Kabanata 3:Anak Ng Alkalde

590 14 0
                                    

WALA paring reaksiyon ang binata "edi ano ngayon?" tanong nito "ayus lang na tawagin mo akong Maginoong manyak kasi hindi parin nito mawawala ang angkin kong kagwapohan"

"At sino may sabing gwapo ka?" tanong ng dalaga sabay pamiwang

"Ikaw"

"Huyy hindi ko sinabing gwapo ka!" giit niya

"Huyy ka rin! Oo hindi mo sinabi pero nakikita ko sa mga mata mo kanina. Yung mga titig mong halatang ipinagpapantasyahan ako at baka sa pantasya mo ay hinahalikan kita sa labi pababa sa leeg tapos papunta sa dibdi--"

"TAHIMIK!!" sigaw niya para maputol yung sasabihin ng binata. Nakakadiri na yung pinagsasabi nito at hindi na kaya inosenteng niyang tenga. "Nakakadiri kana kaya pwede ba tumahimik ka!" aniya

"Susss may 'kadiri-kadiri' pang nalalaman eh totoo naman yung mga sinasabi ko na pinagpanta-"

"Tumahimik ka sabi kung ayaw batukan kita diyan" pagbabanta ng dalaga pero hindi parin natitinag ang binata

"Weee..... Bakit kaya mo bang batukan ang kagaya kong gwapo?" tanong nito

"Oo kaya ko" matapang niyang sagot

"Edi woww!" sabi nito "Matapang ka talagang dilag kaya gusto na kita"

Biglang na estatwa naman si Zafira dahil sa sinabi ng binata sa kanya. Ano gusto siya nito? At bakit parang may naramdaman siyang kakaiba nung sinabihang may gusto ito sa kanya?

"At mukhang masarap ka kainin sa kama dahil lumalaban ka" dagdag nito na ikinabigla niya

Ano? Kainin sa kama? Napakabastos at manyak talaga ng lalaking nasa kanyang harapan. Malapit na talaga niya itong tadyakan pero pinipigilan niya lang dahil ayaw niyang gumawa ng eksena.

"Napakabas-" natigil yung pagsasalita niya dahil linagay ng binata yung hintuturo nito sa bibig niya

"Wag mo nang sayangin yung laway mo binibini dahil baka wala na kung sisipsipin mamayang gabi. At maghintay ka lang na tanungin kita ng 'Maaari mo bang ibuka ang iyong hita para sa akin binibini?'." malandi nitong saad sabay alis

Umuusok na ang tenga ni Zafira dahil sa inis at galit niya sa binata. Napakawalang hiya at bastos talaga nito! Napakamanyak pero maginoong tumindig! Ngayon, hindi talaga ang hitsura ang pagbabasihan ng ugali dahil may ibang nagtatago sa mala maginoong mukha at ayus pero ang totoo ay may kamanyakang pag-uugali. NAKAKADIRI!

Nang matapos siyang mandiri sa nakilala niyang maginoong manyak kanina, napagpasiyahan na niyang bumalik sa karuwahe dahil baka nakabalik na si aling  Tessie at ang kotsero at hinahanap na siya. Pagkabalik niya sa karuwahe ay wala parin ang dalawa kaya laking pasalamat niya. Dali-dali siyang sumakay sa karuwahe at pagkasakay niya eksaktong dumating yung dalawa. Huh! Muntik na ko dun ahh....

"Binibini, pasensya ka na kung natagalan ako" sabi ni Tessie

"Ayus lang po Aling Tessie" sabi niya sabay ngiti. Mabuti ngang natagalan kayo eh kasi lintik talaga ako pagnalaman niyong lumabas ako.

Nagsimula ng paandarin ng kotsero ang karuwahe at natitig si Zafira sa tindahan ng libro kung saan sila nagkasagutan ng maginoong manyak kanina. Sino kaya yun? Ano ang pangalan ng lalaking yun? Saan siya nakatira?  Yan ang nga tanong na bumabagabag sa dalaga.

Nakabalik na sila sa mansiyon pero yung lalaki parin ang laman ng kanyang isip. Ganon ang epekto sa kanya ng binata kaya naiinis siya. "Salamat po at pinasama niyo po ako sa pamamalengke aking Tessie."pagpapasalamat ng dalaga

"Walang anuman yun, binibini" saad ni Tessie sabay gawaran ng matamis na ngiti ang dalaga

Ngumiti rin si Zafira at bumalik na sa kanyang silid pahingahan kase baka makita pa siya ng inaama niya.

Nakangiting humiga sa kama ang dalaga dahil nakita niya ang palengke ng nayon at nakilala ang lalaking yun kahit manyak. Asaan na kaya ito ngayon? Yan ang tanong na kanina pa niya iniisip at napabalikwas siya ng biglang bumukas ang pinto. "Bumaba kana Zafira dahil kakain na tayo ng hapunan" sabi ng nanay niyang biglang pumasok

"Nay naman, hindi ba uso na kumatok sa inyo!? Halos himatayin na ko sa gulat nang pumasok kayo" reklamo niya

"Ay pasensya kana binibini. Sa susunod kakatok na ako" sabi nito

Ningitian niya lang ito at sabay silang lumabas  papuntang silid kainan. Pagkapasok niya sa silid kainan, nandon na ang kanyang inaama na walang reaksyon ang mukha na kumakain. Nararamdaman nito ang presensya nila kaya tumingin ito sa gawi niya. "Nasaan ka kanina?" tanong nito na ikinagulat ni Zafira at muntik na niyang mabitawan ang kutsarang hawak niya

Patay!!!

"Ahmm sa silid pahingahan lang po ako namalagi kanina" sagot niya at nagdadasal siyang maniwala ito sa kanya.

"Ahh ganon ba." saad nito sabay nguya ng pagkain "Hinanap kita kanina para maipakilala sa Alkalde ng bayan ng Dalaguete at ng anak nito pero wala ka"

Hay buti nalang sumama ako kasi hindi ko kayang makipagplastikan sa mga opisyalis

Tumango lang si Zafira at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos siyang kumain, dumiretso siya sa kanyang silid pahingahan at natulog.

Nagising si Zafira dahil sa malakas na katok. "Binibining Zafira! Gumising na po kayo! Pinapababa na po kayo ng inaama niyo!" sigaw nito mula sa labas ng kanyang silid

Bumangon siya at kinusot niya ang kanyang mata. Ang aga-aga naman para gisingin siya at ngayon lang siya pinapababa ng kanyang inaama. May kailangan ba ito sa kanya?

"Opo bababa na po!" balik na sigaw niya

"Bilisan mo binibini dahil nagagalit na iyong inaama!" saad nito sabay alis

Pagkarinig niyang nagagalit na ang kanyang inaama ay dali-dali siyang naghilamos at nagbihis. Kailangan niyang magmadali dahil baka magalit at sumbatan naman siya nito. Pagkatapos niyang makontento sa kanyang suot ay lumabas na siya at daling-dali pumunta sa kinaroroonan ng kanyang inaama. "Buti at nagmadali ka binibini" sabi ni Ginoong Mordred at pinagbuksan siya ng pinto ng salas

Nakita kaagad niya ang kanyang inaama na nakaupo sa sopa at may kausap na halatang isang Alkalde rin. Baka ito yung sinasabi ng inaama niya kahapon na Alkalde ng Dalaguete.

Biglang tumingin ang kanyang inaama niya sa kanya kaya lumapit siya rito. "Umupo ka inaanak" sabi ng kanyang inaama kaya umupo siya sa tabi nito

Hayy buti nalang at pormal na damit ang sinuot niya. "Bakit ngayon ka lang......" bulong ng inaama niya na may mahina pero matigas na tono

"Patawad po inaama.." hingi niya ng tawad

Tinanguan lang siya nito at nagpatuloy na nakipag-usap sa kaharap nilang Alkalde ng ibang bayan. "Leomore maari mo bang ipakilala sa akin ang iyong magandang inaanak?" tanong ng harap nilang alkalde

Tumango si Leomore at nilapag ang baso ng alak para pormal siyang maipakilala. "Siya si Zafira Hydra Luvdale, ang aking inaanak na anak ng pinakamatalik kong kaibigan" pagpapakilala nito sa kanya "Hydra, siya si Ginoong Beowolf Diell, ang Alkalde ng bayan ng Dalaguete"

Ngumiti siya sa naturang Alkalde at nakipagkamay "Nagagalak po kitang makilala" aniya

"Ako rin hija, nagagalak ko rin na makilala ka pero mas magagalak ang aking anak na maki-"

"Ama pasensya na at nahuli ako" singit ng pamilyar na boses sa likod niya at mukhang hinihingal pa

"Andito kana pala anak. Bakit ngayon ka lang?" tanong ng Alkalde sa kanyang anak na bagong dating

"Pasensya kana ama. May dinaanan lang po ako kaya nahuli ako ng dating" sagot nito

Pamilyar na pamilyar kay Zafira ang boses na kanyang nadidinig ngayon dahil hindi niya kayang kalimotan ang baritonong boses ng lalaking manyak na maginoo kahapon sa tindahan ng libro. Ayaw niyang lumingon sa likod dahil baka makilala siya nito at may masabi pang kamanyakan sa harap ng kanyang inaama at ang pinakamalala ay baka malaman ng kanyang inaama na lumabas siya sa mansiyon. Natatakot siya sa posibleng mangyari ngayon kaya halos himatayin siya sa kaba ng umupo ang lalaki sa harapan niya. Ngayon alam niyang tinititigan na siya nito mula ulo hanggang paa kaya patay na siya.....

Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon