"Sextans ako to si Zafira.....hindi mo ba ako naaalala?" naluluhang tanong niya
Bakas sa mukha ni Sextans ang pagkataka sa kanya "Hindi kita kilala. Ano ginagawa mo rito?" tanong nito
Dahil sa mga tanong ni Sextans, gumuho ang mundo kasabay ng magtulo ng mga luha niya. Nanlumo siya at napakapit sa kama dahil sa panginginig ng tuhod niya. Hindi siya naaalala nito. Hindi sapat ang salitang MASAKIT ang nararamdaman niya ngayon.
Tinignan niya ang doktor "Bakit hindi niya ko naaalala?"
"Binibini, baka nagkaroon siya ng partial amnesia dahil sa pagbagok ng ulo niya"
Partial amnesia? Ibig sabihin nalimutan nito ang lahat ng pinagsamahan nila ng dalaga. Sa lahat ng pwedeng kalimutan bakit yung tungkol pa sa kanila? Bakit ang relasyon pa nila ang makalimutan nito?
Biglang pumasok sina Alucard at Miya at dumeretso kay Sextans. "Tukmol buti nagising ka pa" biro ni Alucard
Tumawa ang binata na siyang dahilan kung bakit nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ng dalaga. Ibig sabihin sina Alucard at Miya, naaalala niya pero siya hindi.
Tumingin si Miya sa kanya "Zafira ayus ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito
"Hindi niya ko naaalala" aniya sa gitna ng pag-iyak
"Ano?" sabay na tanong nina Alucard at Miya
"Tukmol hindi mo siya naaalala? Siya yung babaeng mahal mo" saad ni Alucard kay Sextans
"Hahaha mahal? Gago alam mo na mang wala akong minahal na babae sa buong buhay ko diba?" tanong nito
Napahagulhol nalang na umalis si Zafira dahil hindi na niya kaya. Subrang sakit na. Talagang kinalimutan na siya nito at hindi na siya mahal nito. Masaya siya na nagising na ito pero bakit imbis na matuwa, umiiyak siya ngayon dahil hindi na siya naaalala nito.
Umiiyak siyang naglalakad na walang destinasyon hanggang bumabangga siya sa isang matigas na katawan. Tinignan niya ang nakabangga niya.
"Ayus ka lang ba?" tanong ni Cepheus sa kanya
Niyakap niya si Cepheus at humagulhol ng iyak. Sa ngayon, kailangan niya ng taong maiiyakan at wala siyang ibang makita kundi si Cepheus lang. Kahit may pagkabwesit ito, marunong itong magpagaan ng loob.
"Hindi niya ko maalala" aniya sa gitna ng pag-iyak
"Alam ko galing na kasi dun at sinabi na sakin ni Miya na hindi ka maalala ni Sextans. Kaya ano magpapakamatay ka na?" tanong nito
"Ngayon ako magpapakamatay" aniya sabay bitaw kay Cepheus
Naisipan niyang pumunta sa gitna ng kalsada pero bago pa niya magawa yun, hinawakan siya sa braso ni Cepheus at pinigilan.
"Huyy gaga! Baliw kaba? Ano magpapakamatay ka talaga?" tanong nito na mukhang galit "Andaming gustong magbuhay na nandiyan sa gusaling iyan" tinuro niya ang hospital "tapos ikaw, magsasayang lang buhay na hinahangad ng iba? Ayy talagang gaga ka" aniya
Natamaan siya sa sinabi ni Cepheus. Tama ito dahil hindi ang pagkakamatay ang solusyon ng lahat ng problema.
NAKAHIGA NGAYON si Sextans sa kama ng hospital habang tinatalakan ng kaibigan niyang gago "Naku naman tukmol, sa lahat pa talaga ng nakalimutan mo yun pa talagang taong magpapatino sayo?! Nako naman"
"Huyy hindi ko naman ginusto na kalimutan ang babaeng yun. Sandali sino ba yun?" tanong niya
Hindi niya talaga kasi maalala ang babae umiiyak kanina. Kahit anong gawin niya wala talaga siyang alam dito.
"Huyy si Zafira Hydra Luvdale yun, inaanak ng Alkalde ng Perrigrines. Minahal, kinantahan, iniyakan, pinaglaban mo lang naman ang babaeng yun tsaka tumino ka lang naman dahil sa kanya" sagot nito
Talaga? May babaeng nagpatino sa kanya? Tagala bang nagmahal siya ng kauri ng ina niyang mang iiwan?
Kahit anong halungkat niya sa memorya niya hindi talaga niya maalala ang babae nagngangalang Zafira. Pasensyahan nalang sila don sa babaeng yun.
