AYAW ni Sextans na maghiwalay sila ni Zafira pero hiniling ito ng dalaga kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ito. Dinurog, pinipiraso at pinipiga ang puso niya ngayon. Subrang sakit ng nararamdaman niya. Gusto niyang huwag makipaghiwalay pero wala siyang magawa dahil kagustuhan ito ni Zafira. Kahit ayaw niya, tinanggap parin niya kasi sabi nga nila diba na pagmahal mo ang isang tao handa mong gawin lahat kahit masakit para sayo basta maging masaya lang siya. Mahal niya ang dalaga kaya sumang-ayon siya sa paghihiwalay nilang dalawa kahit mahirap at masakit para sa kanya. Ganon niya kamahal si Zafira.
Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaandar ito. Nakalayo na siya kay Zafira pero ang puso at isip niya naiwan sa dalaga. Ang daming bumabagabag na tanong sa isip niya. Kaya ba niyang malayo kay Zafira? Hanggang kailan sila ganito? Makakabalikan pa ba sila? Pag naging maayos na ang lahat, mahal pa ba rin siya ni Zafira? Parang sasabog na ang utak niya kakaisip kung anong mangyayari sa kanilang paghihiwalay.
Dumaan siya sa daang-bayan na krosing at dahil okupado ang isip niya hindi niya na malayang may dadaan na isang sasakyan sa kabilang kalsada kaya nagkabanggaan ang sasakyan nila. Malakas ang pagkabangga kaya nauntog ang ulo niya sa isang bagay na matigas. Subrang sakit ng ulo niya at nakaramdam siya ng pagkahilo hanggang naging madilim ang lahat kasabay ng pagpikit ng talukap ng mata niya
SA SILID-TULUGAN si Zafira dumiretso at nagkulong. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng todo. Subrang sakit ng nararamdaman niya at ang pag-iyak lang ang sa tingin niyang pagpapagaan ng loob niya. Subrang daming posibleng mangyari na naiisip niya. Pwedeng hindi na siya babalikan ni Sextans, pwedeng maghanap ito ng ibang babaeng pamalit sa kanya at pwede ring hindi na siya mamahalin nito. Napahagulhol siya ng isipin niya yun. Hindi niya kayang makitang may iba itong kasama at hindi rin niya kayang sa iba ito masaya at hindi na sa kanya. Iniisip palang ni Zafira iyon parang mamamatay na siya paano pa kaya kung totoo ng nangyayari? Baka magpakamatay talaga siya.
Sa kalagitnaan ng pag-iyak niya, may biglang kumatok "Binibining Zafira pwede bang pumasok?" tanong ni Ginoong Mordred sa labas
Umayos muna siya ng upo at pununasan niya muna ang mga luha niya bago sumagot "Opo. Pwede po kayong pumasok" aniya
Dahan-dahang pinihit ni Ginoong Mordred ang pinto at pumasok. Umupo ito sa paanan ng kama. "Binibining Zafira, hindi na po ako magpapaligoy pa. Sasabihin ko na po sa inyo ng diretso" anito
"Ano yun?"
"Si Ginoong Sextans po na aksidente kanina lang" anito na ikinabigla niya
"Ano?! Asaan siya ngayon?" tanong niya habang kinukuha ang balabal at nagsuot ng hapin sa paa
"Nasa De La Fuente Hospital po" sagot nito "Sasamahan ko na po kayo"
Tumango si Zafira at nagmadadaling lumabas. Pagkalabas niya, nakita niya ang karuwaheng nakaparada kaya sumakay siya kasama si Ginoong Mordred. Nanginginig ang tuhod at labi niya dahil kaba at takot na nararamdaman. Ang daming mga hindi kaaya-ayang pumapasok sa utak niya na siyang dahilan kaya nadadagdagan ang kaba at takot niya. Halos ilang dasal ang dinasal habang papunta sa hospital at pagkadating niya ay dali-dali siyang pumasok sa hospital at hinanap si Sextans. Na pag-alaman niyang nasa ICU ito at nag-aagaw buhay. Walang tigil ang pag-iyak niya at wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan pa siya ng mga tao rito. Sinubukan siyang patahanin ni Ginoong Mordred pero bigo itong patahanin ang dalagang may nag-aagaw buhay'ng minamahal.
"Hindi pa patay ang kapatid ko kaya huwag mo siyang iyakan ng ganyan" napatigil sa kakaiyak si Zafira ng marinig ang malamig na baritonong boses sa gilid niya
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Matikas itong tumindig, malalaki ang pangangatawan at hindi maikakaila na may angking kagwapohan pero kapansin-pansin ang asul na matamlay nitong mga mata. "Sino ka?" tanong niya
Tumingin ang asul na matamlay nitong mga mata sa kanya "Iniluwal ako, hindi sinuka! Gaga" giit nito
Kumunot ang noo ni Zafira at hindi makapaniwala sa pagiging pilosopo nito "Ang ibig kong sabihin, anong pangalan mo at kaano-ano mo si Sextans?"
"Ah sana yan nalang ang tinanong mo hindi yung 'sino ka?'" at talagang kasalanan pa niya? "Ako si Cepheus Pornue, kapatid ng malapit ng mamatay na iniiyakan mo" anito
Nainis ang dalaga rito. Ang kapal ng mukha nito na pagsabihang malapit ng mamatay si Sextans? Nadesgrasya lang ito at alam niyang hindi pa ito mamamatay "Huy gago! Hindi mamamatay si Sextans!" aniya
"Really? Pano mo nalaman? Diyos kaba?" tanong nito na ikinainis niya ng subra
Napansin ni Zafira ang pag-eenglis nito kaya nasisiguro niyang talaga siyudad ito at hindi taga rito "Hindi ako Diyos pero nasisiguro akong hindi mamamatay si Sextans"
"Yah what ever" anito sabay irap at linagpasan siya
Biglang tumaas ang altrapresyon ni Zafira dahil sa lalaking iyon. Napakapilosipo nito at halatang walang modo. Imbis na malungkot at magluksa dahil sa sinapit ni Sextans, nangibabaw ang pagkainis niya dahil sa Cepheus na yun.
Lumipas ang ilang minuto, lumabas na ang doktor. Linapitan niya ito "Dok ayus na po ba si Sextans?"
"Sa ngayon, hindi pa namin alam dahil sumasailalim pa siya sa obserbasyon. Nabagok pala ang ulo niya at masasabi kong may hindi kaaya-aya itong epekto sa kanya kaya mahanda nalang kayo" sabi ng doktor
"Salamat Dok" aniya at umalis na ang doktor
"Wait, why are so concern to my bother?" tanong ng gagong nasa likod niya
Naintindihan niya ito dahil marunong siya sa wikang englis dahil lumaki rin siya sa syudad "Wala ka na dun" aniya sabay alis
Ayaw niya muna ipaalam rito kung ano ang relasyong namamagitan nila ni Sextans baka mag-away pa sila at pagbintangan siyang siya ang dahilan kaya nadesgrasya ito.
Kahit paano, napanatag ang loob niya pero may kunti pading takot.
**********
Lumipas na ang isang linggo pero hindi padin gumigising si Sextans at nagsimula ng mag-alala si Zafira. Isang linggo na din siya hindi umuuwi sa kanila. Hinahatdan lang siya ng damit at pagkain dito ni Ginoong Mordred at hanggang ngayon hindi pa umuuwi ang inaama niya kaya ligtas pa siya. Ang kapatid naman ni Sextans ay minsan lang makadalaw kasi nag-aaral pa daw ito sa syudad at ang palaging niyang kasama ay si Alucard lang at si Miya, mga kaibigan ni Sextans.
Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama ng binata at walang sawang tinitignan ang walang malay na mukha ni Sextans. Minsan napapaluha siya pero pinilit niyang magpakatatag. Ang plano pala niya paggumising na ito ay makikipagbalikan na siya dahil tama ang mga sinasabi nito sa harden na wala itong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang niya. Naging tanga lang talaga at nagpadala siya sa sitwasyon kaya nakipaghiwalay siya rito pero ngayon natauhan na siya at ipaglalaban na talaga niya si Sextans sa inaama niya.
Habang hinahawakan ni Zafira ang kamay ni Sextans, naramdaman niyang gumalaw ito. Tinignan din niya ang talukap ng mata nito at laking gulat niya ng gumalaw din ito. Ilang sandali pa ay tuluyang ng nagising si Sextans. Hindi mapaliwanag ni Zafira ang nararamdaman niya ngayon. Magkahalong saya, kaba at tuwa ang nararamdaman niya. Dali-dali niyang tinawag ang doktor para ipaalam na nagising na ito kaya tsenek ng doktor ang kalagayan ng binata. May matatamis siyang ngiti habang tinitignan si Sextans na sumasagot sa mga tanong ng doktor.
"Dok kumusta po siya? Ayus na po ba siya?"
Ngumiti ang doktor simbolo ng magandang balita "Maayos na siya binibini at pahinga nalang ang kailangan niya" sagot ng doktor na ikinatuwa ni Zafira
Nagpasalamat si Zafira at diretsong linapitan si Sextans. Niyakap niya ito "Namiss kita. Akala ko hindi kana gigising"
Kumunot ang noo ng binata at kumalas sa pagkakayakap niya "Sino ka?"
Paulit-ulit na nagplaplay ang tanong na yun sa isip niya at dahan-dahang umagos ang luha galing sa mata niya.
Hindi niya ko kilala.........
BINABASA MO ANG
Nagmahal Sa Maginoong Manyak
RomanceHuwag nating gawing besahan ang panlabas na anyo ng tao dahil may mga taong may kaaya-ayang mukha pero masama ang ugali. Meron ding maginoong tignan pero may angking kamanyakan. Minsan nakakainis ang walang modo at manyak na lalaki na kalahi ni Ada...