Chapter 7

14.8K 379 9
                                    

“PLEASE, Steve. Sabihin mo naman sa akin ang confession ni Eve sa’yo. Hindi niya sinasabi sa’kin kung ano ba talaga ang nakaraan niya. Gusto kong maintindihan kung bakit siya nalulong sa droga dati. Please, Steve. Help me.” Pagmamakaawa ni Pauline sa kaibigang doktor na psychiatrist ni Eve, ang kanyang kakambal.

He heaved a sigh and leaned back on his thick-foamed recliner. “You see, Eve was a victim of sexual abuse. Hindi madali ang pinagdaanan niya at ayaw kong ako ang mag-kwento no’n. But if you insist, sasabihin ko sa’yo dahil gusto kong maunawaan mo ang sitwasyon ni Eve.” Ipinagsiklop ng lalakeng doktor ang mga daliri bago muling nagsalita. “Eve’s uncle was an anal fetish. Ibig sabihin, naa-aroused ang tiyuhin niya hindi sa ari ng isang babae kundi sa…”

“… anus?” Pauline asked.

Steve nodded. “Imagine the pain, Mrs. Perez. Kaya halos pa lang ay ayaw kong sabihin sa’yo ito. Eve trusted me a lot about this matter. Kaya sana huwag mo sabihin sa kanyang sinabi ko sa’yo ang mga nalalaman ko. Eve had ghosts and demons, Mrs. Perez. Hindi madaling harapin iyon sa murang edad. Kaya sa tulong ng droga, nalagpasan niya iyon. She became addicted to recreational drugs. Siguro ay dahil pansamantala niyang nakakalimutan ang anxiety at inhibitions. Nagiging malaya siya.”

Pauline’s heart throbbed in pain. Naaawa siya sa kapatid. Tama ang desisyon niyang tulungan itong magbagong-buhay dahil hindi pala naging madali ang pinagdaanan nito.

A few years ago, Eve stole her money and identity dahil sa droga. Eve became addicted to it. To the point na naapektuhan na ng droga ang pag-iisip nito. Eve’s negative thoughts dominated her brain and it made her twin sister do a lot of unforgivable things. Muntik na siya nitong patayin dahil lamang sa drogang iyon.

“Saan niya ba kasi nabili yung droga?”

Dr. Steve Lim shrugged as he leaned his back on the swivel chair’s backrest again. “Eve became a dancer in this rundown strip club, right? Alam mo namang mabenta ang mga droga sa mga night clubs.”

“Pero bakit niya kailangang magtrabaho doon, Steve?”

Steve furrowed his brows at her. “Hindi mo ba alam na hinahabol pa rin siya ng tiyuhin niya sa takot na magsalita si Eve sa pulis tungkol sa abusong nangyari?”

“Pero ang pagkakaalam ko ay namatay na ang tiyuhin namin. Mr. Patrimonio said so.”

He nodded. “I know. Patay na ang tiyuhin niyo. Sinabi rin sa akin ni Eve na ang mismong boss nito ang nagpapatay. Kung ano man ang rason ay wala na siyang alam. She’s free now, Pau. Malaya na si Eve pero ang isang bahagi ng pagkatao niya ay mananatiling nakakulong sa nakaraan.”

EVE heaved a sigh as she finished wiping the table. Magsasara na ang coffee shop kaya halos lahat ng kasamahan niya ay nagsi-uwian na at si Len na lang at siya ang naiwan. Si Len ay kaibiga ng co-owner ng coffee shop na si Candice Lassiter kaya rito ipinagkatiwala ang buong pamamahala ng shop. Asawa ito ni Peter na ngayon ay nasa parking lot at hinahanda ang sasakyan para umalis. Tanaw ito ni Eve sa di-kalayuan.

“Len, tingnan mo ang asawa mo. Hirap na hirap palabasin ’yung sasakyan niyo sa parking lot. Sigurado ka bang marunong magmaneho iyang si Peter?”

Narinig niya ang halakhak ni Len mula sa counter. “Oo naman. Magaling ’yan magmaneho. Kaso nga lang, hindi niya nakasanayan ang sasakyang iniregalo sa kanya ni Candy kaya nagkakaganyan ang mokong.”

She smiled. “Nakakatuwa naman kayo ni Ma’am Candy. Magkakaibigan pa rin kayo kahit na anong mangyari.”

Len chuckled. Nang tingnan niya ito ay nagpupunas ito ng counter. "Alam mo kasi, matagal na ako nagsisilbi sa mga Del Fierro, ang pamilyang napangasawa ni Candy. Nakita ko kung paano naghirap si Candy para makuha ’yung lalakeng mahal niya. Kaya masasabi mong mga tunay kaming kaibigan kasi nasa likod lang kami ng isa’t-isa para umalalay at sumuporta.

Bared and Restrained (EROTIC ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon