanya napupunta ang atensyon.

Kahapong dumating sila ay biglang hinila ni Trent si Troy sa kung saan at nang makabalik sila ay himalang medyo may pakielam si Troy sa asawa niya. Nang tanungin ko si Trent ay sinabi niyang wala naman daw siyang sinabi, nagbilin lamang siya tungkol sa negosyo.

"Ella, tigilan mo na nga si Maine sa mga kalokohan mo" mahinahong sabi ni Jayden. Mukhang over protective siya kay Maine. Kapag inaasar kasi ng dalawang babae si Maine ay palagi siyang may say.

"Stop acting like a knight in shining armor, Jayden. May asawa na si Maine" pairap na sabi ni Isay. Nang ma-realize niya ang sinabi ay agad na tinutop niya ang bibig at nagmamadaling tumayo at dinampot ang mic.

Naging awkward naman kami at si Jayden ay tumungga na lamang ng beer. Halata na may something siya kay Maine. Si Maine naman ay nagbaba lamang ng tingin.

Tinignan ko ang direksyon kung nasaan si Troy. Nasa table siya hindi kalayuan sa lugar namin. Kasama niya doon sila Gio at ang tatlong modelo para sa ad na gagawin. Pinag-uusapan nila ang mga plano para sa proyekto. Nagngingitngit na naman ang kalooban ko nang mapansin ko ang paa ng isa sa mga modelo na humahaplos sa binti ni Troy sa ilalim ng mesa. Ang lintik na hudyo naman ay nakangisi lamang na tumingin sa dalahirang babae at hindi man lamang pinatigil ito sa ginagawa! For Pete's sake, nandito lamang ang asawa niya!

"Shhh.." saway sa akin ni Trent at muling humarap kay Jayden upang ipatuloy ang kwentuhan nila.

"Ayan na! Ito na Maine" inabot ni Isay ang mic kay Maine

Lumapit ako ng kaonti kay Maine at binulungan siya. "Take it, Maine, pakitaan mo ang asawa mo" 

Her lips are a litlle parted when she stared at me. I winked at her to lighten the mood. Atubiling inabot na lamang niya ang mic.

Parang gusto kong humagalpak ng tawa nang makita ko ang kakantahin ni Maine.


"        Na na na
        Come on
        Na na na
        Come on
        Na na na na na
        Come on
        Na na na
        Come on
        Come on
        Come on
        Na na na na
        Come on
        Na na na
        Come on
        Na na na na na
        Come on
        Na na na
        Come on
        Come on
        Come on
        Na na na na        "

Sabay-sabay na umawit pa kaming apat kahit na si Maine lamang ang may hawak ng mic. Hinila pa siya patayo ni Isay. Hindi masyadong matao sa bar kay naman hindi nakakahiya kahit na magsasayaw kami.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon