Napa-isip talaga ako kung sino ba yung Robert na yun. Famous sya, sabi ni Ian. Pero bakit di ko sya kilala? Baka naman panget na famous sya? Haay! Ang bad ko.
Dumaan ako sa section ng Mr. Anti-patiko. Napadaan pala ako, di ko naman sinadya. Hinahanap ko kasi ngayon si Riza gawa ng magpaplano kami kung pano ayusin ang gulong sinimulan ni Adrian.
Sa labas ng room nila, may mga babaeng kung makatingin sakin ay wagas. Pero, ang naririnig kong pinag-uusapan nila ay ROBERT! Who's that boy named Robert? Ako lang ba ang di nakakakilala sa kanya?
"Best, papasok na ulit si Robert. I'm sure marami na naman syang patitiliing babae. At isa na ko dun." malanding sabi nung isang babae.
"Hay naku! I can't wait to see him." gaano ba ka-gwapo yun? At kung maka arte ang mga 'to, parang iisang lalaki lang sa mundo yung Robert na yun.
"Tumigil nga kayo, akin si Bert noh. Malalandi kayo! Pag wala si Robert, dun kayo lumalandi kay Adri." sabi naman ng isang babae. Malandi rin naman sya eh. Bwiset!
Binilisan ko na ang paglalakad at iniwan ang tatlong malalanding yun. Dahil sa pagmamadali, di ko alam may tao na pala sa harap ko at nabangga ako.
"Sorry! Di ko sinasadya." pagso-sorry ko. Pagkaharap ko... OMG! Ang gwapo nya!
"Tingin-tingin kasi sa dinadaanan." sabi nito. Nagulat ako ng biglang may sumigaw.
"Robert! I miss you!" rinig kong sigaw ng babae.
"Hoy miss! Tingin tingin sa susunod ha." sabi ni... Robert? Sya si Robert?
"Oo. What's your name?" to make sure lang.
"Tabi nga!" sabay tulak sakin ng babae.
"Bastos ka! Did you see, were talking. Kaya alis ka nga muna." sabi ni Robert. Haha! Pahiya naman yung babae. At ayun umalis.
"Grabe ka naman, na-miss ka lang nung babae--" putol na sabi ko sa kanya.
"Robert, Robert is my name. You?" kelangan ba talaga dito kami sa tapat ng room nila? Haist!
"Caitlyn Santiago. In short, Caity." with my big smile ko pa yun ah.
"Are you one in RiTlyAneNa Gwiyomi 04?" tanong nya. Wow! Alam nya.
"Yes. Bakit?" ngalay na ko, sa totoo lang.
"Gusto mo muna umupo?" nabasa nya isip ko? "Ngalay ka na di ba, punta muna tayo sa Canteen. If you want." dagdag pa nya.
"Hi-hindi na ay o-o o sige." ano ba yan, bat' ka ba nauutal?
Pagkapunta namin sa Canteen, agad nang nagtilian yung mga babae dun. Grabe, ako lang ba ang babae na di alam kung sino yung kasama kong FAMOUS ngayon? Hindi lang din naman sigawan yung naririnig ko, meron din namang mga bubuyog sa tabi tabi.
"Di ba si Caitlyn yan? Bakit nya kasama si Robert? Don't tell me, pagkatapos nya agawan si Kheana, si Robert naman."
"Girl, di naman ata papatol si Robert in that kind of girl noh."
"Yah, you're right."
Sarap pagsasampalin nitong mga chismozers na 'to ah. Kapal ng mukha! NBSB kaya ako.
"Wag mo nang patulan, chismis nga lang di ba, so it's not true." sabi ni Robert. "Upo na tayo." dagdag pa nya.
"OK." my short answer to him. As in putol.
Ang awkward ha He just only smiling and staring at me. At ako naman, ramdam ko yung pagba-blush ko. Sheet of paper! Ang pogi nya.
"I have a joke for you." nagulat naman ako. Ang awkward kaya tas bigla bigla na lang sya magsasalita.
BINABASA MO ANG
You're Still Mine
Teen Fiction"Kahit ilang babae na ang dumating sa buhay ko, di ko pa rin mapigilan na tumingin sayo." -Adrian Magka-away naging mag kaibigan. Magkaibigan naging best friends. Magbest friends naging partner. Pero saan sila magka-partner? Sa school lang ba o sa L...