Ano ba yan, pati sina Liane di ako pinapansin. Ano ba talagang ginawa ko at bigla na lang nila ako nilayuan? Ang tagal na rin nung mangyari yun, pero hanggang ngayon di ko pa rin nalalaman kung bakit nagalit sila sakin.
Eto ako ngayon, mag-isa. Saan ako pupunta? Pag sa caféteria naman, nandun sila. Baka umalis pa sila doon ng dahil iniiwasan lang nila ako. Ayoko naman sa gymnasium, ang dami daming lalaki dun noh at malalanding sinisilayan yung mga crush nila. Hay! Dito na lang ba ako sa corridor? Tatayo at nganga na lang? Ewan!
Riza's POV
Kawawa naman si Caity, mag-isa sya ngayon na naglalakad sa corridor. Wala ata syang mapupuntahan ngayon.Tanaw na tanaw ko ang kalungkutan nya dito sa Caféteria. Salamin lang naman kasi 'to eh. Nami-miss ko na sya, pati yung kakulitan nya. Sya yung tipo ng babaeng walang arte sa sarili pero ang concious concious nya. Kalito! Bakit nya kasi ginawa yun? Gusto ko sya kausapin at lapitan.
"Uy, tara na!" sabi ni Kheana.
"Ah, mamaya na. Nasi-CR kasi ako eh. Mauna na kayo." pagkukunwari ng isang ako at sumilip sa labas.
"Ano ba yan? Kung kailan paalis na tayo saka ka magda-download." pag-iinarte ni Kheana. Nandun pa rin sya sa labas. Kung si Caity 'to, hihintayin pa ko nito.
"Edi mauna na kayo!" di naman pasigaw, malapit na.
"Tara na nga Liane!" pang-aaya nya kay Liane. Alam kong gusto pa ko samahan nitong si Liane eh, di nya lang talaga matiis 'tong si Kheana. Takot siguro masampal.
Hinintay ko sila na lumayo sa Caféteria. Hindi sila dumaan kung nasaan si Caity. Iniiwasan talaga nila si Caity.
Caity's POV
Bakit di nila kasama si Riza? Hay! Miss ko na si concernañana girl. Nakita ko na tumingin sakin si Liane. Mukhang ang lungkot nya at nag-aalala sya. Siguro nami-miss nya na rin ako? Hay! Ako naman 'tong si Assumera Queen. Maka punta na nga ng Caféteria, wala na naman sila dun.
Riza's POV
Patayo na sana ako sa inuupuan ko ng tumunog yung cellphone ko.
'Riza, gusto sana kita samahan jan kanina, kaso si Kheana hinahatak ako palagi. Sorry talaga. Nakita ko nga pala si Caity sa corridor, mukhang malungkot sya dahil iniiwasan natin sya. May atraso ba sya satin na pati tayo ay kailangan syang iwasan? Sige, manunuod daw kami ngayon ng practise ng basketball.' ganto talaga 'to, mahaba magtext. Kitams! Pati sya, nag-aalala na kay Caity. Saka, tama sya. Bakit kami iiwas sa kanya kung si Kheana lang ang nasaktan. Nang tumingin ako sa labas, wala na sya! Oooh gosh! Nang biglang nagbukas ang front gate ng Caféteria. Caity! Si Caity, yes! Tamang timing.
--------------------------
Caity's POV
Ang saya ko nang maka-usap ko si Riza nung friday. Ang masaklap nga lang, ang nakaka-bwiset na si Adrian. Bakit nya sinabi yun, kaya pala nagalit si Kheana sakin eh. Sabihin ba naman na KAMI NA! Sino namang maniniwala dun? Eh kahit nga bulate sa lupa aakalain na joke yun. Hay! Basta, alam ko na kung pano ma-aayos lahat ng 'to. Humanda kang Adrian ka.
Monday...
Iniiwasan pa rin nila ako. Pero alam ko, sinasamahan lang nila si Kheana dahil mahina ang loob nya. Pero kelangan ko rin naman ng kasama ah, siguro masyado malakas yung loob ko kaya ako yung nag-iisa ngayon.
Nasa labas ako ngayon, may activity kasi ang buong 3rd year sa subject naming Physical Education; part ng MAPEH pero more on focus kami dito dahil ang school na ito ay hinahanap ang abilidad sa pangangatawan na may angking kalakasan. Tapos rin naman ako sa activity na ginagawa nila Ian ngayon. Ang pogi talaga ni Ian, crush ko na sya. Sya ang gusto ko, hindi yung Adrian na yun. Speaking of Adrian, asan pala yun at mai-salvage na.
Naramdaman ko na may umakbay sakin. Sino naman 'tong halimaw na 'to at kung maka-akbay akala mo close. Ang bigat pa ng braso. Pangka-tingin ko... si King Epal Adrian! Ka-bwiset talaga 'tong araw na 'to!
Inalis ko kaagad ang braso nya at sinabing "Ang kapal ng mukha mo para akbayan ako!" kainis, nginingitian lang ako. May nakakatuwa ba sa sinabi ko?
"Cute mo talaga!" Walang dyok! Ano na bang nangyayari sa mundo ngayon!?
"Baliw! Ano bang nakain mo at may cute cute ka pang nalalaman?" ay oo nga pala, about dun sa sinabi nya kay Kheana. Bago pa sya mag-salita ay inunahan ko na sya. "Ikaw halimaw ka, ano yung pinagsasabi mo kay Kheana ha!? Nasampal tuloy ako ng pagkalakas lakas." habang pinipingot yung tenga nya.
"Aray! Grabe ka naman."
"Walang grabe grabe! Sagutin mo yung tanong ko." mabilis kong sagot.
"Sinabi ko sa kanya yun para matapos na ang lahat ng 'to." sabi nya habang hawak ang tenga nya. Mukhang nasaktan talaga sya sa pagpingot ko.
"Hindi natapos KEA! (King Epal Adrian)--" putol na naman. Ang haba ng King Epal Adrian na yun kaya naisipan kong paikiliin.
"KEA? What does it mean?"
"King Epal Adrian!!! Pa-epal ka kasi parati!" pasigaw ko sa kanya.
"Epal? Bakit naman?" ang daming satsat. Gusto lang siguro maiba yung topic.
"Iniiba mo pa yung usapan eh, sagutin mo na lang ang tanong ko!" pasigaw kong sabi.
"Bakit muna ako naging epal?" ang kulit din ng pagmumukha nito oh.
"Kasi kinuha mo yung FIRST KISS ko --" landyok!
"Di ko sinadya yun."
"Che! Tapos, lagi mo pinupuno yung inbox ko. Dapat ililibre kami ni Kheana nung araw na tinawag mo sya. Saka isa pa, SINABI MO KAY KHEANA NA TAYO NA!!!"
"Haha! Epal na ko nun? Saka sinabi ko yun kasi--" naputol ang pananalita nya ng nakita nya na nakatingin si Kheana saming dalawa. Mukha syang kontrabida sa mga palabas na napapanuod ko.
Nang umalis si Kheana na parang may galit pa, agad na kong nagsalita. "Tingnan mo, galit sya sakin! At kagagawan mo yun."
"Sawa nako!" maikling sagot nya. Sawa? As in kind of snake? Haha! Joke! Bakit naman sya magsasawa?
"Ano pinagsawaan mo dun?" biglang dumating sina Ian at Kevin. Mukhang excited na excited sila.
"Adri, dumating na si Robert!" sabi ni Ian. Sinong Robert? Mukhang familiar sya sakin ah.
"As in nandyan na?"
"Oo!" sagot ni Kevin. Sino ba yun?
"Teka teka! Sinong Robert?" singit ko.
"Haha! Famous sya, mas kilala sya samin. Di mo ba sya kilala?" sabi ni Ian. Robert...
"Tatanungin ko ba naman kung alam ko." ah! Di ko matigilan ang pagiging sarcastic ko, crush ko pa naman ang kaharap ko.
"Tara na, baka hanapin tayo ni Robert nyan." paga-aya ni Jeremy.
Umalis na sila at iniwan ako mag-isa. Ang babastos talaga. Kaines!
Robert? Sino ba sya? Familiar na famiar talaga sya sakin.
Sorry po sa napaka tagal kong paga-update. Exam po kasi!
#You'reStillMine-Robert
BINABASA MO ANG
You're Still Mine
Teen Fiction"Kahit ilang babae na ang dumating sa buhay ko, di ko pa rin mapigilan na tumingin sayo." -Adrian Magka-away naging mag kaibigan. Magkaibigan naging best friends. Magbest friends naging partner. Pero saan sila magka-partner? Sa school lang ba o sa L...