Kabanata 7: Masarap Na Parusa

814 13 0
                                    

Masayang bumangon si Zafira sa kama dahil maganda ang kanyang pagkakatulog. May ngiti parin sa mga labi ng bumaba siya at sinulubong si Sextans. "Magandang umaga Sextans" imbis na tugunin ang pagbati niya, linagpasan lang siya nito na parang hindi nito naramdaman ang kanyang presensya

Nagtataka si Zafira sa inakto ng binata pero binalewala niya lang ito at naglakad papuntang silid-kinan. Natagpuan niya ito sa mesa na tahimik na kumain at ang seryoso ng mukha. Ano kayang nagyayari rito?

"Uyy anong ulam natin?" tanong niya pero hindi parin siya nito pinapansin

Kung hindi niya ako papansinin pwes hindi ko rin siya papansinin! Bahala siya sa buhay niya!

Umupo na ang dalaga sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain. Nang matapos siyang kumain, pumunta siya sa salas at inaliw-aliw ang sarili dahil nagkulong ang binata sa kanyang silid at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas. Habang komportableng nakaupo siya sa sopa, biglang dumaan si Sextans na dala-dala ang gamit nito. Nagtaka siya kaya sinundan niya ito.

"Sextans saan ka pupunta?"

"Sa emperno. Ano sama ka?" may nakakatakot na mukha ni Sextans ang tumingin sa kanya

"Galit ka ba?"

"Hindi" sagot nito na may malamig na tono

"Eh bakit ka ganyan? Kahapon ang saya-saya pa natin tapos ngayon kasing lamig ka ng yelo at nagliliyab na parang apoy ang galit mo"

"Kahapon yun hindi na ngayon" saad nito sabay sakay sa karuwahe

Naluluhang tinignan ni Zafira ang karuwaheng lulan si Sextans. Nagtataka siya kung bakit nagbago ugali nito at naging galit at malamig sa kanya. Sa pagkakaalam niya wala naman siyang ginawang masama rito ahh. Sabi pa nga nito na nadadagdagan ang masasayang alaala nito dahil sakin at masayang-sayang ito sa pamamasyal kahapon pero ngayon naging malamig at galit na. Ano kayang nangyayari rito?

Nang hindi na makita ang sinasakyang karuwahe ni Sextans, pumasok na siya sa loob ng mansyon at nagkulong sa kanyang silid-tulugan. Nagmukmuk siya doon hanggang maghapon at hindi siya kumain ng tanghalian.

"Binibining Zafira handa na po ang hapunan" sabi ni Ginoong Mordred sa labas ng kanyang kwarto

"Ayoko pong kumain"

"Kailangan niyo pong kumain dahil iyon ang bilin ng iyong inaama"

Hindi pinakinggan ni Zafira ang mga sinasabi ni Ginoong Mordred at tumakbo palabas sa mansyon. Dali-dali siyang pumunta sa labas at sumakay sa isang kabayo. Marunong siyang mangabayo dahil noong bata pa siya ay tinuruan siya ng ama na mangabayo. Pinatakbo niya ito sa walang direksyon hanggang makarating sa isang estranghorong lugar. Napahinto siya at napapatitig sa lugar. Puro mga nag-iinomang tao, nag-lalaro ng mga ilegal at may mga babaeng bayaran ang nasa lugar na ito. Anong lugar ito? Asaan ako?

Bumaba si Zafira sa kabayo at tinali niya ito sa isang kahoy. Naglakad siya palapit sa lugar at naglibot-libot.  Sa kanyang paglalakad, maraming tumitingin sa kanya at ang iba ay sumisipol pa. Nagsimula na siyang kabahan at matakot kaya napag-isipan niya na umalis na pero bigla siyang hinawakan sa braso ng isang lalaking lasing.

"Binibini, H-huwag ka m-munang umalis" saad ng lalaki sabay hila sa kanya

"Bitawan mo ko!!" pagpupumiglas niya

"Pasensya ka na binibini pero hindi pwede. Sayang naman kung papakawalan kita"

Napaiyak siya dahil marahas siyang hinila ng lalaki. Halos bumaon ang kuko nito sa braso kaya minsan napapahiyaw siya dahil sa sakit. "Bitawan mo na ako, pakiusap..."

Tinawanan lang siya ng lalaki at patuloy parin siyang hinihila papaasok sa isang parang bahay na puno ng nag-iinomang tao at may nakakaindayog na musika. Umiiyak siyang pinasok sa lugar na iyon ng lalaki at panay parin ang pagmamakaawa niyang pakawalan siya nito pero bingi ang lalaki sa mga pagmamakaawa niya.

NAKAKABINGI ang musika sa lugar kung asaan si Sextans ngayon at ang daming ding nag-iinoman pero sanay na siya dahil palagi siyang nandito kung wala ang ama niya. Umiinom siya ngayon kasama ang mga bwesit na gago na mga kaibigan niya. Maraming lumalapit na babae sa kanya pero pag hindi nakapasa sa pamantayan niya ay hindi niya pinapansin. May isang babaeng umiiyak na nakakuha sa pansin niya. Hindi niya maaninag ang mukha ng babae dahil kaunti lang ang ilaw kaya nilapitan niya. Lahat ng dugo niya pumunta sa ulo niya dahil sa galit ng kanyang nasilayan. Si Zafira hinahawakan ng lalaking lasing at ang mas lalong ikinagagalit niya ay nakikita niya ang mga luhang pumapatak sa pingi ng dalaga.

Dali-dali niyang pinuntahan si Zafira habang nakaigting ang panga. Hahawakan na sana ng lalaki ang mukha ng dalaga pero kinuha niya ito at binali kaya napahiyaw sa sakit ang lalaki. "Huwag mong hawakan ang dilag na mahahalintulad sa mamahaling hiyas, kung gusto mong masikatan ng araw" malamig pero matigas na saad niya

Pinangko niya na parang sako si Zafira palabas. "Bitawan mo ko!" sigaw nito kaya bigla niyang binitawan

Nahulog ito at tumingin ng masama sa kanya. "Bakit mo ko binitawan!"

"Ang sabi mo bitawan kita kaya ayan pero bakit galit ka pa rin? " may malamig na tono niyang tanong

Hindi ito umimik bagkus ay sumakay ito sa kabayo at mabilis na umalis. Napailing nalang siya Humanda ka sakin Zafira

DALI-DALING pumasok si Zafira sa mansyon" Saan ka pumunta, binibini?" nag-aalalang tanong ni Ginoong Mordred

Hindi niya sinagot ang tanong nito at nagmamadaling pumunta sa silid-pahingahan. Mabilis siyang pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay diretso siyang natulog.

Naalimpungatan si Zafira dahil may nakadagan sa kanya kaya binuksan niya ang mga mata at laking gulat niya ng masilayan niya ang nakangising mukha ni Sextans. Sumigaw siya ng malakas pero tinakpan ni Sextans ang bibig niya.

"Huwag kang maingay binibini" bulong nito na may nakakalanding tono

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Papatawan kita ng parusa binibini" bulong nito sabay kagat sa tenga niya

Halos tawagin ni Zafira lahat ng Santo dahil nadadala siya sa kalaswaang ginagawa ni Sextans sa katawan niya. "Maawa ka Sextans....... Itigil mo yan...." kinakapos siya ng hininga

"Sigurado kana ba sa mga sinasabi mo?" marahan na naman nitong kinagat ang tenga niya

Napapikit si Zafira dahil mga kakaibang init na nararamdaman niya. Hinalikan ng binata ang likod ng tenga niya at ang mga marahang halik ay pumunta sa leeg kaya napasinghap at napakapit siya sa leeg ng binata. Patuloy sa paghalik si Sextans sa leeg niya at palaging napapakagat labi siya tuwing lumalapat ang malalabot na labi ni Sextans sa leeg niya. Habang patagal ng patagal ay nakakaramdam na siya na may tumutusok sa puson niya.

"Ihihinto ko o ititigil?" tanong nito sa gitna ng paghalik nito sa leeg niya

Nagiging pasarap ng pasarap ang halik nito sa leeg niya kaya napapaungol ng mahina. "Huwag......" halos mawalan na sa sariling isip si Zafira dahil sa kakaibang pinaparamdam sa kanya ni Sextans

"Huwag?"tanong nito

" Huwag....... Mong itigil... " hindi na mapipigilan ni Zafira ang nararamdaman niyang init at pagnanasa sa kanyang katawan

Biglang huminto sa ginagawa si Sextans kaya nabalik siya katinuan. Nakaramdam siya ng pagkainis dahil sa pagkabitin.

"Mukhang nasiyahan ka binibini sa masarap kong parusa" anito sabay ngiti ng nakakaloko

Bigla siyang namula sa kahihiyan at pagkabigla. Nakaramdam din siya ng pagkabasa ng pagkababae niya. Hindi siya makapaniwala na ginawa nila yun.

Bakit ako bumigay? Anong gagawin ko?

*******

Anong maipapayo at masasabi niyo kay Zafira?

Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon