[Dedicated to my classmates, nag enjoy talaga ako nung fieldtrip lalo na't kasama ko kayo ^_^]
Haaay! Nakakainis yung nangyari kagabi. Bat kasi ayaw magdahan dahan, pwede naman tumingin sa dinadaanan eh. Ahhh! Di ko talaga makakalimutan yun, saka hello! Sinama nya pa yung first kiss ko. Makapunta na nga lang sa room.
"Girl! San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap eh." -Liane
"Sa labas lang, nagpahangin." sabi ko.
"Eh ang lamig lamig dito, lalabas ka pa. Aircon kaya tayo." -Riza
"Iba yung hangin sa labas kaysa dito noh." -Me
Biglang dumating yung first teacher namin. Napaka laki ng ngiti, grabe hanggang tenga.
"Class! I have a good news." sabi ng teacher namin.
"Ano po yun?" sabi ng marami sa amin.
"Malapit na ang educational fieldtrip natin." habang namimigay ng brochure, siguro para sa fieldtrip.
"Ma'am, kelangan po ba kasama lahat?" sabi ng isa kong kaklse. Kelangan pa ba itanong yan? Kahit sino naman ata eh sasama.
"Bahala kayo kung gusto nyo edi sige sama kayo, kung ayaw nyo edi wag." own opinion naman pala eh.
"Girl! Sasama ka?" -Liane
"Syempre naman--" ay pinutol.
"Yeah! Kasama si Caitlyn!" yan, nag-umpisa na naman.
"Talaga Caitlyn, kasama ka? Sasama na rin ako." sabi ng isa kong kaklaseng lalaki. Aba, ngayon ko lang nalaman na may lihim na pagtingin pala 'to sakin. Choz!
"Kasama si Caitlyn? Tara sama na tayo." Ayoko na! Ititigil ko na 'to. Ano sumama lang ako sasama na rin lahat? Gano ba ko kaganda? Choz!
"Oh Caitlyn, kasama ka na ha. Naka lista ka na." Ohmaygaley! Late na akis.
"Akeii." mahinang sagot ko. Gosh! Anong gagawin ko? Nakakainis naman kasi si Liane eii, inuunahan ako.
"Hoy Liane! Tingnan mo nga ginawa mo, kasama na ko sa fieldtrip eh di dapat ako kasama." Nakakainis talaga.
"It's better girl, ngayon sabihin mo sakin 'bat ayaw mo sumama eh ang alam ko adventurous ka?" sabi nya. I know am I, but ayoko talaga.
"Kahit na, ayoko pa rin."
"Sabihin mo nga kung bakit? Saka alam mo ba pupuntahan natin?" ano nga ba?
"Basta, dahil dun kay Adrian o sa Mr. Anti-patiko group na yan. Saan nga ba?" sabi ko.
"Baliw! Sa Pampangga! Yung bagong bukas na park dun, yung may zip line, giant swing saka ano ano pang mga activities." shit of paper! Wow!
"Ano 'bat nanlaki yang mga mata mo saka isarado mo nga yang bibig mo, mapasukan pa yan ng langaw eh di ka pa maka punta." -Liane
"Serious!?" tanong ko. Sasama na ko, PROMISE!
"Oo nga, oh tingnan mo yung TV sa harap nakalagay oh Pampangga Sandbox--" Di ko na sya pinatapos, baka sabihin lahat yun.
"Oh my kremay! Sasama na ko!" Napasigaw ako nun dahilan ng pagtingin nila sakin.
"Kasama ka namam talaga ah." sabi ng isa kong kaklase.
"Sabi ko nga." sagot ko.
-
-
-
-
-
-
BINABASA MO ANG
You're Still Mine
Teen Fiction"Kahit ilang babae na ang dumating sa buhay ko, di ko pa rin mapigilan na tumingin sayo." -Adrian Magka-away naging mag kaibigan. Magkaibigan naging best friends. Magbest friends naging partner. Pero saan sila magka-partner? Sa school lang ba o sa L...