"Dok babalik pa ba ang alaala ni Sextans kay Zafira?" narinig niyang tanong ni Miya sa doktor
"Hindi ko pa iyan masasagot sa ngayon. Pwede hindi at pwede ring oo" sagot nito na ikinalungkot ni Miya
Bakit ba pinoproblema nila ng sobra ang mga alaala ko sa babaeng yun? Sobrang importante ba talaga ng babaeng yun sa buhay ko?
************
MASAKIT. SOBRANG SAKIT. Ng nararamdaman ni Zafira ngayon. Kung pwede lang sana, makalimot nalang din siya para hindi niya na maalala ang sakit. Kung pwede palang na umiinom ng gamot pampalimot. Ginawa na niya kaso wala eh. Walang siyang ibang magawa kundi tanggapin at tiisin ang sakit. Talagang ganito ang buhay, masasaktan ka at magdudusa at ang tanong hanggang kailan? Hanggang kailan siya masasaktan? Hanggang kailan siya magdudusa ng ganito? Talaga bang ganito ang buhay?Parang pinipiga, dinudurog, pinipiraso ang puso niya ngayon dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi niya na kaya ang magdusa at masaktan. Sa lahat pa talaga na tao sa mundo bakit pa siya ang nagdudusa ng ganito? Wala na nga ang mga magulang niya pati ba naman ang mahal niyang lalaki, mamawala rin sa kanya? Minsan naiisip niya na ang unfair ng mundo.
"Huyy tahan na" saad ni Cepheus
Nandito kasi siya ngayon sa isang restaurant na pagmamay-ari ng binata at kanina pa siya iyak ng iyak. Si Cepheus naman ay kanina pa bigay nang bigay ng pagkaing masasarap sa kanya para tumahan siya. Hindi na nahiya si Zafira dito kasi naging malapit na rin siya sa binata.
"Cepheus ang unfair ng mundo"saad niya sa gitna ng pag-iyak
"Huyy gaga! The world is fair. Talagang hindi ka lang marunong tumingin sa mga maliit na bagay na meron ka" giit nito
Tinignan niya ito "Sigi nga pano mo nasabi na fair ang mundo?"
"Look... Ikaw may maraming pera samantalang ang iba kumakapit sa patalim para magkapera. Ikaw walang pamilya then iba meron. In short may mga bagay na wala ka pero meron sila at may mga bagay din na wala sila pero meron ka"
Mukhang may napulot siyang aral sa sinabi ni Cepheus. Oo tama ito at ibig sabihin fair talaga ang mundo. Talagang minsan hindi nakikita ng ibang tao ang mga maliit na mahahalagang bagay na nasa kanila dahil nasisilaw sila sa mga bagay na inaasam-asam nila at dahil rin hindi sila makuntento kung ano ang nasa kanila.
"Buti naman tumigil kana. Oh ano na tanggap muna ang katutuhanan na kinalimutan kana ng ugok kong kapatid?" tanong nito
"Oo pero hindi ko siya lalayuan baka kasi bumalik ang alaala niya sakin"
"Suss ikaw na ang dakilang umaasa" saad nito
Umaasa na kung umaasa basta ang importante hindi niya susukoan si Sextans dahil mahal niya ito kahit hindi siya maaalala. Ganon naman talaga kasi diba? Hindi mo dapat sukuan at iwan ang taong mahal mo kahit masakit na at gagawin mo talaga ang lahat para sa taong mahal mo.
******
Isang linggo na siyang hindi maalala ni Sextans at isang linggo na rin siyang nagdudusa pero lumalaban pa. Nakalabas na pala si Sextans sa hospital at ang tungkol sa partial amnesia niya, sabi ng doktor may labing-limang porsyentong hindi na babalik ang alaala nito at may labing-lima ding babalik pa. Magdasal nalang daw at manalangin na bumalik ang alaala niya.
Nandito sila nina Miya, Alucard, Cepheus at Sextans sa parke. Naghihintay sila sa ina nito na dumating. Gusto kasi ng ina ni Sextans na makipag-usap at makapagbati rito dahil miss na miss niya na raw si Sextans. Kinausap naman ni Cepheus si Sextans na napag-alaman ni Zafira na Half bother lang ang dalawa, tungkol sa ina nito at mukhang napapayag ni Cepheus na makipag-usap si Sextans sa ina nitong iniwanan ito mahabang panahon na ang nakalipas. Na ikwento rin ni Cepheus sa kanya na anak sa labas daw si Sextans at anim daw silang magkakapatid. Sabi rin ni Cepheus na ang dinadalang apiledo ni Sextans ay ang ama ni Cepheus. Umangal at nagreklamo raw si Sextans pero wala na itong ibang magawa.
BINABASA MO ANG
Nagmahal Sa Maginoong Manyak
RomanceHuwag nating gawing besahan ang panlabas na anyo ng tao dahil may mga taong may kaaya-ayang mukha pero masama ang ugali. Meron ding maginoong tignan pero may angking kamanyakan. Minsan nakakainis ang walang modo at manyak na lalaki na kalahi ni Ada...