Alisson's POV
"I'm so sorry talaga, Loves" malambing na sabi ko kay Trent at hinaplos ko pa ang hita niya.
Saglit na nilingon niya ako at ibinalik din agad ang tingin sa daan. Ngumiti siya. "That's alright, tapos na din naman ang trabaho ko doon. Si Troy na ang bahala"
"Thank you" nakangiting sabi ko at dumukwang para halikan siya sa pisngi.
"Bakit ka nga ba biglang nagyayang umuwi?" tanong niya.
Ngumuso ako. "Naiirita ako sa mga bimbo na epal kay Troy! Parang gusto ko silang kalbuhin!" nanggigigil na sabi ko
I heard him chuckle. "Are you jealous?"
"No!" matinis na sagot ko. "Naiirita lang ako para kay Maine! Ang kapal ng mukha ng mga hitad na 'yun! Alam naman nila na nandoon ang asawa! At ang malanding kaibigan mo naman, hindi na nirespeto 'yung asawa niya kahit bilang tao na lamang sana! Sarap pasagasaan sa jetski!" naiiritang sabi ko
Humalakhak si Trent at tinigil ang sasakyan dahil sa red light. "Kalma ka lang, Loves. Si Maine nga kalmado lang e"
Napangiti ako nang matamis nang maalala kosi Maine. Hindi ko akalain na gagawin niya ang ginawa niya kanina. "Yeah" I softly said.
Bigla kong pinaling ang ulo ni Trent paharap sa akin at binigyan siya ng madiin na halik sa labi. Wala pa sana akong balak na paghiwalayin ang mga labi namin kung hindi lamang sana sa pagbusina ng mga sasakyan sa likod. Natatawang mabilis na hamalik si Trent sa akin bago pinaandar ang sasakyan.
Nilibang ko ang sarili ko sa pagtanaw sa labas ng bintana habang nakikipag-usap kay Trent. Halos dalawang oras na kaming bumabyahe.
"Loves, itigil mo ang kotse sa gilid. Doon sa may tindera" hinawakan ko pa ang kanang kamay niya
Hindi siya kumibo at itinigil ang sasakyan. "Gutom ka na?" takang tanong niya.Inirapan ko na lamang siya. Kakaubos lang kasi ng mga binili namin sa drive thru.
"Hindi, makikipag-chismisan lang ako sa tindera" sarcastic na sabi ko at nagbaba na ng bintana
"Ma'am bili na po kayo. Masarap po ito" nakangiting alok sa akin ng tindera.
Agad naman akong naglaway nang makita at maamoy ko ang tinda niya. "Magkano po lahat 'yan?" tanong ko sa kanya
"250 nalang po, Ma'am. Kunin niyo na po" magalang na sabi niya.
"Sige po, 'nay" nakangiting sabi ko sa kanya at kumuha ng 500 sa wallet ko.
"Ma'am wala po ba kayong barya?" nagkamot pa siya sa ulo
BINABASA MO ANG
Devoted Hearts (EDITING!!!)
General FictionCan love cover all the misdoings? Hearts' Series 1