Chapter 16a

14.4K 336 30
                                    

GUSTONG maluha ni Eve sa mga nakita.

Her old artworks was neatly placed inside a vintage frame and they’re all over the room. Nandoon rin ang mga damit niya na naiwan sa bahay nila Hefner dati. Her old clothes were neatly placed inside a cabinet. All of her old stuff were inside that room.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. She saw her painting of Hefner. Black and white iyon at ini-regalo niya iyon kay Hefner noong kaarawan nito. Iyon ang time na may matinding paghanga siya sa binata.

Sa isang sulok ay may table kung saan naroon ang mga pangkulay niya at brush na nabili niya lang sa palengke kasama ang binata.

She smiled with tears in her eyes.

Nang magsawa siya na pagmasdan ang mga lumang gamit ay napadpad siya sa isang office table. Sa gilid no’n ay may isang blue print na sa tantya niya ay lumang-luma na. Nag-iisa lang iyon na nakatayo sa gilid ng table.

Nagtataka siya. Maraming tinatagong blue prints si Hefner. Bakit isang blueprint lang ang nakita niya doon?

Kinuha niya ang lumang blue print at dahan-dahang binuksan mula sa pagkakarolyo’t ipinatong iyon sa table.

She sobbed as bittersweet memories once again invaded her thoughts.

“Gusto kong magkaroon ng beach house, Hef. Kahit maliit lang. Tapos doon tayo titira.”

Hefner chuckled. “Talaga? Gusto mong doon tayo bumuo ng pamilya?”

Eve smiled and nodded. “Oo. Tapos titingin tayo sa mga stars sa gabi.”

Natawa ang binata. “Para namang telenovela iyan.”

“P-Pwede tayong maglatag ng banig doon sa tabing dagat. Pwede rin tayong mag-picnic!”

“Pwede rin tayong doon mag–”

Hinampas ni Eve sa braso ang binata. Tumawa lang ito. “Ayaw mo ba?”

“Gusto. Pero sana huwag mong bahiran ng kahalayan ’yung pangarap ko. Sinisira mo naman eh.”

Hefner cuddled her. She giggled as she felt his shaft poking her stomach. “Okay. Gusto kong maglagay roon ng art room. Tapos doon ka magpipinta. Gusto kong maglagay ng magandang view ng beach doon. Tuturuan mo ang mga anak natin–”

“Gusto ko ’yun!”

Hefner smiled and kissed her lips. Her body tingled. Muli na naman nilang pinagsaluhan ang init na kanilang nadarama.

After the fire burned out, Hefner carried her to his desk. Nagsimulang gumawa ng lay-out doon si Hefner. Nagpa-plano ito ng magiging hitsura ng bahay nila. She was sitting on his lap, naked. His lips brushing her nape and shoulder.

“Hindi ba parang ang ambisyoso naman natin kung ganyan kalaki? Baka hindi natin kayanin ’yan. Hindi naman tayo ma-pera.” She twisted her head to her behind, giving him a puzzled glare

He gave her a daring look. "Wala ka bang tiwala sa’kin?

“Meron naman. Kaso masyadong malaki ’yang bahay na ginagawa mo. Hindi ko kayang linisin ’yan.”

“Huwag kang mag-alala. Kukuhanan kita ng katulong.”

“Dagdag-gastos na naman,” napasimangot si Eve. "Daig ko pa prinsesa sa mga pangarap mo.

Umiling ang kasintahan. “No. You’re not going to be a princess. Gagawin kitang reyna.”

Eve giggled. “Bolero.”

Bared and Restrained (EROTIC ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon