Alisson's POV
Hindi ko namanlayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak.
Bumangon na ako sa kama ni Trent. Hindi siya umuwi hanggang sa makatulog ako.
"Where are you, Trent?" hindi ko na naman napigilan ang mapaluha.
Bakit pa ba kasi kailangang bumalik ni Jack kung kailan maayos na kami? Bakit kailangan niya pang buksan muli ang mga sugat ng nakaraan?
Alam ko na kailangan naming isara ang kahapon, pero sana naman ay hindi pa ngayon. Alam ko na pareho kaming hindi pa handa ni Trent. Alam ko kung gaano ko siya nasaktan noon. Mahal ko si Trent at wala akong ibang minahal kundi siya, pero may mga sakripisyo akong kinailangang gawin noon. Hindi ko ginusto ang mga nagawa ko, naipit lamang ako. Mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa saktan si Trent. Pero may mga tao na kailangan ako. Noon, si Monina, ngayon ay si Sarah.
Pero ako, kailangan ko si Trent. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa na wala siya.
Yinakap ko ang mga tuhod ko at ibinuhos ang mga luha ko.
Nang sa palagay ko ay wala nang mailabas pa ang mga mata ko ay lumabas na ako ng kwarto.
DUmeretso na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Nagbabakasakali din ako na uuwi si Trent ngayong umaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang biglang nakaramdam ako ng hilo. Ilang araw na rin akong ganito. Marahil ay dahil lagi kaming pagod ni Trent at baka dahil kulang ako sa tulog. Pinatay ko na muna ang kalan at umupo sa upuan. Hindi ako mapakali dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa sarili ko.
Bigla na lamang akong tumayo at nagmamadaling sumuka sa lababo. Hindi kaya sa sobrang stress ko ay nagkakasakit na ako? Nagmumog ako at naghilamos. Nanghihinang napabalik ako sa upuan.
Pakiramdam ko ay patang-pata ang katawan ko. Nanlalambot ako.
Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong hilahin ang katawan ko papasok sa kwarto ni Trent nang tumunog ang cellphone ko. Humiga muna ako sa kama bago sagutin ang tawag.
(Ali) nasa tinig ni Misha ang lungkot.
"Mish" napangiti ako. Na-miss ko ang best friend ko.
(Kumusta ka naman?) tanong niya.
"Not fine" pag-amin ko. Sa tingin ko kasi ay kailangan ko na ng mapagsasabihan ng problema ko.
(You're with Trent, aren't you?) halata sa boses niya na naiirita siya.
"I want to tell you a story" malumanay na sabi ko sa kanya.
(Spill it out) sabi niya.
BINABASA MO ANG
Devoted Hearts (EDITING!!!)
Algemene fictieCan love cover all the misdoings? Hearts' Series 1