Kabanata 12:Panganib

462 10 0
                                    

Isang linggo na ang nakaraan matapos sila mag-usap ni Sextans at matapos siraan nito si Yuan. Palagi itong umaaligid sa kanya lalo na pagkasama niya si Yuan. Naguguluhan na talaga siya sa sinabi nito tungkol kay Yuan para kasing totoo dahil madalas niyang nahuhuli ito na may nakakalaswang tingin sa kanya. Pero binalewala niya walang dahil alam niya at naniniwala siyang hindi ganoon si Yuan. Kaibigan niya ito kaya dapat niyang pagkatiwalaan.




Nandito siya ngayon sa kapiterya kasama si Stellia pero umalis na naman ito pagdating ni Yuan. Ano bang meron kay Yuan?

"Magandang umaga Zafira" bati nito

"Magandang umaga rin" aniya



Hindi na nagsalita si Yuan dahil nagsimula na itong kumain. Pagkatapos nilang kumain, dating gawi na naman. Sabay na naman silang pumunta sa kanilang silid-aralan at habang naglalakad sila sa pasilyo. Hinanap niya kaagad si Sextans kasi palagi niya itong nakikita ritong nakatingin ng masama sa kanila. Pero nakapagtataka dahil kahit anino ni Sextans hindi niya nakita ngayong araw. Baka pagod na itong umaligid sa kanya at baka napagtanto na nito na hindi masama si Yuan gaya ng pagtingin nito.


Nang makarating sila sa kanilang silid-aralan, umupo kaagad siya katabi si Stellia "Stellia bakit parati kang umiiwas kay Yuan? May problema ba?"


Tumingin sa malayo si Stellia bago sumagot "Ahmm w-wala naman..... Ahmm a-ayoko lang sa k-kanya" anito



Nagtaka si Zafira dahil sa pagkautal nito. Alam niyang may problema pero hindi niya nalang pinilit ito na umamin kasi baka personal. Habang nasa klase sila, tumingin siya kay Yuan at nahuli na naman niyang nakatingin ito sa kanya. Palagi nalang itong nakatingin sa kanya at habang tumatagal, naniniwala na siya kay Sextans pero piniligilan niya lang kasi kaibigan niya si Yuan. Binalik niya ang atensyon niya sa kanilang guro na nagtuturo ng asignaturang matematika.

Lumapas ang ilang oras at malapit ng magtakip-silim. Nasa kapiterya siya ngayon at si Yuan na naman ang kasama niyang kumakain ng hapunan. Palagi niya itong kasama ngayon samantalang si Sextans ay hindi niya nakita. Nag-aalala siya rito pero baka bisi ito sa mga babae nito. Nang matapos silang kumain, niyaya siya ni Yuan na ihatid sa kanyang dormitoryo. Sumang-ayon naman siya dahil malaki ang tiwala niya rito. Madilim na ang paligid dahil nagtago ang araw at ang munting ilaw sa gilid at buwan lang  ang nagsisilbing liwanag nila. Ang lamig ng simoy ng hangin at natumitindig ang balahibo niya sa tuwing dumadampi ito sa balat niya.


Sa gitna ng paglalakad nila sa labas bigla siyang hinatak ni Yuan sa kung saan "Saan tayo pupunta?" tanong niya


"Sa langit" sagot nito na ikinalito niya


"Ano!?"


"Basta huwag na nalang maingay" hinatak siya nito sa bandang gubat ng unibersidad


Alam niyang sa mga oras na ito, wala ng pumupunta rito at wala ng dumadaan kaya nagsimula na siyang kabahan. Tinulak siya ni Yuan sa likod ng malaking kahoy  at dinaganan.


"Ano ba Yuan! Umalis ka! Bitawan mo ko!" hiyaw niya



Nagbibingi-bingihan ito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "Tumahimik ka kasi dadalhin kita sa langit" anito

Nagsimula ng umiyak si Zafira ng halikan siya ng marahas sa leeg ni Yuan. Nagpupumiglas siya at nagmamakaawa na bitawan siya.


"Bitawan  mo nako. Pakiusap..." sabi niya sa gitna ng pag-iyak niya


Hindi nakinig sa kanya si Yuan at nagpatuloy ito sa ginagawang kalaswaan sa kanya. Napahagulhol nalang siya ng iyak dahil sa ginagawa ng kaibigan niyang pinagkatiwalaan niya. Hanggang biglang sumagi sa isip niya si Sextans. Tama ito.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon