Chapter 31

23.8K 364 20
                                    

Thanks for #34 in General Fiction

____________________________

Alisson's POV

These past few days ay laging mainit ang ulo ni Trent. Palagi siyang seryoso at kulang na lamang ay ibaon na niya ang sarili sa trabaho. Mula nang nag-dinner siya sa bahay ay nawala na ang playful at carefree side niya. 

Tulad ngayon, nagpunta ako sa apartment niya para makasama siya pero ni hindi niya ako pinapansin dahil abala siya sa harap ng laptop niya. Umupo na lamang ako sa harap niya sa lamesa at pinakatitigan siya. May mga stubbles na na tumutubo sa mukha niya. Malaki na din ang eyebags niya at halata sa mukha niya ang pagod at puyat. Biglang parang may kumurot sa puso ko sa kitsura niya. Nagtatampo ako sa kanya dahil parang wala na siyang oras sa akin, e mukhang kahit sa sarili niya wala na siyang oras. 

"Loves" mahinang tawag ko sa kanya.

Parang wala siyang narinig at nagpatuloy pa din sa pagtipa sa keyboard. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa panonood sa kanya. 

Nag-inat siya at ginagap ang batok niya. He looks really tired and spent.

Tumayo ako sa likod niya at sinimulang pisilin ang balikat niya hanggang sa bandang batok niya. Umungol naman siya at nakapikit na tumingala. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagmamasahe sa kanya.

Kawawa naman ang Trent ko, mukhang pagod na pagod.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang gagapin niya ang mga kamay ko. Dinala niya ang isang kamay ko sa bibig niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko. Pumihit siya paharap sa akin. Ginagap niya ang bewang ko at masuyong tumingala sa akin. 

"Sorry loves, nawawalan ako ng time sa'yo" there's an apology in his tone

I smiled sweet ly at him. Hinaplos ko ang mukha niya na may mga stubbles na. "I understand" masuyong sabi ko sa kanya. I bend down ang give him a quick peck on his lips.

He smiled sweetly. "Feeling ko na-recharge ako. Isa pa nga" request niya. Ah... I miss that playful Trent.

I gladly oblige. "You looks so busy. Day off na, nagtatrabaho ka pa, baka naman mahigitan mo na ang sweldo ng boss mo sa kaka-overtime mo" biro ko sa kanya

He heave a heavy sigh. "Hindi ko nga alam kung bakit tinatambakan nila ako ng isang-katutak ng trabaho" reklamo niya. He stood up and did a stretching. Nagtutunugan pa ang mga buto niya. "Hindi naman ako makareklamo kasi nagpapa-good shot ako for promotion" 

Hinaplos-haplos ko pa ang mukha niya. "I'll cook lunch for us. Work harder, my loving husband to be" kinindatan ko pa siya bago ako tumalikod at nagkalkal sa ref

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon