Chapter 34

23.8K 360 32
                                    

Alisson's POV

"Sayang talaga, Trent. Sana sumama ka sa amin sa Palawan, edi sana hindi lutang ang isang babae noon" nanunuksong sabi ni Ate.

Nasa isang fine dining restaurant kami at kumakain ng dinner. Today isa Ate's birthday and she requested na mag-dinner kami together. Nasa tabi ko si Trent at katapat ko naman si Ate sa mesa, sa tabi naman ni Ate ay si Jack.

Ni hindi ko magawang tignan si Jack matapos ang nangyari. Kapag pumupunta siya sa bahay at nagkakataon na nandoon ako ay nagkukulong na lamang ako sa kwarto. Iniiwasan ko rin na mapag-isa kasama si Trent. Alam ko kasi na kapag napag-isa kami ay lalabas na naman ang kapilyuhan niya at hindi ko maiwasang matakot na malaman niya ang sikreto ko. 

Dalawang linggo na ang nakakaraan at mas lalo lamang lumalala ang takot ko. Kapag kasama ko si Trent ay pinipilit ko na umakto ng normal para hindi siya makahalata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Trent ang nangyari at hindi ko kayang harapin ang galit niya.

"Loves" untag sa akin ni Trent

"Ha?" gulat na baling ko sa kanya. Hindi ko napansin na nalunod na naman ako sa mga iniisip ko. Madalas na akong ganito at kahit sa trabaho ay nasisita na ako.

Tumawa si Ate. "Lutang ka na naman" asar niya sa akin. "Ang sabi ko, kailan ba kayo pwedeng magbakasyon, punta tayong Singapore" sinabi niya iyon sa paraan na parang nagpapaliwanag sa isang bata.

"Hindi ko alam. Kakabalik ko palang sa trabaho" sabi ko na lamang

"If you want, I can talk to your boss para payagan kang mag-leave" biglang sabi ni Jack. Napatingin ako sa kanya at nang makita na nakatingin siya sa akin ay nagbaba ako ng tingin. Sa puso ko ay may malaking galit ako sa kanya. Sinamantala niya ako, sinamantala niya ang kahinaan ko! Kahit pa sabihin na lalaki lamang siya na papatusin ang anumang nakahain sa harap niya dahil may pangangailangan siya, sana man lamang ay nirespeto niya ako, kahit hindi na lamang bilang kaibigan, kahit bilang babae na lamang at bilang tao!

"Don't boast about your connections" matabang sa sabi ni Trent.

"I'm not boasting anything here. I'm just suggesting. Ali is my friend ang I'll do what I can to help her" hindi ko nakikita ang mukha niya pero nasa tono niya ang pagyayabang, nasisiguro ko na nakangisi siya.

Tang*na lang niya! Help me?! Friend?! Fck him!

Gusto ko siyang sumbatan at sampalin,pero hindi ko magawa. Naduduwag kasi ako at ayokong saktan si Trent at si Ate. Nasabi na ni Ate sa akin na gusto niya si Jack. 

"I don't need it" sagot ko sa kanila para tumigil na sila. Birthday ito ni Ate at ayoko na masira dahil sa salpukan nilang dalawa. Hindi man napapansin ni Ate, pero kitang-kita ko at nararamdaman ko kung gaano nalang kung insultuhin ni Jack si Trent. 

Nagkibit-balikat lamang si Jack. Tumayo naman si Trent.

"Excuse me" he said in a serious tone.

"Sundan ko lang" paalam ko kay Ate. Tumango lamang siya.

"Loves" habol ko kay Trent. 

Lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinila ako sa garden ng restaurant. Tumayo kami sa harap ng fountain.

Mataman na tinitigan ko na muna si Trent. HIndi rin siya kumikibo at nakatingin lamang sa tubig. He look so handsome and manly in his mint green longsleeves rolled upto his elbows and black slacks. Mas mukhang mayaman pa nga siyang tignan kumpara kay Jack. Pino kung kumilos si Trent at kung hindi ko siya kilala ay iisipin ko na anak mayaman talaga. 

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon