Kabanata 9: Pag-aaral

456 8 0
                                    

GULAT PARIN si Zafira dahil sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na naghalikan na naman sila at hindi niya rin matanggap na wala na ito sa mansyon. Wala na ito at hindi niya alam kong makikita pa ba niya ito muli.

"Maghanda kayo! Paparating na ang alkalde!" sigaw ni Ginoong Mordred

Napabuntong hininga si Zafira ng makita niya ang karuwaheng sinasakyan ng inaama niya. Magiging miserable na naman ang buhay niya. May pekeng ngiti niyang sinalubong ang inaama niya. "Maligayang pagbabalik inaama" bati niya

Tumango lang ito at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa mansiyon ng hindi man siya tinatapunan ng tingin. Napabuntong hininga na naman siya. "Pagod lang ang iyong inaama, binibini" saad ni Ginoong Mordred nang mapansin nito ang pakikitungo ng kanyang inaama sa kanya

"Ibig bang sabihin, pagod siya parati kasi simula ng dumating ako rito ganyan na ang pakikitungo niya sakin. Pagod na rin ako. Pagod na ako sa pagiging malamig niya sakin. May kasalanan ba ako sa kanyan kaya ganyan siya sa akin?" aniya sabay alis

Pumunta siya sa kanyang silid-tulugan at  humilata sa kanyang malambot na kama. Bumalik na ang dating buhay niyang sa mansyon. Naging miserable na naman ang buhay niya. Kailan siya magiging ganito? Hanggang kailangan ang pamamalagi niya rito?

May kumatok sa pinto niya "Binibini pinapatawag po kayo ng Alkalde"

Bumuntong hininga siyang bumangon at bumababa. Pumunta siya sa salas at nakita niya ang kanyang inaama na nagbabasa ng mga papeles. "Pinatawag niyo po raw ako, inaama" saad niya

"Oo pinatawag kita kasi gusto kong pag-usapan natin ang pag-aaral mo" nagulat siya sa sinabi ng inaama

Papag-aralin ba siya nito? "Ano pong plano sa pag-aaral ko?"

Binitawan nito ang binabasang papeles at tumingin sa kanya "May unibersidad sa kabilang bayan at gusto kong mag-aral ka doon. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo para hindi kana dumipende sa akin. Maliwanag?"

"Opo. Pero kailangan po ako mag-aaral? Nagsimula na po kasi ang pasukan"

"Ngayon kaya mag-impake kana para maihatid na kita"

Tumango siya at dali-daling pumunta sa kanyang silid-tulugan at nag-impake. Abot hanggang tenga ang ngiti niya. Sa wakas makakaalis na siya sa puder ng inaama niya. May paglilibangan na rin siya at makakasalamuha na siya ng ibang tao. Nang matapos siyang mag-impake, bumaba na siya at linagay sa karuwahe ang kanyang gamit.

"Mamimiss ka namin, binibini" saad ni Aling Tessie at Ginoong Gawain

"Ako rin po. Mamimiss ko po kayo" saad niya

Naging mabuti ito sa kanya at andiyan ito sa panahong nag-iisa siya sa mansiyon. Nakakalungkot na maiiwan niya ito pero ayus lang kasi nasisiguro siya na makakabalik pa siya rito dahil ito na ang bagong tahanang uuwian niya at hindi niya na yun mababago.

"Sumakay ka na sa karuwahe" sabi ng inaama

Sumakay na siya sa karuwahe gaya ng sabi nito. Malungkot na masaya niyang nilisan ang mansiyon ng kanyang inaama. Masaya siya dahil nakaalis na siya sa puder ng mala demonyo niyang inaama at malungkot siya dahil maiiwan niya ang mga taong naging mabuti sa kanya sa loob ng mala impernong mansiyon na iyon.

Lumipas ang ilang oras, nakarating na sila sa bayan ng moonton. Malaki ang bayan na ito at mukhang malapit ng maging syudad at sa tingin niya maraming ding mayayaman na nakatira dito. Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang huminto ang karuwahe nila sa isang malaking paaralan. Malaki ang gusali nito at magarang tignan. Bumaba na sila at sinalubong ng isang may edad na lalaki.

"Maligayang pagdating sa Unibersidad ng Moonton, Ginoong Leomore" sabi ng lalaki

Tumango ang kanyang inaama at sinundan ang lalaki papasok sa loob. Maganda ang loob ng gusaling ito kasi may magagarang kagamitan at halatang pang mayaman.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon