Tinaman ng sikat ng araw ang mukha ng dalaga kaya ito ay nagising. Bumangon ito at kinusot ang mata. Ito ang unang araw niya sa mansiyon ng kanyang istriktong inaama.
Sana maganda ang gising ni inaama para may masilayan akong ekspresyon sa kanyang mukha.
Naiinis si Zafira kapag nakikita niyang walang ekspresyon ang mukha ng kanyang inaama. Gusto niyang makitang ngumiti ito pero sa kanyang palagay, malabo itong mangyari.
Habang bumababa sa hagda nakita niya ang mayordomo "Maligayang umaga Ginoong Mordred. Nakita mo ba ang aking inaama?" tanong niya
Yumuko ang mayordomo bilang pagpapakita ng paggalang kay Zafira "Magandang umaga rin binibini. Nasa silid-kainan na ang iyong inaama" sagot nito
"Sigi pupuntahan ko muna siya" saad nito sabay takbo papuntang silid-kainan
"Binibini wag kang tumakbo kasi baka ikaw ay madapa dahil sa mahaba mong kasuotan" suway ng isang utusan sa dalaga
"Opo"saad ng dalaga sabay pasok sa silid-kainan. "Magandang umaga inaama!" bati nito
"Magandang umaga rin. Kumain kana."
"Umupo ka na binibini para makakain kana ng agahan" sabi ni Lhacerta
Tumungo ang dalaga at umupo. Kumuha na siya ng pagkain at nagsimulang kumain. "Hmmm ang sarap ng pagkain niyo dito Ginoong Leomore!" saad ni Lhacerta habang masayang kumakain "Ang sariwa pa ng mga sangkap at ng gatas ng baka"
"Ginang magiging masarap ang pagkain kapag mayroong katahimikan." seryosong saad nito
"Ahmm pasensya kana kung madaldal ako. Tunay na masarap lang ang inyong pagkain kaya hindi matikom-tikom ang aking bibig"
"Mawalang galang na pero pwede bang itikom mo ang iyong bunganga?!" mahinahon pero may diing pagkakasabi ng alkalde
Hindi pinansin ng dalaga ang nangyayari sa kanyang harapan sapagkat natitiyak siya na pagnakisawsaw pa siya ay malalagot din siya sa istrikto niyang inaama. Habang kumakain, nag-isip-isip si Zafira kung saan niya igugugul ang kanyang oras dito sa mansiyon. Gusto sana niyang pumunta sa bayan ngunit natitiyak siyang hindi siya papayagan ng kanyang inaama.
Bagot na bagot na nagbabasa ang dalaga sa silid-aklatan. Halos dalawang oras na siyang nandito at palagi nalang siyang nagbabasa ng aklat. Lumipas pa ang ilang oras nang makaramdam siya ng gutom. Pumunta siya sa silid-kainan pero walang pagkaing nakahain kasi isang oras pa bago magtanghalian kaya napagpasyahan niyang pumunta sa kusina. Pumasok siya sa kusina pero sinuyaw siya ng isang utusan "Binibini hindi po kayo pwede dito"
"Huh? Bakit naman po?" nagtatakang tanong ng dalaga
"Baka po nataksikan ng mantika o sangkap ang inyong kasuotan"
"Ahmm pumarito po ako kasi gusto ko sanang humingi ng pagkain" nahihiyang saad ng dalaga
"Ahh ganon ba? Halika ka rito at kumuha ng pagkain binibini."
"Maraming salamat, Ginoong?"
"Ginoong Gawain Sgriccia, binibini, ang punong kusinero ng mansiyon." sagot nito
"Nagagalak po kitang makilala Ginoong Gawain!" bati nito habang kumukuha ng pagkain
Talagang gutom na ang dalaga dahil kung makakain ito parang walang nang bukas "Hinay-hinay binibini kasi baka ikaw ay mabilaukan" sabi ni Gawain sa gutom na gutom na dalaga
Hindi nagpaawat sa pagkain si Zafira hanggang biglang pumasok ang alkalde sa kusina "Hydra! Bakit ka nandito?" tanong nito
"P-pumarito po ako para k-kumain, inaama" natakot na sagot nito sa galit na alkalde
"Sa susunod maghintay ka na sumapit ang tanghalian at huwag kang pumunta dito sa kusina. Maliwanag!?" utos nito
"Opo inaama. Pasensya na po kayo....." nalulungkot na saad ng dalaga sabay alis sa kusina
Lumipas ang isang linggo ng walang ibang ginagawa si Zafira kundi kumain, magbasa at matulog. Walang ka buhay-buhay ang buhay niya. Habang patagal nang patagal din ay lumalabas na ang tunay na ugali nito. Walang itong busilak na puso sapagkat mayroon itong hindi ka nais-nais na ugali. Tama talaga na habang tumatagal, lumalantad ang totoong ugali.
Bumaba na siya at pumunta sa silid-kainan para mag-agahan. Habang bumababa siya napansin niya na may ibang tao sa mansiyon. Pagkarating din niya sa silid-kainan, wala ang kanyang inaama. "Nanay may panauhin ba ang aking inaama?" tanong niya kay Lhacerta na kumakain
"Oo binibini at may sa tingin ko mga opisyalis iyang mga panauhin niya galing sa syudad ng Dalaguete" sagot nito "Umupo kana para kumain, binibini"
Tumango ang dalaga at sinaluhan si Lhacerta sa pagkain. Pagkatapos niyang kumain napagpasiyahan niya na pumunta sa kusina. Pinagbabawalan siya ng kanyang inaama na pumunta sa lugar na iyon pero natitiyak siyang hindi ito malalaman ng kanyang kanyang inaama dahil bisi ito sa mga panauhin. Pumasok ang dalaga sa kusina na may matamis na ngiti. "Magandang umaga sa inyo!" bati niya sa mga kusinerong naghahanda ng mga pagkain
"Dalhin niyo iyan sa salas. Ngayon na!" utos ng punong kusinero na si Ginoong Gawain "Ay nandiyan ka pala binibini!" nagulat ito ng makita ang binibini sa kanyang gilid "Bakit ka nandito? Hindi ba pinagbabawalan ka ng iyong inaama na pumarito?"
"Pwede po bang huwag niyong sabihin sa aking inaama na andito ako, Ginoong Gawain?" tanong nito "Nagmamakaawa po ako. Nababagot na ako sa silid-aklatan at sa aking silid-tulugan" pagmamakaawa nito
"Sigi pero huwag kang magtagal dito para hindi ka maabotan ng iyong inaama" saad nito na ikinasaya ng dalaga
"Maraming salamat Ginoong Gawain. Ipinapangako ko po na hindi ako magtatagal dito." masayang wika niya
"O sigi aalis na ako dahil dadalhin ko pa ang mga pagkaing ito sa mga panauhin" aniya sabay kuha sa pagkain at lumabas
Sobrang saya ng dalaga dahil may makakakuwentuhan na siya sa mansiyon. Wala kasi itong makausap dahil wala siyang pagkakataon na makausap ang mga ito. "Dito kayo umupo binibini" saad ng isang kusinera sa kanya
Pinaupo siya nito sa isang silya at binigyan ng prutas "Salamat"nangiting sabi ng dalaga "Anong pangalan niyo po?"
"Ako si Tessie Collins, binibini" sagot nito
"Nagagalak akong makilala ka Manang Tessie"
"Ako rin binibini" sabi ni Tessie "Tama pala ang kanilang sinasabi. Tunay ngang mahahalintulad ka sa isang diyosa binibini dahil sa iyong taglay na kagandahan" pagpupuri niya sa dalaga
Namula si Zafira dahil sa komplementaryo ni Tessie. Nasanay na ito sa samot saring komplementaryo ng mga tao sa kanya pero namumula parin siya dahil sa hiya. May ibang tao na lumalaki ang ulo dahil sa mga komplementaryo ng ibang tao pero si Zafira ay iba-nagpapakumbaba siya kanyang inaangking ganda.
Aligaga ang lahat sa paghahanda ng pagkain sa mga panauhin kaya naupo lang ang dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga nagluluto. "Binibini pwede bang magtanong?" tanong ni Tessie
"Opo. Ano po iyon?"
"Bakit po kayo lumipat sa mansiyon ng iyong inaama?" tanong ni Tessie
Bumuntong-hininga ang dalaga bago sumagot "Namatay po kasi ang mga magulang ko dahil sa aksidente at kay Ginoong Leomore na aking inaama ako hinabilin. Kahit labag po sa aking kalooban na iwan ang aming mansiyon, wala akong magawa." biglang nalungkot si Zafira dahil naalala niya ang kalbaryo ng kanyang buhay na sariwang-sariwa pa para sa kanya.
Napansin ni Tessie ang pagkalungkot ng dalaga kaya linapitan niya ito at hinawakan ang kamay."Huwag kang mag-alala binibini dahil andito kami at hindi ka nag-iisa" saad nito
"Salamat sa inyo kasi kahit hindi ninyo ako lubusang kilala ay dinamayan ninyo parin ako" pagpapasalamat ng dalaga
"Walang anuman binibini" saad ng mga kusinero
Ngumiti ang dalaga at nabigyan ng lakas loob na lumaban sa buhay. Nadagdagan ang tapang nito dahil sa suporta ng kanyang bagong kaibigan. Isang mapagkumbabang tao ang dalagita kaya lahat ng katulong o mahirap ay kanyang kinakaibigan at hindi siya namimili ng papansinin.
BINABASA MO ANG
Nagmahal Sa Maginoong Manyak
Roman d'amourHuwag nating gawing besahan ang panlabas na anyo ng tao dahil may mga taong may kaaya-ayang mukha pero masama ang ugali. Meron ding maginoong tignan pero may angking kamanyakan. Minsan nakakainis ang walang modo at manyak na lalaki na kalahi ni Ada...