Kabanata 11: Selos O Nag-aalala?

452 9 0
                                    

Lutang si Zafira habang naglalakad sa pasilyo papunta sa kanyang dormitoryo. Tapos na ang klase pero hindi parin siya tapos kakaisip sa mga huling salitang binitawan ni Sextans kaninang umaga. Hindi niya talaga maintindihan ang mga sinasabi nito at litong-lito na siya.


Habang naglalakad siya, nakasalubong niya si Sextans na may kasamang ibang babae at kung makakapit ang babaeng linta sa braso nito, parang may baha. Nakaramdam siya ng magkainis sa babaeng haliparot at gustong niyang sabunutan ito. Nagtinginan ang lahat dito at yung babaeng linta, mukhang ipinagmamalaki pa niya na ginawa siyang pampalipas oras sa bwesit na si Sextans. Masakit. Parang piniga ang puso niya ng tignan ang binata. Wala itong ekspresyon sa mukha at hindi siya tinapunan ng tingin. Gustong-gusto ng tumulo ng luha niya habang tinitignan ito pero pinigilan niya dahil ito naman ang ginusto niya diba? Ang layuan si Sextans? Nang makalampas na ito, pinilit niya ang ulo niya na hindi lumingon. Dapat maging matatag siya at dapat utak ang ipairal niya, hindi ang puso niyang walang ibang gawin kundi magpaiyak.



Pumunta na siya sa dormitoryo niya at diretsong natulog.


Mahirap iwasan ang isang tao lalo na kapag nasa isang lugar lang kayo. Parati kayong nagkikita at mas malala pa kapagparati mo siyang nakikitang may kasamang iba pero dapat magbulag-bulagan si Zafira at dapat sanayin niya ang sarili niya na hindi maapektohan. Noong una, hindi talaga niya maiwasan na umiyak ng patago pero habang tumatagal nawawala na ang sakit. Oo inaamin niya na meron pa pero kunti nalang at kinakaya na niya. Kaya na niyang makita na may kalandian itong iba at kaya  niya ng may iba iba itong babae. Na kaya niya na dahil halos tatlong buwan niya ito palaging nasaksihan. Una masakit pero nong nasanay na siya, natuto na siyang hindi pansinin ito at nagpapasalamat siya don.


Nasa parke siya ng unibersidad ngayon. Kasama niya sina Stellia at Yuan. Sumama siya rito dahil gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin dito sa labas. Usap, tawa at kain lang palagi nilang ginagawa hanggang sa nagpaalam si Stellia na pupunta sa silid-aklatan dahil may gagawing proyekto kaya ang nangyari, silang dalawa ni Yuan ang naiwan.




"May tanong ako sayo" anito


Tumingin siya rito "Ano yun?"



"May napupusuan ka na ba?" napahinto siya sa tanong nito at bigla niyang naisip si Sextans pero binura niya kaagad sa isip niya




"Oo meron pero noon pa yun" aniya


"Si Sextans ba?"




"Oo pero noon yun hindi na ngayon dahil ayoko kong ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong walang gusto sakin"


Tinanguan lang siya nito pero halata sa mukha ni Yuan na hindi ito naniniwala sa kanya. Totoo naman ang sinabi niya. Ayaw niya na talaga rito at hindi na yun magbabago.



"Kailangan ko ng umalis kasi may tatapusin pa akong takdang aralin. Ihahatid nalang kita sa dormitoryo mo. Pasensya ka na talaga" anito



"Sigi mauna kana. Ayus lang naman ako rito tsaka kaya ko namang umuwi"




"Sigurado kaba?" tinanguan niya ito sabay ngiti "Kung sa ganon, mauna nako. Paalam. Mag-ingat ka"



"Mag-ingat ka rin tsaka paalam" aniya



Umalis na si Yuan kaya siya nalang mag-isa. Marami namang estudyante rito kaya ayus lang sa kanya. Aaliwin niya nalang ang sarili niya mag-isa. Sa gitna ng pag-iisa niya, biglang umupo sa harapan niya si Sextans.



"Anong kailangan mo?" mataray niyang tanong



"Nagbago kana talaga" anito



"Ano ngayon kung nagbago na ko? "



"Hindi ka naman ganyan dati ahh. Hindi ka naman pumapatol sa mukhang kuko" ang tinutukoy nito ay si Yuan



Nainis siya rito "Alam mo mas mabuti pang umalis ka na kung panglalait lang naman ang gagawin mo" aniya "Tsaka mas mabuti pa si Yuan kaysa sayo kasi si Yuan hindi mababa ang tingin sakin"




"Ahh.... Ibig sabihin gusto mo yung gago na yun?"



"Una, hindi siya gago dahil ikaw ang gago. Pangalawa, hindi ko siya gusto at magkaibigan lang kami. At pangatlo, mawalang galang na, pwede bang umalis kana. Sinisira mo kasi ang araw ko" aniya


"Sa makatuwid, tinatakwil mo ako ngayon?"




"Oo. Tinatakwil kita pero sino bang dahilan ng pagtatakwil ko ngayon sayo? Hindi ba ikaw lang naman din?" galit na siya rito at naiinis na siya "Kung hindi mo pinamukha sakin kung gaano ako kababa para sayo, hindi sana kita itatakwil!"





Tumawa lang ito "Ngayon kasalanan ko pa?! Kung hindi kapa sana lumapit sa manyak na lalaking yun, hindi sana magiging mababa ang pagtingin ko sayo"




"Talaga? Makapagsabi kang manyak wagas ahh! Bakit ikaw hindi manyak?"



"Oo manyak pero maginoo hindi katulad nong Yuan na yun na kukunin muna ang loob mo bago mamanyakin!" sigaw nito "Huwag mo akong tawagin pag may nangyaring masama sayo ha? Kasi hinding-hindi kita tutulungan!" anito sabay alis


Naiinis  si Zafira sa binata dahil lumapit lang talaga ito para siraan si Yuan. Alam niyang sinisiraan lang nito si Yuan dahil malapit sa kanya ito. Napakawalang modo talaga ng Sextans na yun. Ang sarap suntukin!



Nang hindi niya na matanaw si Sextans. Umalis na rin siya at pumunta sa kanyang dormitoryo. Hindi na siya tatambay sa parke dahil sira na ang araw niya at sinira iyon ni Sextans. Napagdesisyonan niya nalang na matulog para makapagpahinga.





Kumakain ngayon si Zafira kasama si Stellia at biglang dumating si Yuan. "Magandang umaga sa inyo! Pwede bang makiupo?" tanong ni Yuan sa kanila


"Oo naman" sagot niya kaya umupo si Yuan sa tabi niya




"Ahm... Zafira aalis na ako ahh. May nakalimutan kasi akong kunin sa dormitoryo ko" pagpapaalam ni Stellia at diretsong umalis




Nitong nagdaang araw, napapansin niya na umiiwas si Stellia kapag kasama niya Yuan at hindi niya alam kong bakit. Baka may hindi alam lang siyang problema sa pagitan ng dalawa kaya binalewala niya lang ito.



"Tapos ka na bang kumain? Sabay nalang tayong pumunta sa silid-aralan" anito




"Sigi sabay nalang tayo. Tapos na kasi akong kumain" aniya at naghandang umalis




Sabay silang pumunta ni Yuan sa kanilang silid-aralan at biglang siyang inakbayan nito. Sanay na siya sa pang-aakbay rito dahil palagi itong nang-aakbay sa kanya. Habang naglalakad sila, nakakita niya si Sextans ang talim ng tingin kay Yuan. Hindi niya alam kung ano ang ikinagalit niya rito at alam siyang panahon na alamin iyon dahil wala siyang pakialam sa binata.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon