Close agad kami? Parang nung una, tinanong ko lang yung pangalan nya tapos ngayon FRIEND na. Yung totoo?
Eto ako ngayon sa tapat ng room. Papasok na ako at...
"Why are you late Ms. Santiago? Nagdate pa ba kayo ni Robert?" hulaan nyo, sino yung nagbungad ng sermon sakin?
"It's not a date!" sagot ko.
"You may sit down now." sabi ni Ms. President namin. May konti naman akong galang sa mga teachers noh. Di ko sila kayang sigawan, like duh!
Finally! The class ends. Ka-boring! Puro AP (Araling Panlipunan/History) lang ang ni-lesson ni Sir. Pasabog na tuloy utak ko. Tanungin mo na ko sa Math, Biology, at English history kaya ko pa. Pero AP, naku aabutin ako ng siyam-siyam.
Paalis na sana ako nang building nang biglang may humigit sa braso ko.
"Hi Caity! Pauwi ka na ba?" si Robert pala.
"Ahh... oo. Bakit?"
"Gusto sana kita yayaing... mmhm... lumabas." huh?! Ano bang sinabi ng teacher nila at nagka-ganito 'to?
"May nasabi ba yung teacher nyo na... kakaiba at... nagyayaya ka ng ganyan? At ako pa ha. "
"Haha! Wala naman. Gusto ko lang kasi ng kasama--" pinutol ko ang pananalita nya at...
"Bakit ako? Eh ang daming babae na naghahangad sayo na makasama ka oh."
"Iba ka kasi, may sense of humor ka..." sabi nya. Ganon, clown ako? What the F!
"Ahh... sige. Pero treat mo ah. Ayoko rin ng naglalakad. " pag-iinarte ko. Akala mo naman kung sino eh.
"O sige ba." sabi nya na may galak.
Umalis na nga kami at hinihintay namin ngayon ang sasakyan nya. Nang biglang tumigil yung jeep sa harap namin, siguro akala sasakay kami.
"Ayan na yung sasakyan, sakay na." sabi nya. Jeep lang?! As in jeep lang talaga?
"A--ah ay--ayan na yung sasakyan natin?" sabi ko sa kanya. What the F! Seryoso ba sya?
"Ano ka ba, F na F ka pa jan sa utak mo eh. Hindi noh. Hinding hindi kita isasakay jan." hmmm.
"Anjan na yung sasakyan. Ano, sakay na." sabi nya. Wow! As in Wow! Ang ganda ng kotse nya! Parang bagong bili! "Sarado mo naman yang bunganga mo, mamaya hospital pa deretso natin nito eh." dagdag pa nya. Sira 'tong lalaking 'to. Pero ang ganda talaga with a color red pa ha.
"Ahh... sige. Nice car :)" sabi ko
Pagpasok ko... OMG! Ang ganda nya talaga! My sariling TV pa 'to ha, daig! Kotse pa lang, mukhang mayaman na mayaman na. Pano kaya kung makita ko bahay nito.
"Gusto mo makita?" tanong nya.
"Ahh... ah... Hindi na. Na kakainis ka! Mind reader!" sagot.
Pagkadating namin, agad akong ngumanga. It's a mysterious place! Ang ganda dito. Mas maganda pa 'to kaysa dun sa lugar ni Adrian. Ang ganda!
"Ano, tara na." sabi ni Robert
"Ang ganda naman dito. Treat mo ah, di ko pa naman dala ang pera ko." sabi ko. Ang gandang mall 'to.
"Syempre, basta para sayo ah."
"What do you mean para?" sabi ko.
"Tara na!" sabi nya. Luh! Ayaw sumagot.
Pumunta kami kahit saan. Naglaro pa nga kami sa Toms World. Grabe ha, ang galing nya. Ang dami naming ticket! So, bear yung kinlaim nya at binigay nya sakin. Ang cute nga eh.
BINABASA MO ANG
You're Still Mine
Teen Fiction"Kahit ilang babae na ang dumating sa buhay ko, di ko pa rin mapigilan na tumingin sayo." -Adrian Magka-away naging mag kaibigan. Magkaibigan naging best friends. Magbest friends naging partner. Pero saan sila magka-partner? Sa school lang ba o sa L...