Alisso's POV
Matapos naming magkwentuhan ni Misha ay nagpasya ako na umuwi na lamang muna sa bahay ko. Mas mararamdaman ko lamang ang pag-iisa kapag sa bahay ni Trent ako tumuloy. Masakit kasi na wala naman akong uuwian doon.
Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sa amin? Hindi ba sapat na mahal namin ang isa't isa? Bakit ba kailangang may humadlang at sumira sa amin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng mga nangyari noon para hayaan namang kaming lumigaya ngayon? Hindi pa ba sapata ang lahat ng napagdaanan namin para mapatunayan ang pagmamahalan namin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pagsisisi?
Matamlay na umupo na lamang ako sa wooden settee sa may balcony ng kwarto ko. I was holding a mug of a hot chocolate.
Naaalala ko noon, kapag hindi ako makatulog ay palagi akong ginagawan ni Trent ng hot chocolate at tatambay kami sa may bintana ng kwarto para tumanaw sa mga bituin. Yayakapin niya ako mula sa likod at magha-hum hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Mapait na napangiti na lamang ako. I'll give up everything just to have those times again. My days with Trent were the happiest days of my life. No amount of money or success can satisfy that.
Malungkot na tumingala ako sa langit. I start humming a song, Bluer than Blue.
Napatingin ako sa lamesita nang tumunog ang telepono ko. Pinahid ko na muna ang naglandas na luha sa aking pisngi bago ko sinagot ang tawag, ni hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag.
"Hello?" matamlay na sagot ko. Hindi ko na din napigilan na dugtungan iyon ng pagsinghot.
(Loves) there's a hint of concern in his voice.
Hindi ko alam, pero mas naiyak pa ako nang marinig ko ang boses niya at ang endearment niya.
(Where are you? Nandito ako sa bahay pero hindi naman kita nadatnan dito. Nasaan ka ba?) walang bahid ng pagsusumbat ang boses niya, bagkus ay puno pa ito ng lambing
"I'm here at my house" sagot ko sa tanong niya. "I love you, Trent. I love you so much" puno ng pagsusumamo na sabi ko
(I love you too) I can imagine his smile. (I'll be there in a couple of minutes. I love you)
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at ibinaba na ang tawag. Alam niya kaya kung saan itong bahay ko?
Sinubukan kong tawagan siya pero wala namang sumasagot. Nagpasya ako na bumaba na muna sa sala at doon ko na lamang iintayin si Trent.
Maya-maya lamang ay nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan.
"Didang, pakibuksan ang gate kung si Trent ang nasa labas" tawag ko sa kasambahay.
"Opo, Ma'am" nagmamadaling tumungo na siya sa labas.
Inabangan ko na si Trent sa may pinto.
BINABASA MO ANG
Devoted Hearts (EDITING!!!)
General FictionCan love cover all the misdoings? Hearts' Series 1