Kabanata 6: Pamamasyal

512 13 0
                                    

"Nasaan tayo?" tanong ni Zafira habang linibot ng tingin ang kabuuang paligid


"Pasyalan" maikling sagot ni Sextans

"Oo alam ko pero anong lugar to?"

"Andito tayo sa lugar kung saan ako pinapasyal ni ina noon" umupo ito sa bakanteng upuan habang nakangiting tumitingin sa batang naglalaro

Nakaramdam ng lungkot ang dalaga dahil mukhang nangungulila sa isang ina ang binata "Gusto mo na bang masilayan ang iyong ina?"umupo siya sa tabi ni Sextans

Biglang napalitan ng galit ang mukha ni Sextans" Ayoko! Hindi ko gustong masilayan ang inang nang-iwan samin ni ama!"


"Sana hindi nalang ako nagtanong... Pasensiya..."

"Ayus lang! Tsaka na kalimutan ko na siya." ngumiti ito pero bakas parin sa mukha ang pagkalungkot "Ang sarap palitan ang mga alaala noon namin ni ina"

"Hindi mo na yun mapapalitan, Sextans kasi nakaraan mo iyon at naging parte yun ng buhay mo kaya hindi mo yun mabubura. Pero pwede mong dagdagan yun kasama ang ibang tao"

NAPATITIG si Sextans kay Zafira dahil mga sinabi nito. Ito pa kasi ang unang babaeng dinala niya at pinasyal dahil lahat ng babaeng naging nobya niya ay hanggang kama lang. Si Zafira lang talaga ang nakasama niya ng matagal-tagal at ito lang sinabihan niya tungkol sa walang hiya niyang ina. Kinamumuhian niya talaga ang ina simula noong iwan siya nito. Iyong akala niya hindi mang-iiwan sa kanya ay iniwan siya ng wala pa talagang pasabi kung saan pupunta at sabi ng kanyang ama na sumama  raw ito sa ibang lalaki kaya bilang gante, nagpapaiyak siya ng mga babae at nang-iiwan din.

"Huyy nakikinig ka ba?" Biglang tanong ni Zafira

"Anong sabi mo?" hindi niya na malayan yung sinabi ng dalaga dahil sa pagkatulala

"Sabi ko! Hindi natin papalitan yung mga alaala ng ina mo pero dadagdagan natin yun ngayon!" sigaw nito

Napangiti siya dahil sa narinig. Bakit ako napangiti?

Bakit parang masaya siya plano ng dalaga? Pano naman nila ito dadagdagan?

"Ano Tara?" naglahad ng kamay si Zafira at tinanggap niya ito kaya tumakbo sila sa palaruan na magkahawak ang kamay


"Magandang umaga mga bata" bati ni Zafira sa mga bata nang makarating sila sa palaruan "Gusto niyo bang maglaro?" tanong nito

"Opo" sagot ng mga bata

"Sigi maglaro tayo ng habulan at si Kuya Sextans ang taya" anito sabay takbo

"Ang daya!" reklamo niya sabay habol kay Zafira na tumatawang tumatakbo



Hinabol niya ang dalaga at madali niya itong nahuli dahil mabagal itong tumakbo. Nang si Zafira na ang taya ay ang mga bata na naman yun hinabol nito na mabagal ding tumakbo kaya madali lang nitong nahuli. Ang  daya maglaro ng Binibining ito sabi niya sa isip niya sabay tawa

Nagpahuli siya sa batang taya at natutuwang hinabol ang dalaga. "Ang daya mo!" giit nito

"Ikaw yung madaya" sabi niya at may naisip siyang gawin


Nagtago siya isang kahoy na malapit kay Zafira para hindi siya makita nito. "Asan na yun?" tanong ng dalaga habang hinahanap siya

Pinipigilan niyang matawa at nang makatyempo ay niyakap niya ang likod ng dalaga "Huli ka......" pabulong niyang saad sa tenga ni Zafira at nahalata niyang natigilan ito



"S-sinong gustong k-kumain?" nauutal na tanong nito sa mga bata sabay kalas sa pagkakayakap niya


Napahinto rin si Sextans dahil biglang bumilis yung tibok ng puso niya sa hindi malamang kadahilanan.

Anong nangyayari sa puso ko? May sakit ba ako sa puso? May altra-presyon ba ko?


HALOS HINDI makahinga si Zafira kanina dahil sa kaba at kilig na nararamdaman. Mabuti nalang dumaan yung nagtitinda ng surbetes kasi pag wala ito baka nahimatay na siya.

Kumakain ang mga bata ng surbetes nang biglang sumulpot si Sextans "Pahingi...." namamakaawang saad nito

"Bumili ka ng sayo" iniripan niya ito

"Ang sama mo naman... Pero ayus lang dahil mas masarap akong dilaan kaysa sa surbetes"

Halos mabilaokan siya dahil sa sinabi ng binata kaya hinampas niya ito sa braso. "Arayyy!! Bakit totoo naman ahh!" anito

"Hay iwan ko sayo! Ang bastos mo talaga" aniya


Hindi siya pinakinggan ito, sa halip ay grinupo niya yung mga bata sa dalawa "Ohh magkagrupo kayo at iyong binibining mahal ako tapos tayo naman ang kagrupo" anito sa mga bata

"Huyy hindi kita mahal!"giit niya

" Talaga? Eh bakit sabi mo kanina sa karuwahe 'mahal mo ko'?"

"Ayieeeee" pangungutya ng mga bata

Grrrrhhh ang sarap turusin ng mga bata to!!




"Ano na namang lalaruin natin?" tanong niya

"Patentero" anito sabay guhit sa lupa ng parihaba at hinati sa tatlo



"Kami ang una!" sigaw niya

"Ang daya! Bato Bato pic muna" anito kaya nagbato Bato pic silang dalawa


Bato ang kay Sextans at gunting naman sa kanya kaya talo sila at ang grupo nila Sextans ang panalo. Pumwesto na sila at nag simula na silang magpatentero. Nahuli yung mga kasama ni Sextans at ito nalang ang natira. Nasa lugar na ito ni Zafira at pagnakalampas ito ay may isang puntos na ang grupo nito kaya ginawa niya ang lahat mahuli lang si Sextans. At dahil maswerte siya ay nahuli niya ito kaya nagtatalon at nilabas niya yung dila niya sabay sabing booo na parang batang nang-iinis. Sa halip na mainis ay tumawa ng pagkalakas-lakas si Sextans dahil sa mukha ng dalagang hindi maipinta.

Marami silang nilaro gaya ng tumbang preso, tagutaguan, sili-sili at iba pa kaya pagod na umupo silang dalawa sa dampasigan na malapit lang sa pinaglaruan nila. Nakaupo sila sa buhangin habang kumain ng kendi at kay Sextans ay lollipop. Natatawang pinag-uusapan nila yung laro nila kanina at nabulunan siya dahil sa kakatawa at tumulo yung laway ni Sextans dahil sa kakatawa na parang wala nang bukas.


"Tignan mo! Takip silim na!" sigaw niya sabay turo sa papalubog na araw

Pinagmasdan nila pareho ang paglubog ng araw hanggang sa magdilim ang kalangitan dahil wala na ang araw na nagbibigay liwanag dito. Isang ngiti ang gumuhit sa mukha ni Zafira at ngayon lang siya naging masaya simula noong namatay yung magulang niya.

"Ang saya ng araw na ito at ang saya......... ko" biglang sabi ni Sextans habang nakangiti at nakatingin parin sa kalangitan


"Ako rin...."

"Salamat.." anito

"Saan?"

"Sa lahat-lahat at samalat dahil dinagdagan mo yung mga masasayang alaala ko sa buhay"sagot nito sabay nangiting tumingin sa kanya


Halos ma tunaw siya sa titig ng binata" Tara uwi na tayo" aniya

Sumang-ayon naman ang binata kaya umuwi na sila

Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon