Inakala nyo po ba si Caity yung inangkin ni Adri sa last chapter? Haha! Hindi po ganun, pagpatuloy nyo na lang po ang pagbabasa ❤
Caity's POV
Bakit ganun, parang may problema sa pagitan ni Adrian at Kheana? Huh! Problema naman nila yun, pero kaibigan ko si Kheana kaya I care for her. Ano kayang problema nila? Huh! Bakit ko ba pinoproblema yun, natutulad na ko kay concernañana girl (Rizalyn) eh.Then my phone ring.
Rizalyn calling...
"Hello?" sabi ko.
"Caity! Makakapunta ka ba ngayon dito?" bakit parang nagmamadali itong si Riza?
"Sige, kalma lang. Wait, nasan ka ba? At anong problema mo?"
"Nasa building kami ng 3rd year, dalian mo na!"
"Sige, wait nyo lang ako."
Pumunta agad ako sa building ng mga 3rd year. Nasa canteen kasi ako eh, alam na gutumin eh ^_^ Ang daming tao! Parang may concert.
OMG!"Kheana! Ano bang ginagawa mo jan? Magpapakamatay ka ba!?" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo pataas sa rooftop ng building.
Pagkarating ko dun, agad umalis sya sa kinatatayuan nya at lumapit sakin.
"Ano bang nakain mo at naisipan mong tumayo dun sa dulo ng rooftop?" tanong ko.
"Ayoko na! Bakit ba kasi magkaibigan yung dalawang yun eh." sabi nito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Di kita maintindihan."
"Tara na Caity, sa baba na lang natin pagusapan yan." yaya ni Liane.
Bumaba na kami at doon nagusap usap. Di ko talaga sya maintidihan! 'Bakit magkaibigan yung dalawang yun?' Anong ibig sabihin nun? Pinatahan muna namin si Kheana at tumahan naman sya. Pero kita sa mukha nya ang bakas ng kalungkutan na nararamdaman nya. Hindi naman 'to ganito, ngayon lang sya nag kaganyan. Ako pa naman ang inaasahan nitong mga ka-grupo ko. Tsk.
Tinext ko si Riza kasi di pa masyado OK si Kheana 'Uy! Anong nangyari?'
Agad naman syang nagreply 'Basta mahabang kwento. Maya ko na lang sabihin sayo, tatawagan kita.'
'Ngayon na!' reklamo at pagmamadali ko. Nang biglang umimik si Liane.
"Uy! Naka tulog na ang may problema." sabi nya. Mabuti nang nakatulog sya at least di na sya mag isip ng kung ano ano.
"Mabuti na yun para naman maka-pagpahinga na sya." sabi ko.
"Pwede ka ng maging nanay!" asar ni Riza.
"Prepare na talaga ako." -Liane
"Anong prepare ka jan? Di ka muna magaasawa, may mga kaifriends ka pang aasikasuhin." reklamo ko. Ang bata bata pa eh.
"Haha! Joke lang, syempre. You always be the first."
Pinahatid muna ni Mr. De Leon si Kheana sa bahay nila. Buti naman at meron si Liane ng mga no. ng driver at kasama namin sa bahay. Tinawagan agad nya yung no. at may sumagot naman. Pero bakit ganun, pumanget yung mukha ni Liane?
"Anong sabi?" tanong ko. Para bagayan sya, binigyan ko sya ng panget-look. Ang hirap magpangit pangitan ha, di lang talaga ako sanay.
"Ano ba yang itsura mo?" sabi nya sakin.
"Binabagayan lang kita, ang panget rin ng pagmumukha mo eh. O, ano na?"
"Hindi raw sya masusundo ni Kuya Troy, may pupuntahan daw kasi si Tita ngayon." explain nito.
BINABASA MO ANG
You're Still Mine
Teen Fiction"Kahit ilang babae na ang dumating sa buhay ko, di ko pa rin mapigilan na tumingin sayo." -Adrian Magka-away naging mag kaibigan. Magkaibigan naging best friends. Magbest friends naging partner. Pero saan sila magka-partner? Sa school lang ba o sa L...