Mga sandali lang, bigla nyang nilagay ang mga buhok ko malapit sa tenga ko at isinabit doon. Anong nangyayari? Tapos, yung kamay nya pababa ng pababa hanggang dumating sa baba ko. Grabe! Then, tinitigan nya ko... at... at..."May dumi ka sa baba." boom! Kala ko 2nd kiss ko na eh. Hay! Assumera queen talaga ako.
"Ano ka ba. Kailangan talaga ganunin pa yung buhok ko? Dapat sinabi mo na lang." sabi ko sa kanya habang ina-act ang paglagay ng buhok sa may likod ng tenga.
"Haha! By the way, who is your first kiss?" luh! Bakit nya natanong yun?
"Ahh... magdrive ka na, papagalitan na ako eh." sabi ko.
"Eh sino muna." ang kulit din nito eh.
"Don't be surprise ha.""Kilala ko ba sya?" -Robert
"Actually, he is your friend."
"What? Sino?"
"Si... Adrian."
"Yung Adrian na yun? Serious?" sabi nya.
"Eh bakit ba, accident lang naman yun eh. Pano ba naman, ayaw magdahan-dahan sa daanan." sabi ko. Bakit, totoo naman eh.
"Akala ko, ginusto mo eh."
"Hindi ah." sabi ko sa kanya. Sino namang gugustuhin na mahalikan na lang basta basta ng lalaki noh. Kinuha pa first kiss ko.
"Oo na, nagagalit." sabi nito.
"Hindi ah, magdrive ka na nga."
Nagdrive na nga sya. At ako? Eto, nakikinig ng music. Ano pa ba pakikinggan ko, eh 5sos fan nga ako. Edi EP Unplugged lang. Hmm...
"Share naman jan." sabi ni Robert. Siguro nabo-boring na sya sa pagda-drive.
"Sige, pero sabayan mo ha." haha! Another trip.
"Wag na, baka sumakit tenga mo."
"Sige, ikaw may sabi eh." sagot ko sa kanya. Nginitian lang ako. Wow! Paksheet! Ang pogi nya talaga! Baka ma-inlove ako dito sa bestfriend.
"Remember, I am a mind reader! Inlove pala ha." sabi nya. Ay! Oo nga pala! Ka-inis naman oh.
"Wa-wa-wala, ikaw lang ba bestfriend ko?" ano ba yan Caity, bakit ka nauutal?
"Sus! Kunwari pa. Aminin mo, gwapo ko noh?"
"Mababangga tayo nyan." palusot dot com ko naman.
"Oo meaning nun."
At ayun, nahatid na rin ako sa wakas. At pagka pasok ko sa bahay...
"Caitlyn, who's that guy?" my mom said. Salamat naman, wala ng mind reader.
"Bestfriend ko, si Robert. Nagyaya kasi sya. Look, binigyan pa nga nya ako ng bestfriend bracelet eh."
"OK, bilisan mo ng mag bihis at kakain pa tayo."
Umakyat na nga ako sa kwarto ko at hinihintay mapuno yung bathtub ko. Habang nakahiga sa kama, naisipan kong tingnan ang cellphone ko. At, OMG! I got 52 messages! At alam na kung sino ang nagtext, si Adrian.
Naligo muna ako bago ko basahin ang messages ni KEA. Kainis! Full na naman ang conve ko.
"Caitlyn!" rinig kong sigaw sa baba. Siguro kakain na. Hay!
"Bababa na." sigaw ko rin.
Nang biglang nagring ang phone ko at tiningnan kung sino yung tumawag.
"Hello?" tanong ko.
"Hi bestfriend! How are you? Wag ka nang kumain ng dinner ha, kumain na tayo." si Robert? But how did he get my number?
"Robert, saan mo nakuha number ko?" sabi ko sa kanya.
"Kinuha ko, kay Adrian. OK ba? Sige maya na lang ulit. Don't eat dinner ha, you will be fat. Bye!"
Kinuha nya number ko? O well, wala namang masama dun. Saka, oo nga pala kumain na kami kanina.
"Caitlyn Jave Santiago!!!" rinig kong sigaw sa baba. Grabe naman, whole name ko talaga.
"Eto na po!!!" sigaw ko.
Pagkababa ko, nandun na sila Mama sa dinning room while si Ate, hinihimas-himas nya yung leeg nya. Pano ba naman, sigaw ng sigaw.
"Caitlyn, kain na." sabi sakin ni Mama.
"Di na po, nilibre po kasi ako ng BF ko sa mall kanina."
"Ate, you already have a boyfriend?" sabi sakin ng kapatid ko.
"Wala ah! BF means bestfriend. Not all BF means boyfriend."
"Sit down here. May pag-uusapan tayo." huh? Ano na naman ba yun?
"Sabi na nga Bestfriend yun, di boyfriend."
"Bakit yun ba pag-uusapan natin?" habang nanlilisik pa ang mata ni Mama.
"Eto na." naupo na nga ako sa trono ko at nakipagusap kay Mama.
"Sabi ng teacher nyo, meron daw kayong Valentine's Ball..." pinutol ko ang pananalita ni Mama at sinabing...
"Di ako sasama!"
"Wala ka ng magagawa, dahil naka-usap ko na ang dean ng school mo na pag di ka umatend ia-absent nila ang attendance mo sa school.
"Ano ba naman yan." reklamo ko na lang. Gagawin na naman akong paniguradong barbie ni Mama. Heist! Yun yung ayoko eh.
Wala akong nagawa kundi ang pumayag na rin. Kaysa naman magkaroon ako ng absent sa attendance namin noh.
"Jave! Bumaba ka rito. May sasabihin ako sayo." shems! Ano na namna kaya yun?
Bumaba na nga ako gaya ng sabi ni Mama. Nakangiti sya na akala mo naman nakakita ng nakakatawang bagay.
Pagkababa ko...
"Anak, ang partner mo raw ay si--"
"Meron agad?! Ang bilis ah."
Pabitin pa moore! Sorry po sa late update.
BINABASA MO ANG
You're Still Mine
Novela Juvenil"Kahit ilang babae na ang dumating sa buhay ko, di ko pa rin mapigilan na tumingin sayo." -Adrian Magka-away naging mag kaibigan. Magkaibigan naging best friends. Magbest friends naging partner. Pero saan sila magka-partner? Sa school lang ba o sa L...